Heiress 06

3378 Words
Heiress 06: Behind the C2 Ang kaninang magulo, maingay at puno na tawanan na klase ay animo’y dinaanan nang isang anghel sa sobrang tahimik. Wala na ni isa ang nagtangka pa magsalita, tumingin sa katabi o libutin ang paningin. Lahat kami ay nakatingin sa lalaking nasa harap namin. May katandaan na siya pero ang tindig niya ay nakakatakot, mukha siyang gangster sa gilid nang kalsada at halata sa katawan niya na suki siya nang isang gym. Malapad ang kanyang mga dibdib, ang braso niya ay kitang-kita ang muscle kahit na igalaw niya lang ito nang kaunti. Hindi ko mapigilan ang mapalunok sa sarili kong laway. Unti-unting namawis ang aking noo, at ang dalawang palad ko ay unti-unti na din nanginig. “Good morning, class!” Bati niya sa lahat at tila natural na ang pagiging malakas nang boses niya. “Good morning, Sir Calixto!” bati namin lahat habang nakatayo. “Sit down.” Utos niya na tahimik namin sinunod. Malakas na binagsak niya ang hawak niyang libro sa lamesa at na upo dito kasabay noon ang pagtingin sa buong klase niya. Hindi katulad sa na unang subject namin kanina ay mas kaunti ang laman nang classroom namin, mukhang na hati na kami sa dalawa. “Dahil first subject lang ito ay hindi ako magtuturo,” aniya bago tinuro ang libro na binagsak niya mula sa lamesa, “At ito ay props lang para mukhang magklaklase tayo. Hahaha,” biro niya bago tuluyan na upo sa taas nang mesa. Nanatili kaming tahimik, ang iba ay mahinang natatawa dahil sa sinabi niya pero hindi ito pinahalata. Bakit ba ganito ang mga prof dito? “Okay, wala akong kausap,” natatawa niyang sabi bago tinuro ang lalaking nasa bandang likod nang room, “Ikaw, tumayo ka!” Utos niya. Sinunod naman siya agad nito. Muling may dumaan na anghel sa buongg klase sa biglang pagtawag ni Sir, major subject pa naman siya. At parehas na parehas pa sila ng aura ni Sir Tradella, “Sir?” Tanong ng lalaki. “Sino ang unang prof niyo at halos ayaw niyo na magsalita lahat?” Taanong ni  sir dito. “Si Sir Tradella po,” magalang nitong sagot sa prof. Malakas na napapatawa si Sir. Hindi din maiwasan na napakunot ang noo ko dahil sa madalas nitong pagtawa, ano ba ang nakakatawa sa sagot nang isa? “Ang malas nyo naman pala talaga, Freshmans,” aniya bago tumayo, “Sige, dahil ayaw niyo naman ako kausapin ay bibigyan ko nalang kayo nang tips patungkol sa matandang 'yon. Kung gusto niyo na hindi siya magalit sa inyo, at hindi kayo ang matawag niya ay dapat malinis, maayos at palagi kayong handa sa klase niya. Siguro naman ay alam niyo na strict siya, pero hindi siya ang pinaka-strict sa lahat nang prof dito. At kung pati 'yon ay maging prof niyo, magdasal nalang kayo na papasa kayong lahat." Payo nito na may halong pananakot. "Bakit po, sir?" Tanong nang lalaki na tinawag niya kanina. "Dahil kahit graduating student ay binabagsak no'n, wala siyang pakialam sa mga studyante niya kung papasa o hindi. At 10 over 50 lamang ang nakakapasa sa klase niya." Paliwaag nito. "Hala!" Nagular kaming lahat nang malakas na nagsalita si Penelope mula sa kina-uupuan niya. Pati na din ang atensyon ni Sir ay kanyang nakuha. "Talagang, 'Hala!'. Good luck nalang sa inyo mga iho, at ija." Sabay kindat nito sa amin lahat, "Binigyan ko na kayo ng tips. Ngayon, Introduce yourself muna tayo. Ako ang mauuna," aniya bago pinagkrus ang dalawang braso nito. "Ang pangalan ko ay Heavy Calixto-- oo, as in mabigat." Paliwanag niya, "Graduate ako ng military, nag-aral nang business at bumagsak bilang isang professor dito. At alam ko ang mga kalokohan niyong lahat," sagot nito bago tinuro ang tahimik na lalaki sa gilid ng klase, "Ikaw, tumitira ka ano?" Tanong niya dito. Nagulat ang lalaki sa sinbi ni Sir, lahat kami ay napatingin sa pwesto nang tinuro niya. Namumula ang mata nito, ang pisngi niya ay lubog pati na din ang ilalim nang mga mata niya na halatang walang tulog. "Hindi po, Sir!" Sagot nito bago nagtaas nang dalawang kamay, "Wala lang po akong tulog, kakauwi ko palang po sa trabaho at dumiretso na ako dito." Paliwanag niya. "Akala ko eh, pasensya na, pre! Kumain ka na ba?" Hinging paumanhin ni Sir. "Hindi pa po," sabi nang lalaki, "Wala na pong oras, sir. Baka mamaya na po," anito. "Ano ba ang trabaho mo? Sa fast food?" Tanong ni sir dito. Tumango naman ang lalaki sa tanong nito. Gano'n ba kahirap ang buhay na meron siya para magtrabaho habang nag-aaral? Ngayon lang ako nakakilala nang ganitong klase nang tao. Sa dati namin na school, mapuyat lang nang kaunti ay hindi na papasok pero siya. Kahit pagod mula sa trabaho, walang tulog at walang kain ay pinipilit pa din ang sarili para makapag-aral. "Lumabas ka muna, bumili ng pagkain at bumalik ka dito." Ani sir bago nilibot ang paningin mula sa loob ng room, "Sino ang hindi kumakain sa inyo?" Tanong niya. Mabilis naman na nagsitaasan nang kamay ang mga iba naming classmate. Ang kanina na animo'y takot na takot kay sir, ay mga naging walang hiya na. "Asa kayo!" Natatawang sabi ni Sir, "kung lahat kayo lalabas, edi ako naman naging mukhang g*g* mag-isa dito sa room, mag-isa na nagsasalita." Nagtawanan naman ang iba. Hindi ko mapigilan ang mapangiti, mukhang itong prpf na 'to ang magiging kasundo namin lahat. Masyado namin siyag jinudge sa pinakita niyang aura nang pumasok siya, pati na din sa katawan niya. "Hoy, ikaw! Bilisan mo kumilos, pagwala ka pa dito na turn mo na sa introduce yourseldf, absent ka na." Muling baling niya sa lalaki. "Opo, sir!" Nakangiti na sabi nito bago nagnamadaling lumabas bitbit lamang ang wallet. Nang makalabas na siya ay tinignan kaming lahat at huminto 'yon sa pwesto ko. Bago ako tinanguan, "Ikaw ang mauna." Tumayo ako. Muling natahimik ang klase, tinignan ko silang bago ngumiti, "Hello, god morning! My name is Marie Joyce Sebastian" maigsing sabi ko bago tumingin sa pwesto ni Sir. "Sebastian, Sebastian, ikaw ba 'yong Sebastian na nakakuha nang full scholarship at may pinakamataas na score sa buong BSBA?" Tanong ni Sir. Hindi ako makaimik, maranahan akong tumango bago napaiwas nang tingin. Narinig ko ang iba't-ibang reaksyon mula sa kasama namin sa room, ayoko na sana na malaman 'yon nang iba pero ayaw ko din magsinungaling sa harap nang lahat. "Sabi na nga ba! Usap-usapan ka sa buong campus nakaraan dahil sa one on one na exam sa'yo." Ani ni Sir, "Bakit BSBA ang pinili mo?" Tanong niya muli. "Hindi ko po alam kung anong pangarap at talagang gusto ko, Sir." Sagot ko. Iyon ang totoo. Sa isip ng iba basta matalino ay malayo ang paparatingan sa buhay pero iba ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko, hindi ko alam kung ano ba talaga ang pangarap ko, pero isa lang ang nakakasigurado ako. Iyon ay ako ang magmamana nang lahat ng ari-arian at pinaghirapan ni Papa. "Ganon ba 'yon?" Tumango ako. "Sinong gusto magtanong sa kanya?" Tanong ni Sir sa buong klase. May mga nagtaasan nang kamay at karamihan doon ay mula sa likod nang klase. "Ikaw, nasa gilid." Turo nito sa lalaki na namumula ang buong mukha dahil sa tigyawat. "Ang kinis nang balat mo bakla, clear skin ka din, anong sabon mo?" Dire-diretso niyang tanong. Rinig ko ang pagmura ni Sir sa tanong niya, ang buong klase ay nag-umpisa nang tumawa at ako naman ay ramdam na ramdam ang pamumula nang pisngi ko. "Safeguard lang ang gamit kong sabon, hindi ako gumagamit ng kung ano-ano sa balat ko dahil minsan hindi hiyang." Sagot ko sa kanya. "Sanaol, bakla!" Pabiro nitong sabi bago na upo. "T*ng***** tanong 'yan. Ikaw, ayusin mo tanong mo!" Utos niya sa babae na nasa likod namin. Ang babaeng sumita kay Penelope dahil sa pagiging maingay nito. "Kung matalino ka, bakit dito ka nag-aaral at hindi sa state university? Gusto mo bang palaging angat ka, o ayaw mo lang na malamangan ka?" Matalas ang dila nitong tanong. Bago ko sagutin ang tanong niya ay lumingon ako kela Penelope. Nangingil ang mukha nito at nakataas ang kanyang kilay. "Dito graduate ang tita ko, at base sa experience niya ay maganda ang turo dito. Mas malapit din ito sa lugar namin kaya dito ako nag-enroll. Hindi ako natatakot na malamangan, natatakot lang ako sa mga taong gagawin ang lahat mapabagsak lang ang iba." Diretso at nakangiti kong sabi. Naghiyawan naman ang mga classmate namin. Lumingon ako kay sir at sumenyas ito na maupo na ako. "Ikaw ang sumunod, ija." Turo ni Sir sa babae na nagtanong kanina, "At paki-explain kung ano ang tingin mo sa school na 'to at kung bakit ka nag-aaral dito." Dagdag pa ni Sir. "Kaye Hipolito, 20 years old. Nag-aral ako sa school na ito dahil sikat ito sa lugar natin, andito din ang lahat ng mga courses at malaki ang campus. Ang tingin ko sa school na 'to ay maayos ang sistema, maganda at hindi basta-basta makakapasok ang kung sino lang ang may gusto." Mahaba niyang paliwanag. Tumango-tango si Sir sa kanya na mukhang kontento sa sagot niya, "Sino ang may tanong?" Tanong ni Sir sa buong klase. Katulad kanina ay may nagtaasan nang kamay pero sa pagkakataon na 'to ay nakita ko ang pagtaas nang kamay ni Luna. Madilim ang aura nang mukha niya, ang mga mata niya ay tulala lang at mukhang malalim ang iniisip. "Okay, ikaw," turo ni Sir kay Luna. "Kung hindi basta-basta nakakapasok ang kung sino dito, bakit ka napakapasok?" Mahinhin nitong tanong. Muling naghiyawan ang mga classmate namin dahil sa tanong niya. Nakita ko ang pagngisi ni Penelope sa pwesto niya at pagtaas nang kilay ni Natalie. "Obvious naman ang sagot dyan, dahil hindi ako basta kung 'sino' lang." Sagot nito. Tumango naman si Luna at na upo. Nagkatinginan silang tatlo sa sagot nito bago muling tumango. "Ang init naman nang mga tanungan niyo girls, 'yong isa naman ay walang kwenta." Sabay baling nito sa nagtanong nang kung ano ang gamit kong sabon. "Sir, pangarap ko po magkaroon nang clear skin kung di niyo po natatanong." Pabiro nang sabi nito. Mas lalong lumakas ang mga tawanan nang mga classmate namin at kasama na ako. "Hindi ko na itatanong, halata naman." Bara sa kanya ni Sir bago ito pumalakpak, "Dahil masyadong mainit ang tanungan nang mg babae. Magkakaroon tayo nang groupngs, apat na tao sa isang group." Umimgay ang buong room. Tumingin ako sa tatlo at nakatingin din 'to sa akin. "Sino leader?" Tanong ni Penelope. "Ikaw na, Joyce." Turo ni Luna. Umiling ako, "Ikaw na. Sa susunod na groupings nalang ako," nakangiti kong sabi. Tumamgo naman 'to, binigay ko ang ID ko sa kanya para ilista ang pangalan namin sa isang papel. Nang makapasa na ang lahat kay Sir ay muling tumahimik ang lahat. Dahil muling nagbago ang aura ni Sir sa harap, kung kakina ay kita mo na pwede ang biruan, ngayon naman ay seryoso na ang mukha nito. "Magresearch kayo tungkol sa SWOT analysis, at mag-isip nang kung ano ang gusto niyo ipatayo na business. Grouping 'to, kaya lahat kayo ay  gagawa at tutulong. Bukod sa groupings na 'to, ay gusto ko ay individual din kayo gagawa nang sarili niyong business, may logo, may vision, mission, at SWOT analysis." Paliwanag ni Sir bago bumunot nang mga papel. "Group 1, leader, Jyllian" tawag niya sa papel na nahugot niya, "kayo ang mauunang magrereport next week. Maghanda kayo, dahil dito ako magbabase sa performance niyo." Paalala ni Sir. "Group 2, Leader, Luna," nagtaas nang kamay si Luna na tinanguan ni Sir, "Paghandaan niyo din." Tumango lang kami. Muling nagbanggit pa si sir nang mga pangalan nang magrereport, nag-umpisa na din mag-usap ang lahat tungkol dito at ako ay nanatiling tahimik sa pwesto ko. "Gawin na natin 'to agad habang hindi pa tayo busy sa ibang subject." Ani ni Luna. "Saan tayo pwepwesto?" Tanong naman ni Penelope. "Sa bahay nalang namin!" Ani ni Natalie bago bumaling sa akin, "Ayos lang ba, Joyce?" "Ayos lang," tango-tango kong sabi. Gusto ko din makita kung anong klase ang pamumuhay na meron siya. Gusto ko sila na makilala nang lubos bago lubusan na pagkatiwalaan. "Ayos na, sa bahay nila Natalie." Ani ni Luna. Nagkasundo na kaming lahat patungkol sa lugar. Kailangan ko nalang magpaalam kay mama tungkol dito. Pinaliwanag pa ni Sir Calixto ang ibang mga kailangan gawin as a group. Sinabi din niya ang mga rules niya sa loob ng room, at kung paano siya magbigay nang grades sa mga studyante niya. Natapos ang dalawang oras na klase niya. Isa-isa na naglabasan ang lahat at kaming apat ay napiling magpahuli sa lahat. "Saan niyo balak kumain?" Tanong ni Penelope sa kanila nang makita ang mga studyante na nagsisiksikan sa bawat karendirya, "grabe ang daming kumakain baka mahuli tayo sa susunod na klase," Dagdag niya pa. "Magtake out nalang kaya tayo sa fast food?" Tanong ni Natalie, "or doon nalang tayo kumain?" "Wala akong pera, Natalie. Gusto mo ba na hindi ako makapasok bukas dahil sa kawalan ng pamasahe ah?" Tanong ni Luna dito. "Sabihin mo kamo kuripot ka lang talaga. Nakita ko ang saving mo, ang laki na pero di mo pa din ginagastos. Aba, ang pera ginawa para gamitin, hindi para iimbak lang nang iimbak 'no!" Kontra naman ni Penelope sa kanya. Tama nga naman ang sinabi ni Penelope. Hindi mo ma-eenjoy ang pera kung palagi mo lang itong titipidin at itatago. Pero, hindi din naman maganda kung igagastos mo lahat-lahat ang pera na hawak mo. "Diba wala kang wallet ngayon, Joyce?" Tanong ni Luna. "Oo, tsaka may baon akong kanin. Kung sa fast food kayo kakain, siguro doon nalang ako sa likod nang school. May mga kubo doon at walang gaanong tao 'di ba?" Aniko. "Hindi pwede 'yon! Papautangin nalang kita, balik mo bukas pagdala mo na ang wallet mo." Reklamo ni Natalie. "Sayang naman ang baon kong lunch kung di ko din kakainin?" Patanong kong sabi. Napabuntong hiningi silang dalawa, si Luna naman ay malaki ang ngiti sa akin. Ayaw niya lang talaga na gumastos. "Osige na nga. Pila nalang tayo, sabay take out. Doon na tayo kumain sa likod nang school para na din tahimik," pagsuko ni Penelope. Tumango ako sa kanila bago ngumiti. Nag-umpisa na silang pumila at ako naman ay naghihintay lang sa kanila mula sa malayo, nang mapansin ko ang isang lalaki- Si Adrian na tahimik na naglalakad habang tawa ng tawa ang kasama niya. Sinusundan ko lang sila nang tingin, napansin ko ang paglingon niya sa pwesto ko na agad kong ikina-iwas nang tingin. "Joyce!" Tawag ni Luna bitbit ang dalawang bag mula sa magkabilaan niyang kamay, "Si Natalie at Penelope na daw ang oorder, mauna na tayo sa likod nang school." Aniya. "Mas maganda nga 'yon," dahil hindi na ako mapakali sa kinakatayuan ko. Hanggang ngayon, ay ramdam ko pa din ang titig nang lalaki na kasama ni Adrian. Nag-umpisa na kaming maglakad papaalis. Hindi na ako muling lumingon pa sa pwesto nang dalawa hanggang makarating kami sa kubo.   Katulad nang inaasahan namin ay wala ngang tao doon. Malakas ang hangin dahil sa madaming puno ang nakakalat sa buong lugar, at ang lumang parke na di din kalayuan sa lugar na 'to. "Ang creeepy nang park na 'yon. Sigurado ka ba na dito tayo kakain?" Nagdadalawang isip na tanong ni Luna. "Mas maganda dito, tahimik at makakapag-usap kayo nang maayos." Aniko. Wala na siyang magawa kundi ang mapabuntong hininga. Muli nitong nilabas ang cellphone niya na basag na ang screen bago magpatugtog nang masayang music. "Luna, may itatanong ako sa'yo," nahihiya kong sabi at napakamot nang batok. "Ano 'yon?" Tanong niya, "Basta huwag tungkol sa math." Dagdag niya pa. "Hindi, hehe. Bakit sinasabi nila na kuripot ka?" Tanong ko sa kanya. "Ah, 'yon ba. Sa amin kasing tatlo, masasabi ko na ako ang may madalas na may financial problem. Mahiglit ang papa ko pagdating sa pera, madalas nga ay kahit pamasahe di ako bibigyan kaya kailangan ko pa humanap ng paraan para magkapera. Kaya hangga't sa maari ay ayaw ko gumastos, di ko kasi masabi kung kailan ako bibigyan ni Papa at kung kailan  hindi niya ako bibigyan." Paliwanag niya bago nagkamot nang kanyang ilong, "Mas lalo na ngayon na college na tayo. Sigurado na marami na tayong bayarin babayaran." Dagdag niya pa. "Kung sabagay ay tama ka. Kahit ako ang nasa sitwasyon mo, hindi din ako gagastos nang pera basta-basta." Tango-tango kong sagot. "Teka, sino ang nagpapaaral sa'yo?" Tanong niya. "Si mama at papa" maigsi kong sabi, "pero katulad mo kailangan ko din magtipid. Mabuti na nga lang din ay may apartment si Tita dito kaya hindi sobrang laki ang problema ko sa pera." Pagsisinungaling ko. Hindi niya dapat malaman na kami ang may-ari nang tinitirhan ko. Ayaw ko na isipin nila na may pera ang magulang ko. Dahil ngayon, sa lugar na 'to, isa lang akong normal na estudyante, na may normal na buhay at pamilya. "Maswerte ka pa din. Ang hirap nang buhay ko ngayon, kaya kailangan ko makapagtapos agad." Aniya. Nag-usap lang kami nang kung ano-ano. Hanggang dumating na ang dalawa bitbit ang dalawang plastic na may laman na mga pagkain, at may binili din ang mga 'to na mineral water na kakasya sa aming apat. "Luna, ito na ang sa'yo." Sabay abot nila kay Luna ng pagkain nito. Nilatag na nila ang mga pagkain sa lamesa. Dahil pa-square at malaki ang kubo na 'to para sa aming apat ay nasa prente nilang itinaas ang mga paa nila. "Mas refreshing nga dito kesa sa karendirya na  maraming tao." Ani ni Penelope, "Paano mo nahanap ang lugar na 'to?" Tanong niya. "Dito ako kumain pagtapos nang exam ko nakaraan." Sagot ko. "Pansin ko sa'yo, Joyce. Ilag ka sa mga tao, bakit?" Tanong naman ni Natalie. "Mahiyain lang talaga ako simula bata ako," sagot ko sa kanya. Dahil din sa pagiging mahiyain ko ay wala akong masyadong kaibigan. Madalas lang akong mag-isa sa loob nang bahay namin, kasama ang iba't-ibang laruan at pilit na nililibang ang sarili. "Halata naman sa'yo. Pero, Joyce, huwag mo hayaan na palagi kang kainin ng hiya mo. Walang umaasenso sa tao na puro hiya lang sa sarili," payo ni Luna. Tumango ako, "Alam ko. Hindi ko lang talaga alam kung paano makisalamuha sa iba, natatakot ako sa pwede nilang sabihin sa akin,---" hindi matapos ang sasabihin ko nang may malakas na tawa mula sa kabilang kubo. Dalawa lang sila na andon at hindi ako nagkakamali. Si Adrian ang isa sa kanila. Paano nila nalaman na andito ako? "Ang swerte nga naman talaga natin 'no? Akalain mo ay andito ang dalawang 'yan sa lugar na 'to." Kinikilig na sabi ni Natalie. "Sino ba sila?" Tanong ko sa kanila. "Bago ka nga talaga," sagot ni Penelope bago sumubo nang pagkain nito. Akmang magpapaliwanag na si Penelope nang may isang high school student ang lumapit sa amin. Mukhang galing pa 'to sa malayo at nagmadali na pumunta dito. "Sino po si Ms. Sebastian?" Tanong niya habang hinihingal. "Ako 'yon, bakit?" Tanong ko dito. "Ikaw pala 'yon, ate." Inabot niya sa akin ang isang 7/11 plastic, "May nagpapabigay po sa'yo ate." Nagtataka na inabot ko ang plastic. Tinignan ko ang laman at mayroon  'yong Cookies at isang bote ng C2. Bago muling binalingan ang bata na nag-abot nito. "Sino ang nagbigay nito?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ko po alam, may nakisuyo lang din po sa akin na kung pwede i-abot 'yan sayo. Dahil papunta din naman po ako dito," sagot niya. Tumango-tango nalang ako. Nagpaalam na siyang aalis at babalik na sa building nila. Muli kong tinignan ang hawak kong plastic nang mapansin ko ang isang sticky note na nakadikit sa cookies. "Eat. -Yours," basa ko dito dahilan para maagaw ko ang pansin nang tatlo. Nang tuluyan na nakaabot ang batang lalaki ay binuksan na din nila ang plastic. "Uyy, may secret admire!" Tukso ni Penelope. "Ha? Hindi 'no," sagot ko dito bago nilapag ang plastic sa mesa. "Tanggi mo pa, Joyce. Ayan oh," sabay turo sa sticky notes na hawak ko. Agad ko 'yon na itinago sa loob nang bag ko at inipit sa isang notebook. "Hindi talaga," aniko bago nagpatuloy kumain. Sino naman kaya ang nagpaabot nito?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD