THE HEIRESS 13 Inaantok na lumabas mula sa loob ng elevator si Mj. Inaantok pa siya, kulang na kulang ang naging tulog niya kagabi sa kakagawa ng mga kailangan ipasa sa mga susunod na araw. Pati na din ang kanyang report na irereport mamaya. “Good morning, Sebastian!” bati sa kanya ni Kai habang kumakaway ‘to sa labas entrance ng building. Ayaw man ni Mj na lumapit dito ay wala siyang ibang magawa dahil ito din ang dadaanan niya sa pagpasok sa university. Hindi niya din maiwasan na minsan ay hilingin na lamang na magkaiba ang oras nilang dalawa sa pagpasok. Ngunit, huli na. Base sa sabi-sabi ang dalawa ay nasa regular na naklase at ‘yon ang klase kung saan siya pumapasok. “Ano nanaman ang kailangan mo?” walang buhay na tanong ni Mj dito. “Ito naman, ang aga-aga magsungit. Inaalala lan

