HEIRESS 05
"Ang akala ko ay aatakihin ako sa puso sa matandang 'yon! Ang ganda nang unang subject natin ngayong sem na ito at sabayan pa ng masungit na professor na 'yon!" may halong kaba na sambit nang katabi ni Marie Joyce habang hawak nito ang kanyang kaliwang dibdib na animo'y naghahabol nang hininga.
"Akala mo ba ay ikaw lang?" Tanong nang isa sa kaibigan nito na kaharap niya nang upuan bago tinaas niya ang kanang kamay niya na nanginginig, "Kahit wala na siya dito sa room ay nanginginig pa din ang katawan ko. Paulit-ulit na nag-eecho ang boses niya sa loob nang utak ko. Nakakatakot!" dagdag pa nito.
Hindi naman maiwasan na mapailing nang isa nilang kasama na si Luna. Sanay na sanay na ito sa dalawang kaibigan at kilalang-kilala niya na ang mga ito. Isa lang ang nakakasigurado siya, at 'yon ang nanganganib ang isa sa kanila na makapasa sa sem na ito.
Akmang makikipagsabayan na sana si Luna sa dalawang kaibigan nang mapansin niya ang katabi ni Penelope. Tinanong ni Penelope ang pangalan nito pero hindi nito narinig nang maayos.
"Hey, Marie Joyce!" bati niya sa dalaga.
Napaangat naman nang mukha si Marie Joyce ng marinig nito na tinawag ang pangalan niya. Mula sa pagbabangayan ni Penelope at Natalie ay parehas itong napatigil dahil sa pagtawag ni Luna.
"Why?" tanong ni Marie Joyce habang magkahawak ang dalawang palad.
"Taray, englishera!" natatawang sabi ni Natalie bago na upo papaharap kay Marie Joyce na ngayon ay nag-uumpisa nang mailang sa tatlo.
"Bago ka dito, bakla?" tanong ni Penelope.
Tumango si Marie Joyce sa kanila bago muling yumuko, "Oo. At hindi ko pa kabisado ang lugar na ito kaya—" hindi na natapos nito ang sasabihin nang putulin 'yon ni Luna.
"Great! Pwede kang sumama sa aming tatlo." ani nito.
"Hindi na kaya ko na ang mag-isa, kai—" sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman muli natapos ang kanyang sasabihin.
"Hindi mo kayang mag-isa, nasa college ka na at hindi pwede ang ganyan. Pansin ko ay mahiyain ka at ilag sa mga tao, paano kung may mangbully sa'yo dito? O 'di kaya naman ay maligaw ka. 'Di ba?" putol ng katabi niyang si Penelope.
Hindi naman naka-imik si Marie Joyce. Andito siya para mag-aral lang, hindi para humanap nang kaibigan o makipagrelasyon sa mga nakapaligid niya.
"Oo nga naman, Marie Joyce. Hindi ka naman namin kakagatin o kakainin 'no!" dagdag pa ni Natalie.
Hindi naman nakaimik pa si Marie Joyce. Yumuko lang ito at hindi na muling sumagot pa sa tatlong nakapaligid sa kanya. Nang tuluyan niya nang mapakalma ang kanyang sarili ay tuluyan na itong tumayo.
Halos tumagal din nang sampong minuto ang itinagal nang kaba sa kanyag katawan. Ngayon lamang siya kinabahan nang gano'n sa buong buhay niya, at mas lalong ngayon lamang siya naka-encounter nang gano'n na professor.
"Pupunta ka na sa next class?" tanong ni Luna sa kanya.
Tumango lang ito bilang sagot bago muling nag-umpisang maglakad. Narinig niya ang pagtawag sa kanya nang tatlo pero hindi niya na ito nilingon at dire-diretso lang sa paglalakad nang mapansin niya na hmukhang naliligaw na nga siya.
Malaki ang unibersidad na pinasukan niya, marami din ang mga studyante na pumapasok dito at halos kompleto ang mga binibigay na kurso sa lahat. Kaya naman ay hindi maitatanggi na sikat nga ito sa lahat nang mga mag-aaral sa college.
"Marie Joyce, hindi dyan ang tamang daan!" sigaw mula sa malayo.
Nang lingunin niya kung sino 'yon ay nakita niya ang kanyang katabi sa unang subject kanina na si Penelope. Kumakaway ito sa kanya habang ang dalawang kaibigan nito ay nakangiti sa kanya at kumukumpas na pumunta sa kanila.
Napabuntong hininga na lamang si Marie Joyce bago ito lumapit sa tatlo. Mas ayos na din na sumama sa kanila na may alam nang tamang daan papunta sa ibang building.
"Sabi sa'yo eh!" ani ni Luna bago siya nito inakbayan, "Bakit ba ayaw mo kami maging kaibigan?" tanong nito sa kanya.
"Classmate ba tayo?" tanong ni Marie Joyce sa kanya na hindi sinasagot ang tanong nito.
Ayaw niya na muling ungkatin pa ang nakaraan na buhay niya. Andito siya para magbagong buhay at hindi mag ungakatin nang ungkatin ang nakaraan.
"Yep! Tignan mo ang lace namin at ang lace mo may nakalagay na major at set. Kaya siguradong magkasama tayo." nakangiti nitong sagot.
Tumango lang si Marie Joyce sa kanila. Nag-umpisa na din mag-usap ang tatlo at minsan ay tinatanong ang kanyang opinion tungkol sa mga bagay-bagay. Maaga pa pero pakiramdam ni Marie Joyce ay bumaba na ang lahat nang kinain niya.
Mula sa paglalakad ay na aamoy ni Marie Joyce ang iba't-ibang nilulutong mga pagkain mula sa iba't-ibang stall. Hindi pa siya nakakatikim nang mga ito dahil i***********l sa kanya nang kanyang ina pero habang tinitignan niya ang mga kapwa estudyante nito na kumakain nang mga 'yon ay mukhang sarap na sarap.
"Gusto mo no'n?" tanong ni Luna sa kanya.
Agad naman itong umiling sa tanong sa kanya at biglang tumango. Natawa naman si Luna sa reaksyon nang mukha niya kaya hinala siya nito papunta sa stall nang nagtitinda nang mga street foods.
"Mahaba pa naman ang oras bago magnext subject kumain muna tayo." ani ni Luna sa kanila.
"Tamang-tama. Wala pa akong kain dahil sa kakamadali kanina." sagot ni Penelope dito bago kumuha nang stick na nakalagay sa isang gilid at nag-umpisa na kumuha.
Si Marie Joyce naman ay nanatiling nakatingin sa tatlo na kumukuha na. At akmang kukuha na sana ito nang sa kanya nang maalala niya na buo ang kanyang pera kaya mabilis niya na ibinalik ang stick na nasa kamay niya bago lumayo sa stall ng mabunggo niya ang isang lalaki.
Matangkad ito, maputi at may kahabaan ang buhok na katulad sa mga koreano. Mukhang bibili din siya nang pinagkakaguluhan nang mga estudyante.
"Marie Joyce, bakit hindi ka kumuha?" tanong ni Natalie nang mapansin na wala itong hawak.
Napakagat naman nang labi si Marie Joyce. Ayaw nitong sabihin na buo ang pera na dala niya, bakit kasi sa lahat nang makakalimutan niya ay 'yong coin purse niya pa.
"Nakalimutan ko ang wallet ko sa bahay," kamot batok na sabi niya bago nag-iwas nang tingin.
"Paano ka nakapunta dito kung wala kang dalang wallet?" tanong ni Natalie sa kanya.
"Oo nga!" sang-ayon din ni Penelope, "Tsaka hanggang mamayang gabi pa tayo dito siguradong gugutumin ka."may pag-aalala na dagdag nito.
"May ka-schoolmate na nagbayad kanina nang bus fare ko kaya nakapasok ako nang maaga. Tsaka, may baon din akong kanin para sa mamayang tanghalian." paliwanag ko sa kanila bago umaktras nang kaunti mula sa pwesto ko, "Sa susunod nalang ako bibili nang ganyan." nakangiti nitong sabi.
"'Schoolmate'? May iba kang kaibigan pa dito?" tanong ni Luna na may pagtataka.
Umiling si Joyce sa kanya. "Hindi ko siya kilala pero mukhang mabait naman," maigsing sabi niya.
"Nakuha mo ba ang pangalan niya?" tanong naman ni Penelope na hindi din maalis ang tingin sa pwesto niya.
Kahit nakaramdam na nang pagkailangan si Marie Joyce ay umiling lang ito. Sabay-sabay na napabuntong hininga ang tatlo sa ginawa niya bago hinugot ni Luna ang kanyang wallet bago naglabas nang limang piso.
"Ito nalang ang welcome gift namin sa'yo," nakangiting sabi ni Luna bago inabit sa kanya ang limang piso.
"Welcome gift?" nagtatakang tanong at inabot ang inaabot ng dalaga.
Maya-maya ay inabutan din siya nang dalawa ng tag-limang piso at tinulak siya papunta sa stall na unti-unti nang kumokaunti ang mga studyante na bumibili.
"Mamili ka na kung anong gusto mo," utos sa kanya ni Penelope.
Nagtataka na kumuha si Marie Joyce mula sa stall ng street food bago nag-abot nang bayad gamit ang binigay ng tatlo niyang kasama. Lumapit muli ito sa tatlo na nakakunot ang noo.
"Hindi ka kumuha ng sauce?" tanong ni Natalie sa kanya.
Umiling si Marie Joyce bago tinignan ang hawak nang tatlong kasama. Iba-iba ang mga nakalagay na sauce mula sa kanikanilang mga baso at samantala siya ay nakatusok lamang sa lahat sa stick.
"Hindi ko alam kung anong masarap na sauce ang pwedeng ilagay," palusot nito.
Sa totoo lang ay hindi niya alam ang dapat niyang gawin dahil iyon ang unang beses na bumili siya ng gano'n klase ng pagkain.
"Mahilig ka ba sa maasim?" tanong ni Natalie.
"Hindi, bakit?" nagtataka niyang tanong.
"Kung gano'n ay yung matamis na sauce nalang ang kuhain mo. Halika ka nga dito," sabay kuha ng pulsuhan nito at bumalik sa kung saan nakapwesto ang mga sauce.
"Ito ang matamis, matamis na maanghang, suka at maanhang na suka." turo isa-isa sa kanya ni Natalie bago sumandok nang matamis at inilagay sa baso, "Sa tuwing bibili ka at marami kang bibilhin ay pwede ka kumuha ng baso. Huwag ka mahiya," dagdag pa nito.
"Ay gano'n ba?" nahihiya nitong sabi bago nagkamot ng betook.
Hindi naman nila na malayan na pinagtitinginan na sila ng iba pang namimili, kaya hinila na silang dalawa ni Luna at Penelope na nahihiya para sa kanilang dalawa.
"Ngayon ka palang nakakain niyan 'no?" tanong ni Penelope sa kanya.
Tumango si Marie Joyce sa kanya. Wala itong balak magsinungaling sa tatlo, dahil para sa kanya ang pagsisinungaling ay hindi magandang umpisa sa buhay at sa huli ay magiging problema. Na pwedeng ikasira nang tiwala at nang pagkakaibigan.
"Saang bundok ka ba galing at hindi ka pa nakakain nang ganyan?" tanong ni Natalie.
"Bundok agad, Natalie? Hindi ba pwede na mayaman muna na hindi pinapayagan ng magulang, o baka naman may sakit siya na bawal ang street foods at ngayon ay gumaling na siya kaya pwede?" ani ni Luna.
"So, ano nga?" tanong naman ni Penelope na naghihintay nang isasagot niya.
"Hindi lang talaga ako pinapayagan na kumain ng ganito simula pagkabata dahil madumi daw ang ganitong pagkain." pabulong niyang sabi bago tumingin sa nakapaligid sa kanya kung may ibang nakarinig.
"Maduming pagkain?" natatawang ani ni Natalie, "Minsan nga ay nag-uulam ako nito sa tuwing walang pagkain sa bahay at tinatamad ako magluto." dagdag pa nito.
"Naku, hindi naman totoo 'yon no! Kung madumi ang ganitong pagkain edi sana ay matagal na kami nakasalampak sa ilalim ng lupa at iniiyakan ng magulang namin." sagot ni Penelope bago nag-iiling.
"Gano'n ba 'yon? Ang sabi kasi ng tita ko ay madumi daw 'yan kaya hindi na din ako kumain." paliwanag ni Marie Joyce.
Totoo ang kanyang sinabi. Simula nang elementary pa lamang siya ay nakikita niya na ang ibang mga bata na kumakain ng street foods mula sa harap ng kanilang paaralan, kahit na gustuhin din niya na makipagsabayan ay pinipigilan siya ng mga kaibigan. Dahil sa madumi daw ito at baka sumakit ang tyan na parehas na parehas sa sinasabi ng kanyang tita.
"Nanggigil ako sa pagiging inosente mo, Joyce!" biglang sabi ni Luna.
Natigilan naman silang tatlo dahil sa sinabi nang dalaga. Napayuko nang ulo si Marie Joyce dahil sa sinabi nang kasama sa kanya.
"S-sorry," nahihiya niyang sagot.
"Wala ka naman ginawa para magsorry ka. Masyado ka lang inosente bilang isang college student," ani ni Luna bago tinapik ang kanyang likod, "Dahil inosente ka umiwas-iwas ka na kay Penelope. Huwag mong babahiran ng kahit anong kalokohan ang inosente mong utak. Dahil promise, kick out ka sa akin." dagdag pa nito.
Nagtataka na nakatingin si Marie Joyce sa kanila. Hindi nito maintindihan ang sinasabi nang dalaga sa kanya at muli siyang napatingin sa hawak niyang baso na binili niya kanina.
"Hmm, bukas ko na ibibigay sa inyo ang bayad ko para dito ah?" sabi niya bago tinaas ang hawak na baso.
"Ano ka ba! Welcome gift namin 'yan sayo, Joyce. Member ka na namin 'di ba?" tanong ni Natalie na nagniningning ang mga mata.
"Ano ba ang dapat kong gawin?" sagot sa kanila ni Marie Joyce.
Nagkatinginan silang apat sa sinabi nang dalaga. Mas lalo tuloy itong naging misteryoso para kay Luna na nakakahalata sa kanyang pag-uugali.
"Wala kang kailangan gawin. Sumali ka lang sa group of friends namin, sama ka sa tuwing may outing or may gala ganern. Chill chill," sagot ni Luna sa kanya.
Tumango naman si Marie Joyce sa kanila bago ngumiti. Nakita niya ang pag-eeffort nang tatlo para makuha ang loob niya, siguro sa pagkakataon na ito ay hindi nalang muna siya aasa o masyadong i-aattach ang kanyang sarili sa tatlo at mas kikilanin nang mabuti.
"Okay!" nakangiti niyang sabi bago sumubo nang kanyang pakain.
Nalasahan niya ang tamis nang sauce mula sa kanyang dila habang unti-unting ngununguya ang kulay oras na itlog. Animo'y para siyang natauhan sa lasa ng kanyang kinakain.
"Tama ang sabi ng tita mo, Joyce. Minsan marumi nga ang street foods dahil sa ibang vendor ay hindi na pinapalitan ang mga mantika na ginagamit nila, at ang iba naman ay mga tira-tira. Kaya kung kakain ka ng street foods tignan mo muna ang mga ginagamit nilang mantika," Paliwanag ni Luna sa kanya.
"Gano'n pala 'yon." ani niya.
"Oo nga pala, Joyce. 'Di ba't bago ka lang dito, saan ka galing na province?" tanong ni Penelope sa kanya.
"Medyo malayo 'yon dito. Lumipat lang ako nang school dahil masyadong mahal ang mga tuition sa lugar namin," paliwanag niya.
"Bale mahirap ka lang talaga?" tanong ni Natalie.
Tumango naman siya. Hindi dapat malaman nang mga ito ang bagay-bagay tungkol sa kanya dahil baka maging katulad din ng mga ito ang dati niyang itinuring na kaibigan.
"Dito lang ako nakakuha ng full scholarship kay—" hindi na natapos ang sasabihin niya ng napansin na nakatingin ang tatlo sa kanya.
"Full scholarship?" tanong ni Luna, "Ikaw ba ang nangunguna sa buong course natin pagdating sa scholarship?" dagdag pa nito.
"Oo nga pala! Ang balita ko ay naging pangalawa lang sa course natin si Kai dahil sa isang 'mysterious girl' na tinatago ng school natin," pagsang-ayon ni Natalie.
"Ikaw nga 'yon?" tanong ni Penelope.
Nagkibit balikat lang si Marie Joyce sa tanong nilang tatlo.
"Hindi ko alam kung ako ba ang nangunguna. Si tita kasi ang nag-asikaso ng mga papel ko sa paglipat ko dito." mahina niyang sabi bago tumingin sa orasan na nasa kamay niya, "Tara, pasok na tayo?" aniya.
"Sige na nga!" ani ni Penelope.
Sabay-sabay na pumasok silang apat. Hindi pa din siya tinitigilan nang tatlo sa kakatanong tungkol sa kanya na minsan ay sinasagot niya. Nang makarating sila sa room ay marami nang tao ang andon. Andon din ang iibang mga mukha na nakita niya mula sa loob ng room sa first subject.
"Dito na tayo," turo ni Marie Joyce sa front row.
"Bakit dyan?" reklamo ni Penelope sabay turo sa gitna ng room, "Doon nalang tayo para pagnagkaroon ng introduce yourself ay hindi tayo mauna." sabi nito.
"Oo nga, nakakahiya mag-introduce yourself 'no." sang-ayon naman ni Natalie.
Wala naman magawa si Joyce kundi ang sumunod sa dalawa. Narinig niya ang bulungan sa ibang mga classmate niya sa loob nang room na pinag-uusapan siya at ramdam niya din ang pagtingin ng mga ito sa pwesto niya.
"Malabo ba ang mata mo, Joyce?" tanong ni Luna, "Kung Malabo ang mata mo sasamahan nalang kita sa harapan." dagdag nito.
"Hindi, ayos lang 'no." nakangiti niyang sabi.
Tumango lang si Luna sa kanya at isa-isa na silang pumwesto sa gitna. Nasa pinagilid siya naka-upo at katabi niya sa kanan ay si Luna na tahimik lang habang hawak nito ang cellphone niya. Pansin niya na basag na ang screen ng cellphone nito at kulay itim na ang sa gilid.
"Bakit hindi ka pa nagpapalit ng phone?" tanong ni Joyce sa kaibigan.
"Ah, ito?" tanong ni Luna sa kanya bago itinaas ang cellphone, "Nagagamit pa naman at hindi ko pa naman kailangan nang bago. Mas maayos na din 'to gamitin dahil medyo malayo ang byahe ko at madaming magnanakaw sa daan," paliwanag niya nang nakangiti.
"Gano'n ba," ani niya bago tumango-tango nang sumingit si Penelope sa usapan nila.
"Huwag ka maniwala dyan, Joyce! Sadyang kuripot lang 'yan para bumili ng bagong phone at ayaw niya gastusin ang ari-arian niya." natatawang sabi nito.
"Tama! Inshort kuripot 'yang babae na iyan. Himala nga kanina na nag-ambag yan ng limang piso sa welcome gift namin sa'yo," dagdag pa ni Natalie.
"Manahimik nga kayo!" suway naman ni Luna sa kanila.
Nagtawanan nalang ang dalawa na patuloy na nang-aasar sa kanya. Napangiti si Marie Joyce ng makita ang kakulitan ng bagong mga kaibigan, tanggap nila ang isa't-isa kahit may mga pagkukulang ang mga ito sa buhay.
"Salamat, Luna," nakangiting sabi niya sa katabi.
"Para saan naman 'yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Luna.
"Dahil kuripot ka pero nakuha mo pa din akong ilibre," paliwanag nito.
Mahina naman na napatawa ang dalawa sa kabilang gilid nito. Nakikinig din pala ang mga 'yon sa pinag-uusapan nilang dalawa.
"'Yon na ang una't huli niyang libre sa'yo, Joyce!" pang-aasar ni Penelope.
"Dahil sa susunod kahit piso na utang mo sa kanya ay hindi na siya makakatulog," dagdag pa ni Natalie.
Natawa naman si Joyce sa pangungulit ng dalawa. Simula nang pumasok sila sa unang subject ay pansin na ang pang-aasar nila sa kaibigan pero wala silang narinig na siraan mula sa isa't-isa.
"Ano ba naman 'yan ang haharot!" rinig kong sabi nang nasa likod namin.
Natahimik naman ang tatlo sa ginagawa nilang paghaharutan at nilingon ang nasa likod namin.
"Harot ka din te!" sagot ni Penelope na nakataas ang kilay bago tumingin kay Luna, "Luna, huwag ka nga maharot!" sita niya dito.
Animo'y uusok naman na sa pikon ang babae sa likod namin at sinipa ang upuan ni Penelope. Natawa nalang si Luna sa kanila bago siya hinarap.
"Huwag mo nang pansinin ang susunod na mangyayari. Hindi kami pala-away pero ayaw ni Penelope na inuunahan ang isa sa amin," nakangiting paliwanag ni Luna sa kanya.
Tumango lang siya bago nilingon ang mga babae sa likuran nila. Nakataas ang mga kilay nang mga ito at nakahaba ang nguso, ang iba naman ay nag-uumpisa nang magbulungan.
"Hayaan mo na ang mga 'yan, Penelope." dinig niyang pag-aawat ni Natalie sa kaibigan.
Huminto naman sa pakikipagtitigan si Penelope bago hinarap nito ang cellphone niya bago tinaas.
"Ey, Joyce. Tingin kayo dito," tawag niya.
Nagpose silang apat sa camera at sa limang litrato ay binaba tumigil na. Isa-isang tinignan nila ang mga larawan bago kung ano-ano ang kinalikot sa phone.
"Joyce, anong i********: mo?" tanong ni Penelope sa kanya.
"Ah, wala ako no'n," kamot batok na sabi niya.
Binura niya kasi ang lahat ng mga social media na meron siya dati at isa na din ang i********: na madalas na nagpapaalala sa kanya sa mga kaibigan. Punong-puno kasi 'yon nang lahat ng memories nila, mula sa kinakain, sa gala at sa iba't-ibang minsan na naging maganda sa buhay niya.
"Gawa ka!" sabi ni Natalie, "Mahilig kumuha nang picture ang isang 'to, sigurado na marami ka din makukuhang magagandang picture." dagdag pa niya.
Tumango si Joyce at nilabas ang cellphone nito. Sinunod ang sinabi nang mga kaibigan at inabot 'yon sa kanila para i-follow ang sarili.
"Ito ang bagong latest na phone 'di ba?" tanong ni Luna habang nakatingin sa cellphone niya.
Napatingin naman ang dalawa sa pwesto nito bago kinuha din ang cellphone at tinignan.
"Oo nga 'no?" sang-ayon ni Penelope.
"Magkano bili mo?" tanong ni Natalie.
"Regalo sa akin 'yan ni mama nang graduation namin," pagsasabi niya, "Nawala kasi ang phone ko noon at halos dalawang buwan akong walang ginagamit kaya ayon," paliwanag niya.
"Ang swerte mo naman! Talagang latest pa ang binili sa'yo 'no," mangha na sabi ni Penelope bago kumuha nang selfie bago muling itinaas ang phone, "Selfie ulit tayo," aniya bago nag-umpisa na magclick.
Hinayaan naman sila ni Joyce sa ginawa nang mga ito. Matatapos ang araw na maayos, nakahanap at nakatagpo siya nang maayos na kaibigan sa unang araw. Siguradong matutuwa sa kanya ang mama niya.
Sa kabilang isip naman ni Marie Joyce ay natatakot pa siyang pagakatiwalaan ang tatlo niyang kasama. At madami pang oras ang kailangan bago siya tuluyan na lubos na magtiwala sa mga ito.
"Mahaba pa naman ang oras para kilalanin sila," nakangiting bulong ni Marie Joyce habang nakatingin sa bagong kaibigan na inabot na ang cellphone niya.
"Darating na si sir!" sigaw nang isang lalaki na nakapwesto sa harap.