HEIRESS 17 Malakas ang hangin na umiihip sa buong lugar, ang maiingay na busina ng sasakyan naman ay dinig mula sa tuktok ng building kung saan ako nakapwesto at ang nagsisilbing liwanag lamang sa buong lugar ay ang ilaw na nagmumula sa buwan. Ilang araw na din simula ng umuwi si mama para bumalik sa amin. Sa isang gabi at dalawang araw na kasama ko siya ay pakiramdam ko bumalik muli ako sa unang araw ko dito sa Sitio Far Away. Nakaramdam ako ng kakaunting pagkalungkot na ako na naman ang mag-isa, walang kausap at walang maasahan. Pero ‘yon naman talaga ang gusto ko. ‘Yon din ang dahilan kung bakit ako umalis sa amin para mag-aral sa lugar na ‘to. At kahit papaano naman ay may maituturing na akong kaibigan. Muling bumalik sa isipan ko ang sinabi sa akin ni mama ng araw na ihatid ko siy

