HEIRESS 16 Pag-apak pa lamang ni Mj mula sa sahig ng kanyang apartment, ramdam niya na ang sakit at pagkirot ng kanyang kanang paa ng maipwersa niya ‘yon sa pagtayo. Masakit man ay pilit niyang inayos ang kanyang sarili, nag-order na lamang ito ng makakain mula sa isang fast food upang maging umagahan. Wala siya sa wisyo na maggalaw-galaw, wala din siya sa mood na maghugas ng kanyang sariling pinagkainan kaya naman wala siyang ibang magawa kundi ang mag-order na lamang kesa ang magpalipas ng gutom. Iika-ika na lumabas mula sa bus si Mj. Hindi niya pwedeng pwersahin ang kanyang paa kundi ay mas lalo ‘tong lala, hindi din siya pwedeng hindi umattend sa klase nila dahil halos lahat ay major kaya naman wala siyang ibang magawa. “Kung kelan naman kailangan ko saka wala.” Bulong ni Mj bago t

