THE HEIRESS 11 Mataas na ang sikat ng araw, ang hangin na umiikot sa buong lugar ay nakakapaso ng balat at ang ingay na mula sa mga sasakyan ay ang namamayani sa buong lugar, habang si Mj ay matyaga na naghihintay mula sa isang bench na natatakpan ng mga matataas na halaman. Kakagaling niya pa lamang sa paglilinis ng kanyang apartment, kahit na nagbigay naman ang kanyang mga magulang ng tagapaglinis non ay kanyang tinatanggihan. Gusto niya matuto sa bawat bagay at tama na ang pera na lamang ang hinihingi niya sa kanyang mga magulang. Mula sa hindi kalayuan ay nakita niya ang tatlong babae. Nakashort lamang ‘to at simpleng shirt ang kanilang suot-suot habang nakatsinelas lamang ang kanilang mga nasa talampakan. Agad siyang napatayo, ‘yon na ang tatlo na kanyang hinihintay. “Luna, Penelo

