Love Shot

4939 Words
Prologue I used to be a good boy when I was in high school. After class I went straight at home. No barkada, no liquor, no cigarettes, no computer games and definitely a Mama's boy. Yeah, my life is boring. I have stage fright and even cried in front of everyone. They all call me gay because of that. The whole me changed because of KPOP. I met a squad who likes Korean stuff and they introduced me to KPOP. They danced to Korean music and spend money to buy KPOP idols' merchandise. That was also the time I became part of Fab Armies. I discovered my talent in dancing and that also improved my self-confidence. I am not afraid to stand on stage with a lot of eyes on me anymore. And now I find the things I like to do. I entered college and alcohol became part of me. It makes me forget all the stress that life brought me. It tastes bitter but as it runs through my throat, it makes me feel better. I drink and drink until I lost consciousness and say whatever I want. All the heartbreaks that this world has given me, I cried it all. "Abstaining from alcohol greatly raises the chances that people will suffer heart disease." ... but why do I feel like my heart suffers more because of alcohol? Was it because I took a wrong shot? It is stronger than a tequila... This is neither whiskey or soju... It's a LOVE shot. Love Shot Jimmy's POV [Bae Family Group Chat] Manager1: @Mina HELP HUHUHUHU!! Mina: Bakit? Manager2: Baka gusto niyong mag cover ng SF9, kailangan namin ng tatlong members. Nag back-out kasi ang mga kasama ng Tulips huhuhu Mina: Sino bang Tulips na yan? Manager2: Naalala mo yung mga fan boys na todo sigaw sa Twice noong last event? Mina: Ahh naalala ko. Sila din yung mga nakamask na todo sayaw din sa Random Play Dance diba? Manager2: Oo! Sila yun. Help us Minaaa. Next week na kasi ang contest tapos hindi pa sila nakahanap ng tatlong members na papalit dun sa nag back-out T.T Mina: OMAYGAAAD! @Ina Ina: Ano na naman? Mina: Yung crush mo! HAHAHAHAHAHAH Ina: Ha? Jimmy: Hakdog Mina: Yung sinabi mong nagwagwapohan mo na nakamask noong nag RPD sa Robinson's. Nasa Tulips sya ! HAHAHAHAHAH @Manager2 Willing daw si Ina sumali. Ina: Hoy tangina ka! Sinabi ko yun? Manager1: Na witness ko yun! Go na Ina. Chance mo na makalapit kay crush Ina: Mga hayop Manager2: So go na kayo? @Ina @Mina Mina: Game si Ina hehe Manager2: @Mina Sali ka din. Tatlo kailangan namin huhuhu Mina: Kaso hindi ko kilala yung SF9. Si Rowon lang ata. Manager2: Sige na plsssss Mina: Ano ba sasayawin nila? Manager2: sent a link Manager2: @Jimmy Sali ka din! Jimmy: Kaya na ng dalawa yan Ina: Hindi ako sasali kung hindi sasali si Jimmy Mina: Sali na Jim! Para sa crush dreams ni Ina Jimmy: Sige na nga sasali na! Manager2: Yey! Thank you guys. Sasabihin ko na sa Tulips na tatlo kayo sasali okay? Mina: Yes. Excited ako para kay Ina. Hahanapan kita ng role na palaging malapit formation mo kay crush ayieee Ina: Pahiya! Everything started since the day we became part of Tulips. Hindi sila kasama sa agency namin pero yung mga noonas na nagmamanage sa kanila ay mga kaibigan din namin kaya kahit papano may connection. They are all younger than us. Ramdam mo talaga ang generation sa kanila. Medyo pasaway yung mga members except kay Totoy, yung crush ni Ina, na siyang nagtuturo samin ng steps. Si Jill ay artistahin din ang mukha at ma fefeel mo talagang mayaman siya. Si Nathan naman sobrang cute, hindi mo masasabing magkasing edad lang siya sa mga kaibigan niya. Si Jose at Tan ang pinakapasaway. Sila palagi nakakatanggap ng mura kay Totoy tuwing prapractice kami. First meeting namin ay nung nag blockings kami sa SMX. Doon din yung first practice na kasama kaming tatlo. Syempre sa una medyo awkward pero mukhang magaling namang makipag socialize itong si Mina kaya keri lang. Ganun siguro epekto sa kanya ng dalawang beses na pumalya crush life niya. Yung una ay nalaman niyang bakla senpai niya, pangalawa yung poser ko na pogi, hindi na nagpakita ulit sa kanya. Hays kawawang bata, mukhang tatandang dalaga na lamang yun. "Nasan na ba si Ina? Naghihintay na crush niya dito oh", mahinang wika ni Mina baka marinig ni Totoy. Kakatapos lang naming mag practice ng steps. Nagrarandom play dance yung ibang members ng Tulips habang kami ni Mina ay nagpapahinga. Mukhang hindi nauubusan ng energy itong mga kasama namin. Baka nga siguro adulting na kami kaya mabilis kaming mapagod. "Papunta na daw siya dito. Katatapos niya lang mag practice ng cheerdance", sagot ko matapos kong i-chat si Ina. Kami ni Ina ang pinakaclose sa lahat. Babae siya at lalaki ako pero walang malisya kahit gumala kami na kaming dalawa lang. Hindi din naman kasi ganun ka girly si Ina. Parang lalaki kung gumalaw kaya palaging napagkakamalang tomboy. Pero alam namin na hindi siya tomboy dahil nga crush niya itong si Totoy. Oops correction, one of her crushes pala. Marupok yang si Ina. Kahit sinong i-ship mo sa kanya nafafall agad. Kahit kaming dalawa shiniship din eh. But surprisingly, she never liked me. I used to like her a bit but as time goes by, that feeling vanishes. My heart is not for her. I guess. "Wassup mga p****k!", sabay kaming lumingon ni Mina nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Ina!", tawag ni Mina. Kumaway din si Ina sa mga members ng Tulips. Medyo awkward na ngiti ang natanggap niya except kay Totoy na mukhang hindi marunong ngumiti. "Guys si Ina pala. 1 year older sa inyo kaya tawagin niyo din siyang 'ate'. Mabait, maganda at Jowable.", pagpapakilala ni Mina kaya nakatanggap siya ng batok kay Ina. Napangiti na lamang ang mga boys. "Tara team.", monotonous na sabi ni Totoy at naka poker face pa rin. Nagsimula na kaming mag-ensayo ulit dahil kumpleto na ang grupo. *** September 14, 2019*** [DDAY] Tulips Performance "OMG ang gwapo niya!" "Kilala mo yung nagcocover kay Chani?" "Ano ba f*******: niyan? " "Potek crush ko yan! " "Pogi din yung isa! " "Mukhang suplado pero hot ahhhh!" Pinapanood ko ngayon yung video ng performance namin at ilan lang yan sa mga maririnig ko sa video. Mukhang mabenta itong si Totoy at Jill. Kahit na lalaki ako ay amin kong pogi din naman talaga sila. Sa tuwing sila na yung center mas lumalakas yung sigawan. Matapos naming mag perform, kaliwa't kanan na ang nagpapapicture sa dalawa kaso itong si Totoy, hindi pumapayag magpapicture. Ewan ko kung camera shy ba siya o baka naman hindi alam ng parents niya na sumasayaw siya kaya ayaw niyang lumaganap sa f*******: mukha niya. Mayaman kasi itong si Totoy. Legit na mansion ang bahay nila. Lahat sila actually mayaman. Kaming tatlo lang ni Mina at Ina ang dakilang dukha sa grupo. "Jimmy nakita mo sina Totoy?", palinga-lingang tanong ni Mina. "Wala. Baka dinukot na ng fangirls yun.", biro ko. Hindi man lang tumawa si Mina. Sabagay, level 1 lang ang joke na yun para sa kanya. "Gago maggrogroup photo sana tayo.", inilibot ko na din tingin ko sa paligid para hanapin sila. "Andun si Totoy oh", turo ko sa gilid ng stage na di kalayuan sa amin. Mabilis lang naman hanapin yun kasi matangkad. Mas matangkad pa sakin. "Hindi talaga makikita ni Mina yun, 240p lang quality ng mata niya", ani ni Ina kaya napatawa ako. Tama kasi siya, medyo bulag din itong si Mina. "Hoy sobra ka sa 240! 360 lang! Atsaka syempre makikita agad ni Ina kasi malakas love alarm niya kay Totoy ayieeee",depensa ni MIna sabay tukso kay Ina. "Luh? Ako ba nakakita , si Jimmy kaya! Ayiee crush mo si Totoy Jimmy?", tukso ni Ina at may pa sundot pa sa tagiliran ko. "Punyeta ginawa pa akong bakla!", reklamo ko. Baliw tung dalawang 'to. Sinulyapan ko ulit yung direksyon na kinaroroonan ni Totoy baka kasi nawala. Nandun pa din sila nag-uusap ng kung sino man yung isang yun. Hindi siya member ng Tulip at mukhang ngayon ko lang siya nakita. Matangkad din. Mas matangkad pa nga ng konti kay Totoy pero hindi din naman malayo height nilang dalawa. Medyo gwapo din. May mga lumalapit ding fangirls para mag papicture sa kanya. "Tawagin mo na si Totoy, Ina", utos ni Mina. "Luh? Ba't ako?" "Why do you think? " "Mga ulol. Ayoko may kausap siya", pagmamatigas ni Ina. "Ako na nga", inis kong wika. Mga pabebe tung dalawang 'to. Lumapit ako kay Totoy para sabihan siya na mag gro-group pic kami. "Toy, maggro-group picture daw muna tayo", tugon ko. Napatingin na din ako sa lalaking kausap niya at ngumiti ng kaunti. Malapad yung ngiti niya sakin. Mukhang friendly siya at palangiti. He's a total opposite of Totoy. I wonder how these two became friends at mukhang close silang dalawa. Saglit na nagpaalam muna si Totoy sa kausap niya at sabay kaming bumalik sa mga kasama namin. Habang naglalakad kami ay inintriga ko na siya sa kung sino yung lalaking yun. Ewan ko kung bakit pero na curious ako sa kanya. "Sino pala yun kanina?", panimula ko. "You mean Yanyan?" Ah so Yanyan name niya. "Kaibigan mo?", obvious na tanong ko. "Ye", tipid niyang sagot. Masasanay ka na lang talaga kung gaano katipid sumagot itong si Totoy. Ewan kung para saan niya nirereserba ang laway niya. "Mukhang close kayo ah. Ba't di siya kasama sa Tulips? Mukhang sumasayaw din naman siya.", hindi ako tumigil sa pag-iinterview. "Yeah we're close. But we didn't know each other that long. He is already on the other team before Tulips was formed. " "Ahhh", yun na lang naisagot ko. Ini-english ako eh, walang subtitle. Nagsimula na kaming pumwesto para sa group photo. Katabi ko si Totoy pero nakipagpalit ako ng pwesto kay Ina para lumigaya din ang puso ng marupok kong friend. Ganun ako ka supportive sa crush life niya. Sana siya din. Pagkatapos ng group picture umalis ulit si Totoy para puntahan si Yanyan. Mag jowa ba ang dalawang yun? Sinundan ko lang sila ng tingin. Nakaupo lang si Yanyan sa gilid nang mag-isa at lumapad ang ngiti ng makitang paparating si Totoy. Mukhang walang ibang kaibigan si Yanyan kundi si Totoy. Kahit ang ka grupo niya sa sayaw ay hindi niya kinakausap, parang walang friendship sa kanila. Unlike samin na kahit one week lang kaming nagkakilala, sinusubukan naming maging close sa isa't isa sa pamamagitan ng pagggala after practice. Parang team building kumbaga. Umiba din naman impresyon namin kay Totoy kasi madaldal din naman pala siya. Sadyang ganyan lang talaga siya magsalita, parang cold na suplado na ewan, parang ulol. Na curious ako lalo kay Yanyan kung bakit wala siyang kaibigan sa grupo niya kung tutuosin mas friendly siya kaysa kay Totoy. "Sino tinitignan mo diyan?", nabaling ang atensyon ko ng biglang nagtanong si Ina sa tabi ko. "Ha? Ah wala. Hinihintay ko na yung next performer.", palusot ko. Sakto ding nagsalita ang host sa mikropono para ipakilala ang susunod na contestant. "Ladies and gentlemen, please welcome, Thai Warriors!" Kaliwa't kanan ang sigawan ng umakyat sila sa entablado. Nakita kung umakyat din si Yanyan. Ah so Thai Warriors pala kasama niya. Matagal na ang Thai Warriors sa industriya, halos magkasabay lang sila ng Bae family nagsimula. Marami na kaming panalo sa ganitong contest at ganun din sila. Ilang beses na ding nag-away ang dalawang agency noon at hanggang ngayon medyo may kuryente pa din sa pagitan tuwing nagkakasalubongan kami sa mga event. You can't deny the fact that they are good dancers but what they lack is character. Kahit walang event nagprapractice sila unlike samin na mga tamad magpractice. But sometimes, we won in the dance cover contests even if we aren't that synchronized because we are good actors. It's a dance cover contest and the most important thing here is how similar you are to the artist you are covering. This is not a dance competition para magpasiklaban kung sino mas magaling sumayaw. This is also one of the reason kung bakit hindi nagkakasundo ang Bae Family at Thai Warriors. Because they focus more on dance while us is more on character. "Go Yanyan!", dinig ko sina Nathan sa gilid na nagchecheer. So hindi lang pala si Totoy, kundi buong Tulips ay kaibigan din niya. Mas napuno ng hiyawan ang buong SMX nang tumunog ang 'Love shot' na kanta ng EXO. Matapos nilang mag perform ay maraming fangirls ang nag aabang para magpapicture kay Yanyan. Sumasali din si Yanyan samin sa random play dance. Hindi mo talaga masasabing kabilang siya sa Thai Warriors dahil minsan mo lang siya makikitang nakikipag-interact doon. Bagong member siya dun at mukhang hindi siya komportable sa mga kasama niya. Kahit nga kami, ramdam din ang kadiliman sa tuwing nandyan sila. Napakacompetetive kasi nila. Eh kami parang trip trip lang ang pagsali sa ganito. Basta nag eenjoy kami sa tuwing sasayaw kami ng KPOP at makakameet ng new friends. After ng event ay nag dinner ang buong Bae Family sa Hanok. "Nux, upgrade is real. Noon Mcdo lang ngayon Hanok na ah", komento ni Mina. "Syempre, manalo matalo ang importante may pa dinner si Ate Jane", tugon naman ni Ina. Si Ate Jane ay isa sa supportive noona namin na umuwi pa galing Manila para magpabibo din sa event. Habang naghihintay ng order namin, kanya-kanyang kwento na sa mga pangyayari kanina. Ilang table ang pinagtagpi namin para magkasya ang buong tropa. Madami kami kasing masyado. Kasama din namin pati mga managers at mga friends ng Tulips. May kanya-kanyang usapan at topiko kami dahil masyadong mahaba itong mesa para magkarinigan kaming lahat. "Guys, Straykids naman next cover natin ", panimula ni Totoy. Hindi na ganun ka tahimik si Totoy gaya nung first day. Ayon kasi sa mga kaibigan niya, hindi din naman talaga siya ganun ka tahimik na bata. Madaldal talaga siya basta nakakarelate siya sa pinag-uusapan. Nagiging close na din ako sa kanila kasi parehas din kami ng interes at yun ay ang computer games. Naglalaro ako kasama nila before or after kaming magpractice. Si Ina at Mina nama'y umuuwi agad. Baka kasi lumalim pa feelings ni Ina kay Totoy kapag mas tumagal ang pagsasama nila. "Bet ko yan!", pagsang-ayon ni Mina kay Totoy. "Kailan ba yan?", tanong ni Ren--isa ding member ng Tulips. "Sa December 1 ata. JYP Nation event yun.", ani ni Totoy matapos i-check yung event page. "Hala Sunday! Hindi ako pwede", malungkot na tugon ni Ren. " Patay baka exam week namin yan?",pati si Ina ay kinakabahan. Eh syempre pag wala sina Ina at Mina, hindi na din ako sasali diyan. Buy 1 take 2 kasi kami. Trio Saviors nga tawag samin dahil niligtas namin ang Tulips sa performance nila. Hindi sila makakasali sa event na yun kung hindi dahil saming tatlo. "Eh pano yan, kulang tayo?", wika ni Mina. Parang ayaw ko na nga ding sumali kasi baka exam week nga talaga namin yan. "Pwede ko din yayain si Yanyan na sumali sa 'tin", hindi ko alam ba't bigla akong nakaramdam ng init nang banggitin ni Totoy si Yanyan. "Yanyan?", tanong ni Mina. "Kaibigan namin. Sumayaw din yun kanina. Sila yung nag cover ng EXO.", Totoy explained. "Huh? Eh Thai Warrior pala siya?", gulat na reaksyon ni Mina. May beef talaga kami sa Thai Warriors kaya ganun ang reaksyon niya. "Okay lang yun! Sign na siguro ito na magkasundo na ang dalawang agency", pabirong sabi ng isa naming manager. Eh wala lang naman samin kapag may sumali na Thai Warrior. May mga friends din naman kami doon. "So okay sa inyo na isasali ko si Yanyan?", paninigurado ni Totoy. Tumango na lamang kaming lahat bilang sagot. *** Yanyan officially joined us to cover Straykids for the next event. We created another group chat and included him. Masyadong marumi mga pinag-uusapan namin dun sa kabilang group chat. May masasamang words kaming nabanggit dun tungkol sa Thai Warriors kaya hindi pwedeng mabasa ni Yanyan yun. Hindi pa kami nagsisimulang mag practice kasi may 1 month pa naman. Ganun talaga kami, kung kalian malapit na doon na lang magprapractice sabay panic. Hindi pa na meet nina Mina at Ina si Yanyan at ramdam kong curious din ang dalawang yun. Si Yanyan ay mukhang nakakasabay din naman sa amin sa chat. As I've said, he is friendly and bright unlike Totoy. He can talk to each of us casually. Umiingay na nga siya sa group chat na parang matagal na kaming close. We started practicing for the next event. And the most awaited meet up will finally happen. The nine of us meet at Totoy's residence. Doon kami nag prapractice sa clubhouse ng subdivision kung saan nakatira si Totoy. Nakita din namin kung gaano ka gara ang bahay niya. Talagang marerealize mo kung gaano ka ka dukha pag nakita mo ang bahay ni Totoy at ang iba pang bahay na nandito sa subdivision nila. Convenient sa aming lahat na dito magpractice kasi malapit lang sa school, maliban na lang siguro kay Mina kasi medyo malayo siya pero kaya niya din namang mag-adjust. Sanay na daw siya. "Guys, si Yanyan pala", pagpapakilala ni Totoy nang makumpleto kami. Ngumiti ng malapad si Yanyan sakin kasi natural ay pamilyar na ako sa kanya. Nakipaghand shake kaming tatlo ni Ina at Mina sa kanya dahil kaibigan na din naman siya ng Tulips kaya no need na ng introduction. Totoy initiates the practice since he already knows the choreography. This kid got some talent in memorizing dance steps. Minsan tinitignan niya lang ang video sa phone and after a while memorize niya na agad yung sayaw. The practice ended well. Medyo hindi productive coz as I've said, malikot mga kasama namin. Itong si Ina nga naiistress palagi sa kanila. She always got irritated during practice especially if the other members are not cooperating. Ako palagi sinasabihan niya ng inis. Minsan na niyang ginustong mag quit pero syempre hindi niya magawa dahil sayang din naman lahat ng efforts namin at mahihirapan na naman silang maghanap ng sub member. Isa din sa rason si Totoy kung bakit nais ni Ina na mag stay na lang sa grupo. Totoy spilled us so much tea about Yanyan and the Thai Warrior after the practice. Sa kabilang group chat niya sinabi lahat. He said Yanyan doesn't like them—well all of us actually. We can really feel how uncomfortable Yanyan is when he's with Thai Warriors. I can barely see his wide smile when he's with them. Medyo gumagaan na ang loob ko kay Yanyan. We share the same interests except na lang siguro sa alcohol kasi hindi umiinom si Yanyan. He's still a minor after all. There was this time when it's only me and Yanyan. We sat on a corner during waiting game before practice. We talked about him being part of the other group. "So kamusta pala dun sa kabila?", I started the conversation. "Sa Thai Warriors?", he casually answered. "Shh. Hinaan mo boses mo. They are everywhere", I warned sabay scan ng paligid. Diyan kasi lagi nagsisimula ang away, sa mga usapang narinig hanggang sa nalaman ng buong angkan. "Hmm. I got stressed lately because of it.", Hindi ako sumagot at hinintay ko lang siyang magpatuloy. "I wonder if should I go back there after my contract here." "Why? Ayaw mo nang bumalik dun?",Damn. I'm curious. This is tea. "Basta. Hindi ako comportable doon. Masyado silang magaling sumayaw. I feel like I don't belong there." Partly true. Medyo slow mag catch up ng steps itong si Yanyan but he is a hardworking kid and I admire him for that. I also admire Totoy's patience in teaching Yanyan and other members. Kaming tatlo ni Mina at Ina ay nasanay na mag learn ng dance independently kaya medyo less burden na kay Totoy. Si Ina hindi marunong mag self-learn kaya ako na minsan nagtuturo sa kanya. "So you think you belong to us? Because we are not good dancers?", I didn't mean to offend.I just want to continue this conversation. "Uy hindi sa ganun! Magaling kaya kayong sumayaw lalo na si Totoy at ikaw.", medyo na flutter ako sa sinabi niya. Never heard a compliment even from my friends before. I only heard those words from fangirls. "Tss. Eh ano ba kasi ang meron dun at parang ayaw mo nang bumalik?", Boy just spill that fcking tea. "Hmm. They are hard to please. Though some can really understand me, but there are people there who can't. I feel like they don't believe me. I don't exactly know if this is really their thoughts but I feel like they see me as a liar.", he said while avoiding my eyes. Nagdadalawang isip siya kung ipagpapatuloy pa niya ang kwento. Kung mapagkakatiwalaan ba ako para sabihin niya sakin lahat ni hindi pa kami ganun katagal na nagkakilala. "Just continue. I'm listening", I calmly said. "They are practicing every weekend and because of that, I can't go home to my hometown. I sometimes have panic attacks but they think I'm just over reacting. I can't really open this up to them because they won't take it seriously anyway. " Since he is telling this to me means he trusts me and I appreaciate that. "You are always welcome here, Yan.", Tumango lang siya sakin saka pilit na ngumiti. Matapos kong sabihin yun ay dumating na mga kasama namin. Tumayo na agad kami saka sabay na naglakad papuntang clubhouse. Sina Mina at Ina na yung kasabay ko sa paglakad dahil andun na si Yanyan katabi ni Totoy. Nais ko pa sanang pahabain ang usapan namin ni Yanyan dahil alam kong marami pa siyang gustong i-share sakin. I feel special dahil eleven kami pero ako ang napili niyang pagsabihan ng mga yun. Kahit si Totoy siguro hindi alam yun. Naramdaman ko din na ang gaan ng loob ko sa kanya. Parang gusto ko pa siyang kilalanin ng lubos. *** Weeks had past and our friendship with Tulips is going strong. Kahit walang practice nagkikita kami para gumala. Me and Yanyan is getting closer. Malapit lang sa school yung dorm kung saan siya nagstastay kaya minsan niyaya ko siyang mag computer kasama sina Nathan. We shared stories and laughter. Minsan ko din siyang yayain na uminom. Hindi sa bad influence ako, but I suggested it to him if he wants to forget all his problems for a while. Unfortunately, he can't because he is still a minor. "Jim", nanindig balahibo ko dahil sa seryosong pagtawang ni Yanyan sa pangalan ko. Nandito kami ngayon sa loob ng bar. Kaming dalawa lang ni Yanyan kasi naunang umuwi si Nathan. Non-alcoholic drinks lang yung iniinom niya samantalang sakin, alam niyo na yun. I sipped my tequila before responding,"Yes?" "I have something to say", Pucha! Ba't ako kinakabahan. The way he speaks right now is not so Yanyan. "Ano yun?", sinubukan kong palamigin din ang boses ko. "It's been a short while and I'm not sure if what I feel is right", Tangina ka Yanyan! Diretsuhin mo na kasi, pinapabitin mo ako eh! Hinintay ko lang siyang dugtungan yun. "Jim..", Ilang beses na ba niyang banggitin pangalan ko? "Say it", kalmadong tugon ko kahit gusto ko na siyang upakan para sabihin na agad ang kung ano man iyang sasabihin niya. I'm curious and at the same time I'm afraid. I don't know why, but I feel like what he is about to say might affect my emotional self. It may flutter me or the opposite. "I...I like someone", hindi ko na natuloy ang pag-inom ko sa sinabi niya. Hindi pa niya sinabi kung sino pero bakit parang naapektuhan ako? Who cares if he likes someone? Who cares if it's not me? WTF? Am I gay? "Who?", I dared to ask. "Someone from the group. Hindi ba obvious?", the moment he said it, I figured out it wasn't me. "Anong obvious? Tayo naman palagi ang magkasama. Si Ina at Mina lang naman ang choices kung babae", nagulat ako nang mahina siyang tumawa."Bakit? Nabanggit ko noh? Isa sa kanila yung gusto mo?", intriga ko. Kahit medyo masakit. "Basta. I'll tell you in the right time.", medyo na disappoint ako sa sagot niya. "Cheers?", inangat niya ang glass nito kaya ganun din ginawa ko. "Cheers." *** Nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng movies sa Netflix. Wala kaming practice ngayon at tinatamad akong gumala. *ting* Kinapkap ko ang phone ko sa sofa nang tumunog ang messenger. Tinignan ko kung sino yung nagchachat. Si Ina lang pala. I got a little bit disappointed because I'm expecting someone else. Ina: Jim may tea ako! Me: Share mo lang? Ina: Ayaw mo? Edi wag Me: Joke lang! Ano yun? Spill na dali! Ina: Hindi ako sure kung ako lang o obvious lang talaga Me: Na ano? Ina: Si Mina at Yanyan! Bumilis t***k ng puso ko nang makita na naman pangalan niya. Parang hindi ko na gustong malaman ang kadugtong nito. Me: Bakit? Anong meron sa dalawa? Ina: Hindi mo ba napapansin na parang close sila? Close din naman kami. Me: Ha? Eh close naman tayong lahat. Hindi ba? Ina: Napapansin ko lang kasi na parang may gusto itong si Yanyan kay Mina eh. So si Mina ang tinutukoy ni Yanyan na nagugutuhan niya sa grupo. Me: Alam mo pa-issue ka Ina: Hoy hindi ah! Manhid ka lang talaga. Sabing galaw galaw na baka maunahan ka. Hay nako! Me: luh? Pinagsasabi mo diyan? Ina: Pag ikaw naunahan ni Yanyan kay Mina, baka chubebang ka na. Pero hindi si Mina ang gusto ko Me: Ewan ko sa'yo.  Mag focus ka na nga lang diyan kay Totoy. Iniissuehan mo pa ako eh Ina: Pakyu *** I've noticed it. In my own eyes. Those gaze of Yanyan towards Mina. There are times that Yanyan is staring at her. While Mina is just being oblivious. She's always been like that. She never noticed me that's why I gave up on her. I totally moved on. Forget all those pasts and just keep moving forward. Just keep waiting for whatever God has assigned for me. But this stupid heart suddenly beats to someone I never expected. "Jim, ano na sasabihin mo?", Biglang bumalik ako sa katauhan ng magsalita si Yanyan sa tabi ko. Didiretsuhin ko na siya. I took a lot of courage to say everything. I don't want to lose a chance again. "Yan... I'm...", parang may kung anong bumara sa lalamunan ko na pumipigil sakin magsalita. Yanyan is waiting patiently for me. I looked straight to his eyes. His gaze is full of sincerity and that gave me the urge to speak. "I think I'm gay" It took seconds before he answred,"What? Is this some kind of prank?" Umiling ako,"I'm not sure either. Parang ako mismo natatawa sa sarili ko. You think I'm crazy dude?" "No. Not at all. You're just being honest. Eh ano naman kung bakla ka? Hindi naman natin malalaman kung kailan tayo ma aattract sa ibang gender. Ako minsan na aattract din sa kapwa lalaki." "Thank you Yan", hindi ko alam anong isasagot ko. Parang nawala lahat ng hinanda ko kanina. "It's okay Jim. At least you now found your true self. Hindi pa ba alam nina Mina 'to?" "You're the first person to know" "Wow.. I mean I don't know what to react...I .. I feel honored",nauutal niyang sagot. "It's because of you", I coldly said. "Huh?", takhang tanong niya. Inubos ko muna ang isang baso ng tequila saka nag salita muli. "I like you, bobo" And I finally said it. Isang mahabang katahimikan ang namamagitan sa aming dalawa. Hindi na nakalusot ang ingay ng music sa loob ng bar sa lamig ng nararamdaman namin sa momentong ito. Walang nag sasalita sa aming dalawa. Ikinagulat ko ng bigla niyang agawin sakin ang tequila at hindi nagdalawang isip na turusin ito. "Yan.. Hindi ka pwede..", hindi ko naipagpatuloy ang pagsasalita dahil pabagsak niyang binaba ang baso sa glass table at wala na itong laman. "Sorry Jim..", medyo lasing na siya agad dahil namumula ang pisngi niya. It's his first time drinking alcohol. And he took the strongest shot. "Don't be sorry. I'm not asking you to return my feelings.", sabi ko. Before he could answer, tears already flow from his eyes. He is a very soft-hearted guy. "I like someone else. I'm sorry", yes it hurts. But I don't have the right to resent him. Syempre,hindi ko din naman pwedeng idamay si Yanyan sa kabaklaan ko. "I know. You like Mina, right?", diniretso ko na siya. Tinignan niya ako sa mata. I knew it and this is weird. "No. Not Mina", natigilan ako sa sagot niya. Parang nabigyan ako ng kaunting pag-asa. "S-sino?" Saglit siyang lumunok ng laway. Pinunasan niya muna ang, kanyang nga luha saka tumingin muli sakin. Ang tingin na puno ng kaba at kalungkutan. Kinakabahan ako sa kung anong pangalan ang lalabas sa kanyang bibig. But I wish it would be me. "Si Totoy" That exact moment, I feel a painful grip in my heart. It is already painful to start of, but now the pain doubles. Who am I to judge him? Who am I to make him return my feelings? I'm just a potato being rejected twice. Maybe I should stop drinking. I mean, I should stop drinking shots I couldn't handle. That fcking Love shot...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD