CHAPTER-07

2800 Words
Busy yung dalawa sa teachers table dahil hinahanap pa din nila yung nag mamay ari ng hindi maintindihang pangalan. Busy yung mata ni bes sa name list namin dito kaya ayun. “Who’s Angelo Hansen?”biglang tanong ni bes at tumingin saming lahat dito, napatingin naman kaming lahat sa isang taong nag mamay ari ng pangalan na yun, dahan-dahan nag taas ang isang nerd na lalaki na medyo malapit samin ang pwesto. “Are you Angelo Hansen?”tanong ni bes tumango naman ng dahan-dahan yung lalaki sakanya. Napatango naman si bes doon. “Are you related to Mr and Mrs. Hansen? Their are your parents or what? I’m just curious because your surname is familiar to me.”sabi ni bes habang nakatingin pa rin doon sa nerd na lalaki. Si Angelo. Kapag nag e-english si bes may accent hehe. “T-their are my p-parents po.”sabi ni Angelo ng utal-utal napatango naman si bes doon. Two months ago, mga dalawang kumapanyang pag mamay ari ng Hansen family ay biglang lumobog. Medyo kilala kase ang pamilyang Hansen na magaling na negosyante kaya madaming nabigla ng biglang lumubog ang dalawang kumpanya dahil sa kumakalat na, nalubog sila sa utang. Maya-maya lang din naman ay dumating na yung susunod namin teacher umamin na din si Angelo na sakanya yung papel kaya ayun. Haha, pinahirapan pa sila bes, talaga nga naman. Nakinig kami sa boring niyang klase, well nagpa lecture lang naman samin ang mga sumunod na teacher nagpapasalamat na din ako dahil doon, yun lang pinagawa nila samin hahaha. Mabilis naman natapos ang klase namin dito uwian na namin ngayon. Nag ayos na kami ng gamit at lumabas na kami ng classroom. Si bes ay nauna na namin, parang nagmamadali nga eh hindi ko alam kung saan pupunta ang babaitang yun. Nagsi sakayan na kami ng makadating kami sa sasakyan namin, hindi naman sinasadya biglang nahagip ng mata ko si bes na pasakay sa isang sports car at humarururot ng mabilis ng makasakay si bes, medyo kumunot noo ko dito. Medyo na traffic kami dito ngayon, may aktidente kaseng nangyari kaya naipit kami dito sa traffic at hindi kamo maka usad. Inabot na nga kami ng gabi dito kaya alam kong magtataka mga magulang namin kase gabi na kami makakarating sa bahay. Maya-maya lang din naman ay nakarating na kami sa bahay, at gaya nga ng sinabi ko gabi na kami nakarating dito at tinanong agad nila kami kung bakit kami ginabi. Kaya sinabi namin sakanila kung bakit. Sinabi din nila samin na may family dinner kami ngayon sa Leticia, isa sapag mamay ari nila ninang Tanya, kaya eto kami nag aayos na kase aalis din kami agad eh. Nang okay na kaming lahat ay nagsi sakayan kami sa mga kanya-kanya naming sasakyan dito at pumunta nasa Leticia Restaurant biglaan lang to wala kaming kamalay malay na magaganap to ngayon. Pero okay na din hahah. Nagkwentuhan kami nila dad and mom dito habang nasa byahe kami. Hiwa-hiwalay kase kami ng sasakyan kaya mga magulang namin ang kadaldalan namin ngayon. Nagugutom na nga din ako eh. Remember hindi kami naka kain ng lunch kanina dahil sa case na nangyari haist. Nakarating naman na kaming lahat sa Letecia kaya nagsi pasok na kami at napatingin ang lahat ng mga tao samin pero hindi namin sila pinansin, may nag asikaso naman samin agad at iginaya kami sa isang table na kasya kaming lahat. Umorder na din kami dito kaya naman inintay namin yun, maya-maya lang ay may dumating ulit na customers 6 na babae at 7 na lalaki, at masasabi ko may mga lahi sila base sa mga itsura nila dito sila sa medyo tabi naming table pero sapat na para madinig namin pag uusapan nila. At feeling ko mag kakasing edad lang kami. Umading naman na order namin kaya naman nagsi mula na kaming kumain dito, mga magkakatabi mga magulang namin, then kaming mga anak nila magkakatabi din hahah. “ASHLEAH! DITO!”biglang sigaw ng mga kasing edad lang namin, kaya napatingin kaming lahat doon. At doon nga namin nakita si bes, umikot pa mga mata niya bago dumeretso sapag lalakad papunta doon medyo malapit na table samin kung san ang mga kabataan, umupo sya sa tabi ng isang babaeng blond ang buhok. “Bat ang tagal mo? Don’t tell nahirapan kang tumakas kila tita”natatawang sabi ng isang lalaki na medyo chubby doon. Sino sila? Bakit parang close sila ni bes. “Ganon na nga nakipag babag pako sakanila para lang payagan ako dito”sabi ni bes na kinatawa naman nila doon. “At talagang todo sigaw pa kayo sa pangalan mo. Sinabi iba ang itawag niyo sakin kapag nasa public tayo eh! Bibigwasan ko kayo isa-isa dyan eh!”inis na sabi ni bes kaya lalo silang napatawa doon. Palihim kami nakatingin sakanila. “Sorry boss, highblood kana agad dyan. Siguro sa sama ng loob ka pinaglihi ni tita palagi nalang mabilis uminit ulo mo eh.”natatawang sabi ng medyo malaki katawan dito. “Tumahimik ka nga Edward, baka kung ano magawa ko sayo dito!”sabi ni bes kaya napatawa sila ulit. “Boss panong pagmamakaawa ginawa mo kanina sa harap nila tito and tita? May drama bang naganap?natatawang sabi ng babaeng maikli ang buhok. “Edi ayun, halos maglumpasay na ko kanina sa sahig para lang pumayag silang dalawa, kanina ko pa gustong lumayas sa bahay namin dahil nga nagsi datingan ang mga ayokong tao.”sabi ni bes at uminom ng tubig, nagsi hagalpakan ulit ng tawa mga kasama niya doon. Sino ba kase sila? Hindi ko sila kilala hindi sila nababanggit ni bes sakin eh. Bwiset naman oh! “Tang ina, mga tuwang tuwa kayo ah. Hindi ko gagawin yun kung hindi lang may mangyayari ngayon. Mas gugustuhin ko pang mag kulong nalang sa kwarto ko.”sabi ni bes pero mga tawa lang ng tawa mga kasama niya. Anong ibig niyang sabihin? Mangyayari ngayon? “Ayyy oo nga pala, speaking of devils. We’re they are boss? They’re coming here na ba?”tanong ng isang babaeng nag va-vape dito. What the? “Yes they are, kanina nakita ko mga sasakyan nila. But don’t worry dalawang sasakyan lang naamn sila kayang kaya natin sila, they are weak remember”sabi ni bes habang nakangisi kaya napangisi din mga kasama niya. Hindi pa niya din kami napapansin dito. “Okay boss, let’s wait and get ready your self. This is so exciting”sabi ng isang lalaki na mahaba ang buhok. Napangisi ng malawak si bes at tumingin sa entrance nitong restaurant. “Mukang may mangyayari hindi maganda dito ah.” Sabi ni Brixton samin dito napatingin samin mga magulang namin. “Ihanda niyo sarili nyo sa oras na may hindi mangyari dito ngayon.”sabi ni ninong Tyron samin ng seryoso, tumango naman kami dito. “Sino sila? Sino yung mga kasama ni Snow?”kunot noo tanong ni Samantha samin. “Hindi ko din alam, ngayon ko nga lang mga nakita yan eh. Wala nababanggit sakin si Ash.”sabi ni Bailey at unimon ng tubig. Tumingin silang lahat sakin at nagets ko naman agad mga tingin nila. “I don’t know too, wala ding nababanggit sakin si Snow about them ngayon ko lang din sila nakita.”sabi ko sakanila. Totoo naman sinabi ko, tumingin ako ulit sa table nila bes, nag uusap sila don. Biglang bumukas ang pinto na malakas kaya napatingin kami doon, nakita namin ang nasa 20 na lalaki mga nakangisi sila samin dito, naging alerto naman kami. “Holdap to. Walang gagalaw!”malakas na sigaw na feeling ko leader nila. Nilibot niya ang paningin niya sa loob hanggang sa tumigil yun sa table nila bes. “Oh? Andito din pala girlfriend ko eh!”malakas nyang sabi habang nakangisi at lumakad papunta kila bes. At umupo sa tabi ni bes at umakbay sakanya. “Good evening mahal ko.”matamis na sabi ng lalaking mukang adik kay bes. Lahat kami nakatingin sakanilang dalawa. Ano daw? Mahal ko? Boyfriend ni bes ang mukang adik nayan? Oh my god. Tumingin ako sa mga kasama ko, mga gulat na gulat ang mga itsura nila habang nakatingin kila bes. “Lumayo ka nga! Ang baho mo, sino ka ba? Hindi kita kilala mister!”pasigaw na sabi ni bes at tumayo, hinawakan sya agad ng lalaki sa braso. “Wag mo kong gaguhin! Malaki ang atraso mo sakin, hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sakin Snow!”pasigaw na sabi ng lalaki at humigpit ang hawak niya sa braso ni bes. Pero imbis na matakot ay Napangisi lang si bes. “Romel? Its nice to see you again bastard!”sabi ni bes at biglang sinikuhan ang mula ng lalaki kaya napa bigaw siya kay bes. “DAMN!”sigaw ng Romel daw ang pangalan nanonood lang kami dito, kahit yung mga kasama ni bes ay nanonood lang din, pero nag titinginan sila doon. Nanlilisik naman mata ng lalaki habang nakatingin kay bes. “Damn you Snow! Pagbabayaran mo ginawa mo sakin!”pasigaw na sabi ng lalaki kay bes doon. “What? Why me? Wala akong paki alam sa isang katulad mong tanga at uto uto. Hindi ako ang nag utos non sa mga tauhan mo mga tanga at bobo katulad mo. Si Denice! Sya ang may pakana non Romel! Wala kaming kinalaan ng mga ka grupo ko sa nangayri sa mga tauhan mo, tahimik lang kami sa isang gilid at nag papalakas ng pwersa. Ako nga ang dapat magalit sayo, dahil ikaw ang may malaking maling ginawa sakin.”sabi ni bes ng seryoso makikita na may hidwaan sa pagitan nilang dalawa. Tumawa naman ng parang baliw si Romel. “Hindi mo na ko mauuto pa Snow an—.”naputok sinasabi ni Romel ng sampalin sya ni bes ng sobrang lakas at lutong. “Matagal na kong nagtitimpi sayo. Sobrang tagal na, dahil sa ginawa mo yun! Sinabi kong wala kaming kinalanaman sa lintek na yun! Pero anong ginawa mo hah? Ginalaw mo ang isa sa miyembro ko! Ginalaw mo! Buhay ang kinuha mo sakin Romel! Buhay din kukunin ko sayo demonyo ka!pasigaw na sabi ni bes at sinuntok na malakas yung lalaki kaya napatumba sa sahig yun. Nakita kong naarma mga kasama ni bes doon. “Hindi ko ginagalaw ang mga tanga mong tauhan, alam mo yan, kahit na gustong gusto kong gawin yun hindi ko ginawa! Pero ikaw! Putang ina mo! Pinatay mo sya hayop ka! Pinatay mo tinuring kong kapatid! Papatayin din kitang demonyo ka! Sisiguraduhin ko sa imperyo ka mapupunta!”galit nag galit na sabi ni bes at sinabunutan yung lalaki patayo at sinadyakan sa tyan kaya napasigaw yung lalaki at namamalipit sa sakit. Nakita kong lumuluha na sya ngayon. “Snow calm do—.”naputol sinasabi ni ng mailking buhok na babae ng simabat na si bes. “STOP? WAG KAYONG MAINGALAM!”sigaw ni bes at hinarap ulit yung lalaki. Lalapit palang sana si bes ng may bilang tumana dagger sa balikan niya, nagulat kaming lahat. “SNOW!”sigaw nila at nagsi lapitan doon kay bes. Ako naman napatakip ng bibig dito dahil sa bilis ng pang yayari. “TAKBO!”sigaw ng mga lalaki at nag umahan palabas ng restaurant. Kahit yung Romel tunatakbo, pero mas lalo kami ng nagulat na hitakin ni bes yung dagger na naka baon sa balitan niya at binalibag yun kay Romel at tinamaas sa binti kaya napaluhod pero pinilit parin tumayo. Kita kong nasaktan sya sapag hugor niya ng dagger sa balikat niya. Mas lalong lumakas ang agos ng dugo don. s**t! “Move! Wag nyong patakasin ang mga yon. Malalagot kayo sakin!”pasigaw na sabi ni bes kaya nagsi takbuhan agad mga kasama niya, pero may naiwan, yung maikling buhok na babae, hindi kona napigilan sarili ko at lumapit na sakanya, nagulat sya ng makita ako. “Snow.”sabi ko sakanya at tinignan ang balikat niya na hawak hawak niya, nakita kong pinunit ng babaeng maikli buhok ang damit niya at tinapal yun sa sugat ni bes. “A-anong ginagawa mo dito?”tanong niya sakin ng hindi makapaniwala nanggigilid naman na luha ko. Napatingin sya sa gilid niya at doon niya nakita sila mom na nakatingin din sakanya, mga nagsi lapitan sila kay bes. “S-snow, tell ano bang n-nangyayari?”tanong ko sakanya ng utal-utal dito. Umiling-iling si bes sakin dito. “No. Hindi mo na kailangan pang malaman pa Bellie. Labas ka dito ayo—.” “JUST f*****g TELL ME! ANONG g**o BA TO HAH?”sigaw ko sakanya at tuluyan ng tumulo luha ko. Nagulat naman sya sa ginawa ko. Pero agad ding nabawi. “Hindi nga pwede! Hindi mo ba naiintindihan yon? Ayoko madamay ka dito Bellie! Labas ka dito, g**o ko to, wag ka ng makisali pa!”pasigaw niyang sabi sakin dito. “Bakit ba ayaw mong sabihin sakin? Kaibihan mo ko Snow! Andito ko para pagsabihan sa mga ganyan bagay!”pasigaw kong sabi sakanya. Naiinis ako sakanya kase naglihim sya sakin. Wala na ding mga tao dito mga nagsi labasan na kanina kaya kami nalang natira dito. “Gusto mong nalaman? Sige! Ayoko pati ikaw mamatay ng dahil sakin! Ayoko matulad ka kay Jessi! Sinakripisyo niya sarili nya para lang sa kaligtasan ko! Ako ang tatamaan ng bala dapat, pedo hindi. Hinarang nya ang katawan niya kaya sakanya tumama yung bala! Sya ang sumalo non para sakin! Namatay ang tinurinh kong totoong kapatid ng dahil sakin! Sinisisi ko ang sarili dahil sa nangyari na yun! Kaya ko hindi sinabi sayo, dahil alam konh idadamay ka nila! Ayoko ng maulit pa yung nangyari sa nakaraan ko kon Bellie! Sana naman maintindihan mo yun! Ayoko ng mawalan ng taong mahalaga sakin! Tinuturing na rin kita g kapatid ko. Kaya hindi ako papayag na pati ikaw idamay nila!”pasigaw niyang sabi sakin at kasunod non ay sunod sunod na patak ng luha niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya. H-hindi ko alam na ganon pinag daanan niya ng hindi pa kami magka kilala. Kahit sila mom nabigla sa sinabi ni bes. Wala syang nababanggit na ganon samin, yun pala pilit niyang kinakalimutan ang bangungot na yun. “Boss. Hawak na daw nila si Romel, mabibigyan na natin ni hustisya si Jessi, tara na bago pa maka takas ang gagong yun.”biglang sabi ng babaen maikli dito at hinawakan sa kamay si Bes. “Leave it to me. Ako ang papatay sa demonyong yun. Gusto ko sa kamay ko mismo sya mamatay.”malamig na sabi ni bes at nagpahila na ng tuluyan. Naiwan kami dito. Hindi ako makapaniwala na ganon pinag daanan niya. May yumakap naman sakin. “Stop crying Bellie, kausapin nalang natin sya bukas”sabi ni Amara sakin. Niyakap ko sya pabalik at tumango tango. “S-si Ashleah? Pano sya? Okay lang ba sya hah? Baka mamaya mapano sya dahil sa tama nya sabalikat.”nagpapanic na sabi ni tita Tanya samin. Kaya napakalas kami ng yakap dito. Kitang kita kong sobrang nag aalala si tita Tanya kahit na naka masskara siya “Magtiwala lang po kayo kay Ash tita. Matapang na babae kaya yun.”sabi ni Bailey habang may onting ngiti sa labi. Pero makikita na nag aalala din sya para sa kaibigan namin. “No. Hindi ako mapapalagay hanggat hindi ko nalalaman kalagaya niya, malalim ang sugat niya sa balikat. Wala akong ginawa nanood lang ako kahit alam kong may gulong mangyayari, sana hindi sya tatamaan non. Sana.. sana”sabi ni tita at hindi na naituloy sasabihin niyakap naman agad siya ng mga anak niya. Napaiyak na si tita “Mom please stop it, don’t you ever blame your self. Its not your fault, lahat tayo nanood lang kanina at hinayaang magkagulo dito. Wag mong sisisihin sarili mo”sabi ni Aubrie. “Yah. Ate’s right mom, no one’s fault.”sabi ni Avia habang nakayakap din kay tita. “Tita don’t worry po, mamaya Tatawagan ko si Snow, aalamin ko kung ano kalagayan niya.”sabi ko sakanya habang nakangiti pinunasan ni Amara luha ko dito. “Hon let’s go na. Kahit ako nag aalala para sa bata. Bukas natin sya kamustahin sa ngayon kailangan na nating umuw baka kung ano pang mangyari ulit dito.”sabi ni tito Timothy. Tumango naman kami sakanya kaya naman nagsi labasan na kami dito at nagsi sakayan na sa mga kanya-kanya naming sasakbyan at bumiyahe na papunta sa bahay namin. Mabilis kaming nakarating sa bahay nagkanya-kanya na din kami dito papunta sa mga kwarto namin. Ayaw namin ding sagutin ni Snow ang tawag ko sakanya. Baka nagpapahinga na kaya naisipan ko bukas ko nalang sya kakausapin sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD