PROLOGUE
Isang buwan na ang nakalipas simula nang aminin sakin si Jin na "oppa" din ang nagmamay-ari ng puso niya at wala ng pag-asang magkagusto siya sakin unless He will change his heart. Pucha ! Ba't ang sakit pa din?!?
Sa tuwing naaalala ko lahat ng fangirling ko noon sa kanya na halos patayin ko na yung ibang fangirls niya , mga oras na nagiging hokage ako kapag nandiyan siya at mga segundong inuulit ulit ko ang performance niya habang palihim na nagtutumbling ang puso ko. Lahat ng yun ay kailangan ko nang ibaon sa land of forgotten.
Kahit hindi "kami" , kailangan kong mag move on na parang tanga para sa ikatatahimik ng kaluluwa ko. Pero paano ko nga ba gagawin yun kung sa tuwing may sayaw kami ay makikita ko siya at ang masakit pa dun , mga landian nilang dalawa ni kuya Nam :( Dun ko lang na realize na iba na ang shytype na Jin na nakilala ko. Iba din kasi ang PDA nila ni kuya Nam . Minsan naiisip ko , kung ako kaya syota niya at lalaki tung si Jin , ganun din kaya siya lumandi sakin? Shet! Ba't bigla na naman ako inatake ng pagkahokage ko? GHAAD! I hate drugs !
**
Ngayon ay ang unang araw nang aking pagmomove-on ! Umupo ako habang nakatitig sa salamin. Iba na ang Mina na nakilala niyo . Hindi na ako ang dating masayahin at makulit na Mina. Magiging cold-hearted lady na ako simula ngayon.
Naglagay ako ng makapal na eyeliner with matching b****y red lips. I transform myself into a b***h-like look. Tinignan ko sarili ko sa salamin , " What the fvck?!?", inexpect ko na kamukha ko na si Hyuna pero ba't ganito ? Mukha akong p********e ! Agad akong tumayo at naghilamos ng mukha.
Tangina! ang hirap tanggalin ng make up na 'to! Ba't ba kasi ginaya ko pa yung mga karakter sa nababasa ko na NAGMAHAL , NASAKTAN , NAGING b***h , NAG MOVE ON ? Hindi ko man lang naisip na wala palang powers ang mga make-up para makapag move on ka sa taong hindi kayo.
*Phone ringing*
"Oh Nana, Napatawag ka?", sabi ko ng masagot ang tawag.
[Ano gawa mo?]
" eto , nagmomove-on kay Senpai !"
[HAHAHA! Hindi ka pa din nakakapag move-on ?!? Isang buwan na ang nakalipas teh! Tinamaan kana ata ni kupido !]
"Tumahimik ka , b***h-mode ako ngayon! Kung wala ka ng sasabihin -- "
[Teka wag mo munang ibaba !]
"Ano nanaman kailangan mo?"
[ Samahan mo naman ako , gala tayo. May chika ako sayo ! Wala ka namang gagawin diba? ]
Hindi ko na sinagot at binabaan siya ng tawag. Nagbihis ako para samahan ang panget kahit hindi ko siya ininform . Actually wala naman akong pake sa ichichika niya sakin kasi for sure mensu nanaman yun gusto ko lang talaga umalis ng bahay para makaiwas sa mga utos.
** SM **
" Nakahanap na ako ng bagong Senpai natin !" , wika ni Mina ng magkita kami sa food court na abot tenga ang ngiti dahil dumating ako.
" Anak ng tokwa! Hindi pa nga ako nakakamove on sa isa may bago agad? ", sagot ko.
" Ano ka ba? Mapeperahan narin 'to !"
" Akin na yung number !", agad kong sagot.
Bahala na kung bayot man ulit yan ang mahalaga makakabawas sa pagiging dukha ko kahit di ko pa alam kung paano siya mapeperahan.
" Baliw! Nasa contacts mo ang number niya! Saka hindi natin siya type , pero marami nang nagkakatype sa kanya. *evil smile* "
Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Nana. "Kung nasa contacts ko , it means kilala ko siya? "
"Yup ! Member din siya ng fab armies. " Pagkabanggit niya ng grupong yun ay mukhang alam ko na kung sino.
"Si Jimmy? ", Siya lang kasi ang naisip ko na member ng fab armies na may maraming fangirls maliban kay Jin. At yeah , he's really not our type. My ideal guy is manly at may magandang katawan at mukha , Jimmy is the opposite . Mas mabuti na yun nang hindi na ako mafall at masaktan muli. We're quite close to each other at nafefeel ko na din na siya yung susunod na aamin after ni Jin.
"Bingo ! ", ani niya.
"Paano natin peperahan yan?", tanong ko
" Duh , andami na niyang fangirls ngayon so tayo ang magbabantay sa kanya at magpapabayad sa kung sino man ang magpapapicture sa kanya tuwing may event. Kahit limang piso lang bawat shot , pag maraming fangirls mas maraming pera . Oh diba ! Ano deal?"
Sus akala ko kung ano, eh ang liit lang naman pala ng makukuha kong pera diyan. Akala ko libo-libo ang kikitain ko. Pfft pero keri na , atleast may pera kahit katiting lang.
"DEAL!"
****
Nasa couch ako habang nag fefacebook. Nagscascan ako ng nga events na upcoming this year like dance cover contest, kpop cosplay etc. Excited na ako sa next event na sasalihan namin, kahit hindi man kami manalo, magkakapera pa rin kami ni Nana. *evil laugh*
Sa kalagitnaan ng pagscroscroll ko ay biglang may nag pop out ;
You have 1 friend request
Nang ma check kung sino yun ,
O_O
Jimmy K. Dekka
Teka ba't nag friend request tong bayot na 'to ? Mukhang friends na ata kami sa sss noon pa diba? O baka gumawa siya ng bagong account o accidenteng inunfriend niya ako?
Hays, damn curiousity , naputol tuloy yung pagscascan ko para sa bagong negosyo namin ni Nana. Nag message ako sa group chat ng agency namin.
ME: Hoy Jimmy , ba't ka nag friend request sakin ? Friends na tayo sa sss diba?
Jimmy: Ha? Anong friend request yang sinasabi mo ah?
Scrineenshot ko pa para sa kanya saka sinend sa group chat.
Jimmy: Luh? Papaano?
Me: Aba malay ko ? Ako ba nagmamay-ari ng account mo?
Jimmy: Pero impossibleng mag send ako ng request eh kaka-open ko lang ng phone ko. At hindi pa ako nakakacheck ng f*******:. Messenger yung una kong inopen tapos nagbungad sakin yung chat mo.
Ha? Eh ano 'to multo? O baka doppelganger ?
Inaccept ko yung request saka viniew yung profile.
Yung pangalan nilang dalawa ay kopyang-kopya pati profile picture. Pero mukhang kakagawa pa lang ng account na 'to eh.
Me: Gumawa ka ng bagong account no?
Jimmy: Ulol! Ba't ako gagawa ng bago? Wala naman akong issue sa account na 'to ?
Kung hindi si Jimmy ito , eh sino?
Ina : OMG ! Poser yung nag friend request sa'yo Mina !
Me: poser?
POSER
Mina's POV
[Bae Family Group Chat]
Ina: Naks! Famous na talaga ! Nagkakaroon na ng poser!
Mark: Ew
Jackson : Hoo mas sisikat na yung fab armies kung ganun.
Jin: Yey! Si kuya Jimmy na yung bagong visual natin ! Magdiwang !
Jimmy: Uy hindi ah. Unfriend niyo na lang yun pag ginulo niya kayo.
Mark: Wag pahumble Jim , hindi bagay sayo
Me : Baka kakilala lang natin 'to at pinagtritripan lang tayo? Eh mukhang kilala niya tayo eh.
Nana: Paano mo nasabing kilala niya tayo?
Eza: Oo nga baka famous lang talaga 'tong si Jimmy at hindi tayo ininform
Jimmy: Langya! Gwapo ako pero hindi ako peymus!
Jin: Nag Joke si kuya Jimmy ? Magdiwang !
Jimmy: Gegu !
Ina: Paano namin I a-unfriend eh hindi nga kami friends? Bobo
Me: HAHAHA! Baka hindi ka lang talaga type Ina :p
Eza: Hindi din kami friends!
Nana: me too
Jackson: Ako din
Mark: Likewise
Me: Ha? Seryoso?
Mark: mukha ba kaming nagbibiro?
Ina: Hala baka ikaw lang yung type Mina ! Ayieee
Jin: Type ng poser si Mina ? Magdiwang!
Me: Ikaw Jin kanina ka pa ha!
Jin: Ay sorry ate Mina ^^v
Jimmy: Hahaha! Na ate-zone . Aw Me: Shattap ! Nakamove on na ako !
Nana: weh?
Ina: OMG! BBTL na ba ito?
Mina: Ano yang pesteng BBTL na yan?!?
Ina: Bring Back The Love Eza: it should be BBTS
Nana: Ba Back To School?
Eza: -_-
Jackson: Babe's Behind The Scene
Eza : Tengene! Bring back the senpai ! Ulol
Me: Luh?
Nam: Anong ganap ?
Me: May poser si Jimmy kuya Nam!
Nana: Hahaha iniba agad yung topic !
Me: Anong iniba diyan? Yan naman talaga topic natin eh , siningit niyo lang talaga yung mga bagay na dapat ng kalimutan.
Nana: Aw Me: PAANO AKO MAG MOMOVE ON KUNG BIGLA NIYONG IMEMENTION SA TOPIC ! PAKYU na talaga!
Nana: HAHAHAH
Ina: Ang bad ni kuya Mina
Me: b***h mode ako ngayon
Ina: Hello bitches
Nana : Nananananananana
Me: Langya kayong kausap ! / naghanap ng bagong kausap /
Ina: Kausapin mo si Jimmy K. Dekka Me: Wala din kwentang kausap yun
Ina: No , the fake one
Me: luh? Wala akong time makipag usap sa poser !
Nana: Try mong paaminin na poser siya
Me: Duh syempre dedeny yun . Eh poser nga diba?
Nana: Kaya nga try mo. Sabi kasi nila pag ang taong nagtatago ay magpapakita sayo , there is a chance na kayo ang destined sa isa't isa
Me: Pakyu
Nana: uy totoo yan! Nabasa ko yan sa internet ! Saka makakatulong din sayo yan , para makapagmove on .
Me: Seen
**
Matapos ang ilang sagundong tulala lang ako habang nag dadalawang isip kong ichachat ko ba itong poser na'to o hindi , natauhan ako at bigla ko na lang inopen yung chat head ng poser.
Honestly this is my first time talking to a poser . Maraming nag aadd sakin na mga Role players at posers pero ni isa sa kanila wala akong chinat. I just don't like to share my times with some fake accounts. Ayoko ko lang kasing ma expectation vs reality. Yung makikitang mong gwapo sa profile picture pero patatas pala sa realidad. Iba na din ngayon yung social media eh. You can hide your identity using others name .
Kung napatanong kayo ba't ko ichachat yung poser na'to ? Wag niyo nang itanong dahil hindi ko din alam. Hindi dahil sa wala akong kausap o dahil sa sinabi ni Nana na makakatulong sa pagmomove on , I just find this one mysterious. Why would he use Jimmy's identity if Jimmy is not that handsome and famous. Posers are known to be famewhores like they want to get likes and praises through the popularity of one's name. And I am also curious why He added me? Only me.
**
[Jimmy K. Dekka] The fake one
Me: Uy Jimmy may practice tayo bukas !
**
Yun yung una kong sinabi . Hindi ako nag "Hi " or "Hello" muna para kunyare hindi ko alam na poser siya. Yung parang kausap ko lang talaga yung totoong jimmy.
Matagal akong naghintay pero sineen lang ako.
**
Me: Hoy Jimmy neutron ! Kailan ka pa natutong mangseen? Ikaw pa naman ang pinakamabilis magreply sa amin!
Seen
Me: Hayop ka ! Si jimmy ba talaga kausap ko?
Seen
Me: Humanda ka sakin bukas!!
Seen
Me: /cactus emoji/
Seen
Me: Pakshet ! Hindi ikaw 'to noh??!?! Pag sineen mo pa ako , iisipin ko talagang poser ang account na 'to !!!
Jimmy is typing...
**
Atlast! Yan lang naman pala ang makakapagpareply sa gegung 'to.
Hindi ko alam ba't ako na-eexcite sa kung ano yung irereply niya. Siguro ganito talaga pag first time makipag chat sa poser.
**
Jimmy : Sorry busy po ako...
Me: Luh? Kailan ka pa naging busy? Computer lang naman ginagawa mo eh !
Jimmy: Sorry busy po talaga ako ..
Me: Pakyu
Seen
**
Langyang kausap . Paano ko ba mapapaamin 'to kung puro "busy" isasagot niya sakin?
Wait ! Magpanggap kaya akong girlfriend niya? Tapos tatakutin ko siyang makikipag break ako sa kanya. Na may masisira siyang relasyon dahil sa kasinungalingan niya. May konsensya naman ata ang taong 'to.
**
Me: Ah busy ka pala? So mas importante pa yan kesa sakin babe?
Jimmy: Babe?
Me: Oo ! babe ! Bakit?!? Nakalimutan mong may girlfriend ka? ./.
Jimmy: Hindi sa ganon .. Busy lang talaga ako babe
***
BWAAHAHAHAHA! Akalain mong sumakay sa trip tung g*gong 'to !
**
Me: Ah so mas priority mo yan?!? Oh sige ! Tapusin na natin ang relasyong ito total mas mahalaga naman ata sa'yo yan! Break na tayo ! Leche ka !
Jimmy: Hala sorry po ... Wag na kayong magalit :3
Me: Kailan ka pa naging magalang sakin? Tengene
Jimmy: :(
**
Atat na atat na talaga akong paaminin ang adik na 'to!
**
Me: Hoy lalaki ! Aminin mo nga sakin ! Si jimmy ka ba talaga o hindi?
Jimmy : Ako po talaga 'to
Me: Pagnagsinungaling ka break na talaga tayo !
Jimmy: Ako po ito promise!
Me: weh?! Send ka nga ng picture mo ! Yung dapat ngayon mo kinunan.
Jimmy sent a photo
**
Teka parang nakita ko na ang picture na 'to eh. Kahapon lang ata inupload ni Jimmy 'to. Langya ! Mas lalong pinapahalata ng impostor na 'to na poser siya.
**
Me: Hindi sapat yan ! Video chat tayo ngayon na !
Jimmy: free data lang ako eh :(
Me: Huwaw! Ang rich kid na Jimmy naka free data?! *slow clap*
Jimmy: opo
Me: So paano ako maniniwala na hindi ka poster?
Jimmy: Po? Hindi naman po talaga ako poster! Tao po ako.
Me: poser I mean ! Typo lang tae ka
Jimmy: Ha? Ano po yang poser?
Me: ikaw yan!
Jimmy: Po? Jimmy Dekka po ako hindi Poser Dekka
Me: Nanabebeast mode na talaga ako sa'yo !
Jimmy: Sorry po.. Hindi ko po talaga alam yang poser na yan eh.
Me: Yan yung mga taong ginagamit ang pangalan ng iba ! Kagaya mo! Wag mo nang I deny alam kong hindi ikaw si Jimmy! Myghad! Huli ka na sa akto !
Jimmy: Po?
Me: Sino girlfriend mo?
Jimmy: Ikaw babe
Me: See? Walang girlfriend si Jimmy at mas lalong hindi ako! Saka yung sinend mong photo sakin, kahapon pa inupload ni Jimmy yun. At iba ang way of typing ni Jimmy. O ano? Lulusot ka pa?
Seen
Me: Wala ka nang kawala ! POSER KA POSER ! Pweh
Seen
**
[Bae Family Group Chat]
Nana: Oh mina kamusta yung poser?
Me: Ayun nahuli ko na sa akto pero hindi pa din umaamin.
Nana: Langya! Makipagmeet up ka kaya?
Me: Waley ang joke mo girl
Nana: Oy seryoso! Malay mo si Jimmy nga talaga tapos pinagtritripan ka lang pala. Hindi ka ba na cucurious sa taong nasa likod ng account na yan?
Me: Bwesit ka Nana! Yan ka nanaman sa mga persuasive statement mo eh !
Nana: Sige na! Malay mo mas pogi ky Jimmy!
Me: Kailan ba naging pogi si Jimmy?
Nana: Basta makipag meet up ka !
Me: Eh kung ayoko ?
Nana: Ayaw mo? Sayang ililibre pa naman kita ng fries
Me: Saan mas maganda mag meet up?
Ina: Ulol
Me: Minsan lang makakatikim ng fries na libre ang dukhang ito.
Eza: Ililibre kita ng ice coffee ate Mina pag nakipagmeet up ka >:)
Jin: Ililibre kita ng sine Noona :)
Nam: Ako na bahala sa popcorn
Me: Tengene ! Hindi ko na talaga kaya mga ginagawa niyo sakin ! Pasalamat kayo mas mahal ko ang mga pagkain kaysa sa reputasyon ko ! Oh sya makikipag meet up ako ! Fekyu
Ina: Ulol ulit
**
[Jimmy K. Dekka] The fake one
Me: Gusto kong makipagmeet up sayo. Bukas sa park , 3pm straight!
Seen
Me: pag di ka dumating I rereport kita!
Seen
Me: ALAM MO BANG CRIME YANG GINAGAWA MO? MERON NA NGAYONG PHILIPPINE LAW FIRMS HANDLING f*******: IDENTITY THEFT, FAKE f*******: ACCOUNTS, HACKED f*******: ACCOUNTS,
FACEBOOK SCAMS, f*******: FRAUD, LIBELOUS f*******: PAGES, MALICIOUS f*******: GROUPS. AT HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA IREPORT KA PAG HINDI KA NAGPAKITA BUKAS !
Jimmy: Ano ba kailangan mo sakin?
Me: Sasakalin kita!
Jimmy: eh?
Me: Duh! Hindi ba ako pwedeng makipag meet sa babe ko?
Jimmy: Akala ko alam mo na?
Me: Yung alin? Na poser ka?
Jimmy: Na mahal kita babe
Me: Aw so sweet Seen
**
Chaka! Akala niya madadala niya ako ulit sa babe babe na yan . Ang landi ng poser na 'to! Feeling ko talaga lalaki 'to eh , kasi pag babae matagal na akong minura nun.
I'm pretty sure na kinakabahan na siya. Ikaw ba naman makipagmeet sa isang Dyosa for the first time. Naku baka mahimatay siya at ako pa ang mag eeffort na buhatin ito. Pfft
**
»»» 3PM @ Park «««
I am currently sitting on the bench near the fountain. 2:30PM pa lang ay nandito na ako. Hindi sa excited ako pero parang ganun na nga :p Excited na akong sakalin ang cactus na 'to.
Nafefeel ko na ang mabilis kung heartbeat at hindi ko alam kung dulot ba ito ng excitement o kaba. Kasi honestly kinakabahan din ako eh. Baka siga pala ang lalaking 'to at magdala ng tropa para ipabugbog ako . O baka babae pala at bigla akong sabunutan pagdating niya. Hindi.pa naman ako marunong makipag away pbysically , gusto ko kasi verbal para tagos sa heart . Pfft
" Nasaan ka na babe? *insert pabebe tone*
You sent a voice mail
Yuck! Parang ako ang nasusuka sa sarili ko ! Ba't ang tagal ng gegong 'to?
" Hoy ! ONE MINUTE LATE KA NA !!! "
You sent a voice mail
Langya! Ba't di na nangseseen 'to? Baka tuluyan na akong tinakasan!
" HOY HINDI AKO NAGBIBIRO NA IREPORT KA ! AKALA MO HA! Pag 30 minutes na wala ka pa pupunta na talaga ako sa prisinto ! "
Mukha akong tanga sa gitna ng park na sumisigaw sa harap ng cellphone ko. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao dito. Leche , naka uniform pa naman ako. Talagang nagskip ako ng isang subject para lang makipagmeet up sa g*gong 'to tapos ipagmumukhang tanga niya lang ako dito.
"Five minutes na lang talaga! Pupunta na ako sa prisinto hayop ka ! Magparamdam ka din minsan uy! Sinacrifice ko naman yung isang subject ko para sayo! "
Seen
Biglang magtumbling yung heart ko dahil sineen niya ako for the first time this day. Isang oras na akong naghihintay at ngayon lang siya nag seen .
[Buti nama't naisipan mo pang iseen ako? Asan ka na?]
At yun na yung huling beses na sineen niya ako. Tangina bigla akong nabeast mode ! Umalis na ako sa park dahil wala na talagang pag asang magpakita tung poser na 'to. Now I know , na sa panahon ngayon pati poser paasa na din.
Pumasok ako sa munsterific malapit lang sa park. Bumili ako ng paborito kong vanilla ice cream para mabawasan ang init ng ulo ko. Biglang nag vibrate yung phone ko.
1 message
From Nana
Nana: Kamusta ?
Me: Masaya
Nana: Weh?
Me: Masaya ako dahil hindi kami destined sa isa't isa
Nana: Ha? So hindi kayo nag meet ?
Me: Obviously
Nana: Aw kawawa ka friend. Sige , condolence dahil namatay na naman yung puso mo. Ang sakit umasa ulit diba?
Me: Pakyu
**
Kahit tung si Nana ay wala ding ka kwenta kwentang kausap eh.
Matapos umorder ay umupo muna ako . Since mag aalas kwatro na rin din , nagdesisyon na akong wag na lang bumalik sa school para umattend sa last subject. Wala ding kwenta pagpumasok pa ako dahil hindi din naman ako makakapagconcentrate . Nakakabeast mode lang talaga yang poser na hindi ako sinipot. Pasalamat siya't tinamad na akong pumunta sa prisinto para ireport ito at ayoko ko na ding maghanap ng g**o.
I plugged my earphones and listens to music while l*****g my ice cream.
"Thank you"
Tinig yun mula sa counter. Hindi pa nagstastart yung music kaya klarong narinig ko ang malalim na boses na yun. Hindi ko din maiwasang mapalingon kasi ang hot ng boses niya. Binabaan ko ng volume yung music para mas marinig ito. Mahilig kasi talaga ako sa mga underground yung boses.
At nung lumingon ako Potahamnida ! Ang gwapo! Sinundan ko lang ng tingin ang perpektong mukha ng lalaking yun. Pucha! Sa buong buhay ko ngayon lang talaga ako nakakita ng ganito ka gwapong nilalang sa personal. Matangos ang ilong , kissable lips, sobrang ganda ng mata at katamtaman lang ang kaputian. Naka uniform din siya ngunit pinatungan niya ito ng black suit dahil na din sa malamig ang panahon. Sayang hindi kami schoolmate.
Teka ba't papunta siya sa direksyon kung saan ako nakaupo? Wait hindi ako prepared ! Naku jusko baka haggard yung mukha ko whaaa paano na ito?
Putspa ngumiti siya sakin ?!?!?! Whaaaaa !!! Ano gagawin ko? Ngumiti din o magpanggap na hindi ko siya nakita? Tangina !
Pinatong niya yung hamburger saka coke nito sa mesa ko. Inalis ko yung isang earphone para marinig ang sinasabi nito.
"Miss , may kasama ka ba?"
Umiling lang ako bilang sagot. Bigla akong naging shytype na babae.,
Ngumiti siya ulit sakin. Putspa! Ba't ang gwapo ng nilalang na'to sabayan pa ng malalim nitong boses ! Tengene, sabog na talaga ovaries ko !
"pwede bang makishare ng table? Wala na kasing upuan eh." , sabi nito
" Huh? Oh , Shu-sure.", nauutal kong sagot. Umupo siya sa upuan kaharap ko. Waaaa! Kikilig ako shet! Itong kagwapong mukha ba naman yung kasabay mong kumain? Parang ayoko munang ubusin tung ice cream na 'to.
Pasulyap sulyap lang ako habang kumakain siya ng hamburger. Wadapak! Kahit sa pagkain pogi pa din , langya!
Medyo awkward lang kasi walang umiimik samin. Tahimik lang siyang kumakain at ako'y tahimik ding humohokage.
" Ganitong oras ba nag-eend yung class mo? ", pagbasag niya ng katahimikan. Biglang bumilis yung heart beat ko. Fvck! Ito na naman yung kilig na kanina ko pa nararamdaman. Parang nawala lahat ng inis ko dahil dumating ang gwapong 'to.
" Hindi, nagskip lang ako. Hahah", sagot ko na mala maria clara yung boses.
" Hahaha. I do that also. Bakit ka pala nagskip?"
"Dahil makipagmeet up sana ako sa isang kaaway. Nakakainis lang dahil hindi ako sinipot. "
Napakunot yung noo niya nung sabihin ko iyon.
"Kung kaaway mo bakit ka disappointed na hindi siya sumipot? "
" Hindi naman sa enemy ko talaga . Eh naiinis lang ako sa kanya kaya ganun. Saka gusto kong malaman kung tao ba talaga siya o alien.", paliwanag ko.
"So , Ito sana yung first meeting niyo?"
"Yeah. Curious pa naman ako sa kung anong klaseng nilalang ang cactus na yun! Pinaghintay lang ako ng isang oras at napagkamalan pa akong baliw dahil sa kanya. ", bigla kong nakalimutan na shy type pala dapat ako. Pero wala na akong magagawa dahil lumabas na sa bibig ko. At tuluyan nang lumabas ang madaldal na Mina.
" Bakit di mo tawagan ngayon? Malay mo busy lang kanina yun? ", suhestyon niya.
"Wag na. Hindi din naman sasagot yun ."
"Well , you will lose nothing if you try.
Mukhang tama din naman siya. Kahit dumating sa araw na 'to ang gwapong kaharap at kausap ko ngayon , meron pa ring sumasagi sa isip ko na gusto ko pa din makita ang poser na yun.
Kinuha ko mula sa bulsa yung phone ko . Inopen ko yung messenger at nakitang "active now" si babe poser . Nag voice call ako.
Ilang saglit ay nag vibrate yung phone ni Mr. Handsome na nakapatong sa mesa.
Nang umilaw ito , napababa yung phone ko sa tenga dahil sa nakita ko sa screen nito
Mina is calling. . .
Saglit napahinto yung buong kaluluwa ko habang nag sisink in lahat ng nangyayari. Bakit account ko ang tumatawag sa kanya? Duh, Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan.
Obviously , siya yung poser na minumura ko mula kagabi hanggang ngayon.Siya yung kanina ko pa hinihintay. Ang gwapong ito na kanina ko pa pinagnanasaan . Tengene!
At dahil nagpakita siya , it means destined kami? Whaaaa?!?! Sobra-sobrang biyaya na ito! Lumagpas ang lalaking ito sa ideal guy ko! Mas gwapo pa ito kaysa sa mga iniimagine kong magiging katuluyan sa huli. Shet ! Kung alam ko lang na ganito ka pogi ang nasa likod ng account nayun edi sana hindi ko siya inaway kagabi.
" Nice to meet you, Mina :) "
Whaaaaaa! Siya nga talaga ! How to breathe?!?!
"I-ikaw yung poser ni Jimmy?", kahit obvious na ay tinanong ko pa rin.
Tumango ito at ngumiti.
" It's been 2months since I saw you and become your admirer . I can't find any way how to communicate with you that's why I became a poser. By the way , I'm Mikko"
So matagal niya na pala akong kilala? At sa mga panahong iyon ay si Jin pa yung laman ng puso ko. Langya, kung kinausap niya na ako noon pa sana hindi na ako nagpakatanga kay Jin. Eh kahit sino ba namang babaeng makita tung si Mikko ay talagang malalaglag yung panty.
" Uhm.. Yeah , Nice to meet you", sabi ko sabay shake hands. Shet nahawakan ko yung malambot niyang kamay. "Sorry pala kung ilang beses kitang minura kagabi ha.", parang binalot ako ng hiya sa mga sinabi ko sa kanya kagabi.
" It's okay. Inexpect ko naman talaga na ganun yung magiging reaksyon mo."
Saglit na tumahimik .
" Sorry I have to go Mina. See you next time." Tumayo na siya at bahagyang nalungkot ako.
Biglang nag ring yung phone ko.
Unknown number is calling...
" That's my number. Text mo ko kung kailan free time mo, ililibre kita :)", napalingon ako at nakita siya na hindi pa nakalabas. Lumapit siya muli sakin at ikinagulat ko nang umakbay siya. Napatitig naman ako sa maganda nitong mukha.
"Smile"
Humarap ako at bumungad yung mukha kong hindi prepared sa screen ng phone niya. Paano ba nama'y hindi pa nga ako nakakapose eh clinick niya na agad yung shutter.
Kinuha niya yung kamay niya sa balikat ko para hawakan ng dalawang kamay ang phone saka tumawa sa mukha kong unprepared.
" Uy delete mo yan hindi ako prepared! ", sinubukan kong agawin yung phone niya pero hindi ko keri yung height nito.
" Wag na . Ang cute nga eh! Sige see you next time ! Bye babe :p" , yan na lamang ang huli niyang salita bago tuluyang umalis. Naalala ko yung "babe" thingy sa convo namin. At nagulat ako na hindi niya kinalimutan yun. Alam kong joke lang yun pero fvck , kinikilig ako!
First time kong makakilala ng poser na mas gwapo pa kaysa sa account na ginagamit niya. Mostly kasi , puro pogi o maganda yung profile picture ng mga poser para mas maraming makapansin ng account.
And now I know that not all poser accounts are made for FAME , it is also made for LOVE.