Senpai Is A Lie

2572 Words
Prologue: "Notice me senpai ! " The most famous phrase you can hear from fangirls or even fanboys nowadays. Some fans are risking their lives just to be noticed by their idols. Funny right? I can call myself a lucky fan ,coz not just my idol noticed me, he's even a close friend of mine. As a fan, I accept the truth that there are only 10% or lower, chance that your idol will fall for you . But what hurts the most is that , all of his "Pa-fall" moves that make every girl's ovaries explode is all a LIE. Yes , it was all A Lie . . .   Senpai Is A Lie   Mina's POV *** February 13, 2016 *** "SENPAI!!!! SARANGHAE!!!" , alam kong malabo niyang marinig iyon dahil sa lakas ng speaker pero atleast naisigaw ko sa buong SMX na mahal ko si Senpai. //: Dasi run run run nan meomchul suga eopseo Tto run run run nan eojjeol suga eopseo eochapi igeotbakke nan motae neoreul saranghaneun geot bakken motae:// "WHOAAAAAAA! " Sa tuwing si Senpai na ang nasa spotlight ay todo bigay kami ng kaibigan kong si Nana sa pagsigaw. Parehas kaming patay na patay ky Jin Ferrer ; yung Senpai namin. "WHAAAA SAKIN SENPAI!!!", sigaw ko nang nambibigay na sila ng Rose sa fans. Dapat talaga ako yung makakuha ng rose mula kay Jin eh kaso yung kiti kiting katabi ko ay inagaw sakin. "Potahamnida ! Lamunin mo yang plastic na rosas !", 'yun yung sinabi ko pero iba yung nasaisip ko. Huhu pero hinalikan ni senpai yun eh T_T Nagmove on na lang ako sa rosas thingy at nag pokus muli sa performance nila. Matapos yung performance ay kaliwa't kanan na yung nagpapapicture sa kanya. Hindi na din kami nag take time na magpapicture dahil alam kong mas marami kaming time mamaya dahil iisang agency lang kami. Kami ni Nana ay sumasayaw din ngunit iba yung grupo namin. Noong una ay kunwari lang yung pagiging fangirl namin sa kanya dahil nahihiya pa siya sa grupo kaya naman binoboost namin ang self confidence niya.Ngayon, unti unti nang nagiging totoo yung tinatawag nilang . "Tangina mukhang na fall na ako kay Senpai." Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakafeel nito o baka pati din si Nana pero the way we approach Jin is still the same. Umiiba lang yung energy namin pagnagpeperform na siya. Umalis kasi ang isang member ng Fab Armies kaya siya yung ni recruit ng kaibigan namin. Noon nagaalinlangan pa siya baka hindi siya magustuhan ng tao dahil bagong myembro lang siya pero dahil sa tulong namin ni Nana mas lumakas yung confidence niya sa stage. At ngayon benta na siya sa mga Fans. *** "Grabe benta yung Senpai natin oh !", sabi ko with pa akbay-akbay effect pa. Hokage moves kumbaga. "Hoy akin si Senpai", Hinablot ni Nana si Jin saka pinulupot yung kamay sa braso nito. Wala naman akong sinabing kakampi ko siya diba? " Luh senpai oh ! Diba ayaw mo ng hokage?", depensa ko. This girl is so clingy ,myghad I hate drugs ! "Huh? Hihihi.", yun lang yung nasabi ni Jin. Well , I can say that Jin is just like an innocent kid at panay yung sakay sa trip namin ni Nana. Mabuti na yung ganun , maswerte pa din kami compare sa mga fangirls niya. Atleast kami nakakalapit sa kanya. "Nevermind. Tara dinner na tayo ! ", paakbay kong kinaladkad si Jin papunta sa car ng kasama din namin. Dami kong hokage moves ngayon diba? "Saan tayo?", tanong ng kaibigan naming may car na siyang nagdadrive ngayon. Tradisyon na kasi samin yung magdinner sa labas tuwing may events or contest kaming sinasalihan. Win or lose , may pera o wala basta kakain pa rin kaming lahat. Mabuti't may manager kaming bumbay na siyang nagpapautang ng mga dukha at kasama na ako dun. And yeah , we spend our night to this most expensive place for poors ; McDo. I know sawang-sawa na yung mga kasama namin sa mga pagkain dito pero saan pa ba aabot yung 50 pesos ? Kahit maghanap kami ng ibang kainan , sa mcdo pa rin yung bagsak namin. Kulang na lang pakasalan ko yang red-hair guy na hindi marunong mang lipstick. Pfft Pero kahit ganun , masaya kaming kumakain together at ilang ulit na din kaming pagalitan dahil sa ingay namin. Eh sa malakas lang talaga yung boses ng mga kasama ko , problema ba yun? Tahimik lang naman ako dito , pa shy type kumbaga , katabi ko kasi si Jin. Nagbabakasakali lang baka ideal girl niya yung mga shytype. We end this night with laughter and endless goodbye. Literally "Sige mauna na kami!" "Okay babye!" "Ingat kayo" "Kayo din" "O siya babye na!" "Kita nalang tayo sa group chat !" "Cge cge , ingat kayo!" " Okay babye!" "Aalis na kami!" "Babye na nga!" "O na babye!" "Cge bye!" "Last na ! Babye guys!" "Babye!" "See you next time ! Bye" "See you babye ulit!" "Tangina! Babye na nga!" *** Three Months later *** Nasa couch ako habang nagfefacebook. Nakakatawa yung mga nakikita ko sa news feed dahil suki kami ni Nana sa mga fans ni Jin. Sabi nila isa daw samin yung pwedeng maging girlfriend niya. HAHAHA! Nakakatawa lang na alam ng ibang tao yung pangarap ko . Meron ding bashers na nagsasabing ang pangit namin para kay Jin. "Pweh. Ang ganda niya grabe! Sing ganda ng moon yung mukha! Ang daming holes .. Mayghad!", banggit ko nang mabasa yung mga bashers na kumikwestyon sa ka dyosahan namin ni Nana. Hindi ko na nireplayan pa dahil hindi kami warfreak at edukado kami. Mas mabuti nang cellphone ko lang yung nakakarinig. Tatlong buwan na yung nagdaan at minsan na lang kami magkita-kita ng mga friends ko sa agency, lalo na si Jin :( Minsan nga't vinivisit ko na lang yung page namin saka tinitignan muli yung mga litrato namin. Hays . . . Nakakamiss mag perform tuloy sa stage. At mas namimiss ko yung pag checheer kay Jin. Namiss ko nang sumigaw ng "Senpai Saranghae". Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko ay nakatanggap ako ng text. From: Manager-nim Guys ! May bagong event this May ! Contest daw siya! Sali tayo, taghirap ngayon kailangan natin makuha yung cash prize ! Meet up tayo mamaya sa SM , para pag-usapan ng masinsinan ~ Charot ! Kbye. See you at 2pm :) "Grabe ang bilis mo Lord ! Thank you !", wika ko na tumitingala sa kisame. Tinignan ko yung orasan at eksaktong 11am pa lang. Tumayo agad ako para mag bihis na. Excited na akong makita silang lahat! At alam niyo na kung sino yung mas gusto kong makita :) " Saan ka naman pupunta? ", nakita ko si Mama na sumasandal sa pinto. Mukhang beast-mode siya eh , Naku delikado 'to. Nginitian ko lang siya saka nag sabi ng "May meeting po kasi kami mamayang alas dos para sa contest na sasalihan namin. " "Auh. Mamaya pa naman pala , sige maglinis ka muna ng bahay. Matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako pag aalis kana. ", at dahil mabuti akong bata ay sinunod ko bilin ni inay. Wala akong choice eh , mas mabuti nang ganito kaysa sa hindi ako pinayagan. ** Pasado ala-una na ng mag text ulit si manager. Saan ka na? Me: Going na Yun yung sagot ko pero yung totoo , nasabahay pa din ako. Me: Sino na ba yung nandyan? Manager: Si Mark , Jackson , Nam , Ina , Eza at Jin. Bumilis yung heartbeat ko ng makita ko yung pangalan ni Jin. Umakyat ako agad at ginising na si Mama. Pero hindi pa ako umalis , syempre tumodo muna ako sa pagpapaganda, ikaw ba naman makipagmeet kay Senpai matapos ang tatlong buwan , syempre itodo mo na. Pumalit ako ng damit , yung pagnakita ako ni Jin maiinlove na siya kaso wala akong ganun kaya nag t-shirt na lang ako at shorts, malay mo mahilig si Jin sa legs. Myghad ! Ba't ginagawang p*****t ng utak ko si Jin? Forget the outfit anyway , sabi nila maganda na daw ako kahit anong suot ko kaya maniwala na lang. "Senpai ! Here I come.", sabi ko sa sarili sa harap ng salamin. Bumaba na ako saka nagpaalam. "Ma,alis na 'ko!" "Uwi agad ha! Wag magpapadilim!" "ofcourse. Mas maganda yung maliwag makikita mo lahat! " "ANO?!?" "Joke lang! Sabi ko uuwi ako agad!" Kahit si Mama ay nakakasaksi ng pagiging byun ko. Minsan lang naman :) Depende din sa mood eh. ** Text message From: Ina Mina! Punta ka na dito , nandito na si Jin. Halos lahat ng member ng agency namin ay alam na fangirl kami ni Jin. Pero ang buong akala pa din kasi nila eh biro pa rin lahat ng pagfafangirling namin. Yung parang We support each other because we are family lang. Nireplayan ko si Ina. Me: OMG ! Si Senpai !!! Ina: Haha . . . Wag ka nang umasa Mina , may forever na si Senpai mo. Me:Pfft. I know. Forever na kami kasi Ina: Masakit umasa Mina. Ano na naman ba 'tong kadramahan ni Ina. Dinadamay pa yung lovelife namin ni Senpai eh. Haynako pag broken-hearted nga naman mga tao. Nang makarating na ako sa SM ay naglakad ako papunta sa foodcourt dahil andun daw sila. At sa aking paglalakbay sa makinang na sahig ng SM ay humihinto ako sa bawat salamin para mag beauty check. Ayokong makita ako ni Senpai na haggard , maygash baka ma turn-off. Kailan ba siya na turn-on sa'yo ? -konsensya "Che!" At ito na , isang hakbang na lang at nakikita ko na sila. Lahat sila nakatingin sakin tapos tumawa. Chineck ko yung reflection ng mukha ko sa cellphone pero wala naman akong dumi sa mukha. Ano kaya nakakatawa sa pagdating ko. Pfft. Binaling ko yung atensyon ko sa nakatingin din saking si Jin. Ngumiti ako ng malapad saka sumigaw "Senpai!!" Tumakbo ako palapit sa kanya. Plano ko talagang I hug siya kaso andaming tao , baka isipin nila hokage girl ako. Totoo naman yun actually. Nag high five lang ako sa kanya. Yung parang brotherhood lang. "Wag ka nang umasa Mina ! Sabing may forever na si Senpai mo eh. ", isiningit na naman ni Ina yung linyang yun. Binaling ko yung tingin kay Jin , ngumiti lang siya sakin. And those smile was so mysterious. Yung parang may gusto siyang sabihin. Nagcrossed-finger ako. "Lord please , sana hindi totoo yung sinasabi ni Ina" " Totoo ba Senpai? ", parang lost na bata yung expression ko habang tinatanong yun kay Jin. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa pwedeng isagot niya. Nang tumango si Jin , parang nabagsakan ako ng hallow blocks sa ulo. Hindi ko alam kung totoo ba 'to o joke time na naman. "Sino?", pinilit kong wag ipahalata ang lahat ng nararamdaman ko. Bigla akong napaisip kung gaano ba siya kaganda para magustuhan ni Jin. Mas maganda pa ba sakin? Mas matalino ? Mas magaling sumayaw? Mayaman? Anong meron sa kanya na wala sa akin ? Ikinagulat ko nang hawakan ni Jin yung kamay ni Kuya Nam. "What f**k?!?! Ano 'to? " Ito yata yung pinakamasakit sa lahat eh. Mas masakit pa kaysa sa nalaman kong may GIRLFRIEND na siya. "Si kuya Nam yung forever ni Jin Senpai mo! ", bulong ni Ina sakin. "Sino ang babae sa inyong dalawa? ",yan na lamang ang naisipan kong itanong sa kanila. "Wala.", yun yung sagot ni Jin sakin. Lalaki at lalaki ? Nagmamahalan? Ibig sabihin nun pareho silang bakla dahil nafall sila sa kapwa lalaki. Whaaaaaa! Hindi pwede 'to ! Senpai wag mong gawin sakin 'to! "Tangina! Joke lang 'to nuh? Pinagtritripan niyo lang ako! Langya kayo ! ", sabi ko pero tumawa lang sila. Sabi ko na eh , joke lang lahat ! hays hindi magagawa ni Jin yun at alam ko yun. Ilang minuto akong tahimik at tawa lang ng tawa yung mga members sakin. Aba't nag eenjoy silang pagtripan ako ah! I just look at their eyes trying to read their minds but I don't have the same ability with Park Soo Ha. "Oy andito na si ate Nana!", sabi ni Eza. Napalingon agad ako saka tumakbo sa kanya. "NANA!!!! Huhuhu :( " "Bakit?", takhang tanong niya ng makalapit ako. "SI senpai :( " "Anong kay Senpai ? ", halata sa mukha niya ang pagtataka. "Sila na daw ni Kuya Nam ! Huhuhu :(((", umiiyak ako na walang luha para kunyare joke lang yung pagdadalamhati ko. Pero ang totoo parang sinaksak na yung puso ko kahit hindi pa ako sigurado kung totoo man iyon. Pero mas malala yung ginawa ni Nana . Nagwalling lang naman siya sa SM at madaming taong nakatingin sa kanya. Dumistansya ako ng kaunti kunyare hindi ko siya kilala. So ayun , niyaya ko munang mag CR si Nana. Gusto ko kasing mag emote yung kaming dalawa lang dahil pareho kami ang nasasaktan. "Para sa'yo , totoo ba yung about sa kanila ni Senpai at kuya Nam ?", panimula ko. " Para sakin biro lang eh. Parang hindi naman ganyan si Jin diba? ", sagot ni Nana. " Whaaa! Eh pano pag totoo?huhuhu! ", tinakpan ko ng palad ang aking mukha. "CACTUS KA ! Wag mong sabihin yan !", agad namang binatukan ako ni Nana. "Totoo yun. .,.",mula sa likod namin yung boses na yun at nung lumingon kami ay nakita ko si Ina. "Kanina ka pa nakikinig dyan?", tanong ko. "Malamang. ", sagot niya. Sumabay ng lakad samin si Ina para ikwento saamin ang lahat. Si Ina yung pinaka close ni Jin sa agency at mukhang lahat ng sekreto ni Jin ay alam niya. At ayon sa kanya, siya yung pinakunang pinagsabihan ni Jin ng tungkol sa kanila ni kuya Nam. At ang pinakamasakit sa part ng kwento ni Ina ay yung si Jin ang naunang nahulog kay Kuya Nam. "TAMA NA! Hindi ko na kayang marinig lahat ng 'to. ", pagputol ko kay Ina. "Ako din. . ", pagsang-ayon naman ni Nana. Nagyakapan kaming dalawa nang makumpirmang hindi yun joke. Lahat ng nasabi ko kanina ay binabawi ko na! Hindi pala ako isang Lucky fan , kasi ang totoo ako yung pinakamalas. Bakit ba ako nahulog sa isang idol na kailanma'y hindi magkakagusto sakin dahil "oppa" din ang hanap. At sa harap ko mismo nakita yun. Natawa na lang ako ng maalala ko yung nasa isip ko kanina Anong meron sa kanya na wala sa akin ? Ngayon alam ko na. Kung alam ko lang noon pa na lalaki yung gusto niya , kayang kaya ko mag crossed-dress para sa kanya. Hays , bakit ba sa dinami-dami ng lalaki sa mundo , sa lalaki-din-ang-hanap pa ako nag ka gusto? :((( At that time , I realize , all those things that make me fall inlove with senpai is a Lie. His smile that makes every girl melt. It was dedicated to a guy. A stare that makes all his fangirl assume that he is looking at you. But he is actually looking to a fanboy. The way he dance on the stage that makes you climb there and hug him. But only one guy could do it. However painful it is , I will still support Jin but not as my Senpai anymore . . . 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD