THE HEIRESS 12: ISSUE Nang makapasok sa loob ng bus si Mj ay agad ba nakuha ang kanyang atensyon sa lalaking natutulog mula sa isang gilid. Si Adrian. Habang nakaharang sa tabi nito ang bag sa katabing upuan. Walang gaanong tao sa loob ng bus dahil sa medyo tanghali na at kakaunti na lamang ang nasa kalsada ng ganong mga oras. Naupo lamang siya sa likod nito. Sinalpak niya ang kanyang earphone saka nag-umpisang magpatugtog. Ganon na ang kanyang nakasanayan habang mag-isa siyang bumabyahe o ‘di kaya naman ay naglalakad. At simula ng makapunta siya sa Sitio Far Away, doon lamang niya napagtanto na kaya naman pala ang mag-isa. “Sinusundan mo na naman ba ‘ko?” tanong ni Kai sa kanya ng huminto ang bus na makita siya nito sa likod ng kanyang kinauupuan. “Ikaw lang ba ang may karapatan na s

