Aubriella POV.
Gising na kami ngayon, well andito na kami ngayon sa dinning area kumakain ng breakfast namin. Cereal lang kinakain ko kase yun ang sinabi ko kay mommy.
Hindi ako nakatulog na maayos dahil iniisip ko si Ashleah tsaka yung binalita kagabi na natagpuan mga katawan doon sa tabi ng isang tulay mga putol-putol ang katawan. Biglang pumasok sa isip ko non si Ash. Pasible kayang sya may gawa nito?
Pinilig ko ang ulo ko at nag focus nalang sapag kain na nasa harap ko ngayon. Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko si Ash, kamusta kaya sya? Nagamot kaya sugat niya? Papasok kaya sya ngayon?
Nang matapos kaming kumain ay nagsi akyatan na kami sa taas para mga magsi ligo syempre, papasok kami sa school eh malamang. Mabilisang ligo lang naman ang ginawa ko kase baka mabagalan sila sakin eh.
Nang okay na kami dito ay nag paalam na kami sa mga magulang namin at lumabas na kami ng bahay tapos nagsi sakayan na sa van namin papuntang school.
Maiingay sila habang nasa byahe kami, except samin nila kuya at mga kapatid ko. Nagbabasa lang kami ng libro habang may earpods. Mas gusto ko pang mag basa kesa makipag daldalan sa mga maiingay na to.
Nakarating naamn kami agad sa school namin, pinark na yung sasakyan namin kaya naman nagsi babaan na kami dito. Syempre mga nagtilian nanaman sila at masasabi kong ang sakit sa tenga.
“SNOW!”biglang sigaw ni Bellie kaya napatingin ako doon sa sinigaw niyang pangalan. At nakita ko nga si Ash nakatingin samin, may benda ang kaliwa nyang braso. Medyo nagulat sya at naglakad na ulit pero mabilis na.
“SNOW WAIT!”sigaw ulit ni Bellie at tumakbo na. Sumunod naman kami agad sakanya. Naabutan naman sya agad ni Bellie at hinawakan sa braso.
“Wait lang.”sabi ulit ni Bellie at pinaharap samin. Malamig na tingin ang ginawad samin ni Ash at tinanggal ang pagkakahawak sakanya ni Bellie.
“Leave me alone Bellie! From now on stay away from me.”sobrang lamig na sabi ni Ash na kinagulat ni Bellie, kahit ako nagulat pero hindi ko pinahalata. Naglakad na ulit sya. Pero pinigilan sya ulit ni Bellie.
“W-what? Why? Snow naman eh, hindi kita susundin! Please let’s talk, wag naman ganto.”sabi ni Bellie na nanggigilid na agad luha niya.
“There’s nothing to talk about us.”malamig na sabi ni Ash pumatak na luha ni Bellie.
“S-Snow. H-hindi ko kaya, please naman. Ano ba to hah? Tungkol ba to sa g**o kagabi kaya mo ko pinapalayo na sayo? T-tutulungan kita. Tutulungan ko kayong kalabanin sila. Please Snow please.”sabi ni Bellie at niyakap ng mahigpit si Ash don. Inalis naman agad yakap ni Bellie.
“Bellie stop it. Wag ka ng sumali pa, I can manage them. Gawin mo nalang sinabi ko ng walang gulo.”sabi ni Ash at aalis na sana pero pinigilan siya ni Bellie at sobra kaming nagulat ng biglang sampalin ni Bellie si Ash ng malakas at malutong.
“A-ano? Gising kana ba hah? Snow gumising ka nga! G-ganon-ganon nalang sayo yun? G-gaon ganon nalang pinagsamahan nating dalawa! Snow napapahamak ka dahil sa mga lintek na yun! Tignan mo nangyari sayo. Tinamaan ka ng dagger kagabi! Isipin mo naman sarili mo wag puro iba! Kapatid na din turing ko sayo eh. B-bakit naman kailangan pang humantong sa ganto hah? Kaya kong ibuwi buhay ko sayo para lang prote—.”naputol sinasabi ni Bellie ng sumabat na si Ash.
“Hindi ako papayag na gawin mo yun! Hindi mo kailangan ibuwis buhay mo para lang protektahan ako Bellie! Hindi ko kailangan gawin yun, kaya kong protekhan sarili ko. Ginagawa ko to dahil sa buhay na kinuha nila sakin! Namatay sya sa mismong harap ko, namatay sya ng dahil sakin. Kinuha nila sakin ang pinaka malapit sakin na tao”sabi ni Ash at tumulo na din yung luhang kanina niya pa pinipigilan. Hindi naman kami maka kibo dito.
“Higanti! Higanti ang gusto ko makamtam sa mga demonyong yun! Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko! Kulang pa ang ginawa ko sakanila. M-masakit. S-sobrang sakit, kase k-kahit napatay ko ang demonyong lalaking yun. H-hindi pa din ako masaya. K-kase hindi na maibabalik pa ang buhay na kinuha nila sakin. H-habang buhay ko dadalina ng sakin na yun Bellie. T-tapos sasabihin mo sakin kaya mong ibuwis buhay mo para lang sakin? H-hindi ako papayag don! H-hindi ako papayag na may mamatay nanaman ng dahil sakin. H-hindi ako papayag na idamay ka nila, ayokong p-pati ikaw mawala sakin eh. H-hindi ko kakayanin yun kaya sana initindihin mo ko.”sabi ni Ash na humihikbi na dito, wala naman na ding studyante dito kami nalang. Nasaktan naman ako don. Sakin kaya magiging ganyan din kaya sya sakin?
“S-Snow. Napatay mo naman na sila siba? Bakit gusto mong lumayo ako sayo? Hindi ko din kaya yun.”sabi ni Bellie at pinunasan luha niya.
“That’s enough nasabi ko na sayo ang gusto kong sabihin.”malamig na sabi ni Ash at pinunasan luha niya at naglakad na paalis samin dito. Napaluha nalang ulit si Bellie dito. Napansin ko agad na sa ibang direkyon naglalakad si Ash. Hindi ba sya papasok sa classroom? Naisipan kong sundan sya sa saan man sya pumunta.
“Pumunta na kayo ng classroom, may susundan lang ako.”malamig kong sabi sakanila habang nakatingin pa din kay Ash. At napag alaman kong sa garden sya pupunta.
“Sino?”sabay-sabay nilang sabi sakin. Pero hindi ko sila pinansin. Naglakad na ko nawala na din sa paningin namin si Ash. Tinatawag nila ko pero hindi ko sila pinapansin. Bahala sila dyan ayoko din naman pumasok ngayon eh.
Mabilis naman akong nakarating ng garden. Hinanap ng mata ko agad si Ash. Pero hindi ko sya makita, nang may bigla akonh narinig na hikbi kaya sinundan ko yun. At doon ko nga sya nakita may hawak hawak syang parang picture, lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya. Napatingin sya sakin at gulat ang reaction niya ng makita ako. Pinunasan nya agad luha niya at tinago yung hawak hawak niyang picture.
“W-What are you doing here? Leave, I know they gonna find you.”malamig niyang sabi sakin. Pero imbis na sagutin ko sya ay niyakap ko sya. Nagulat panga sya sa ginawa ko. Ako naman nakaramdam ng saya dahil sa wakas na yakap ko na sya. Mayagal ko na tong pinangarap eh. Basta malalaman nyo sa tamang panahon.
“I will be your shoulder. Ash”sabi ko sakanya. Naramdaman ko naman na onti onti niya kong niyayakap pabalik. Hanggang sa humigpit yun, kaya niyakap ko din sya ng mahigpit naramdaman ko din ang sunod sunod na patak sa balikat ko. Umiiyak na sya ulit.
“W-what I will should do? G-gulong g**o na ko. Hindi k-kona alam gagawin ko”sabi niya sakin habang humihikbi. Hindi ako magaling mag comfort at mag advice l. Ang kaya ko lang gawin ay yakapin dahil alam ko na kahit doon ay mababawasan ang mabigat nilang dinadala.
“Sundin mo ang sinasabi ng puso mo Ash, wag ang isip dahil maguguluhan ka talaga dyan. Hindi ko alam ang totoong kwento ng past mo. Pero Ash sana wag mong ipagtabuyan si Bellie, siya ang andyan para sayo diba? Bestfriend mo sya. May point naman sya kanina, ganon ganon nalang ba yun? Ganon mo nalang ba itatapon ang pinagsamahan nyong dalawa? Kahit ako nasaktan sa sinabi mo sakanya kanina. Ash wala kang sasandalan kung ipagtatabuyan mo si Bellie na andyan palagi sayo. Mag usap kayong dalawa sabihin mo sakanya lahat ng mabawasan ang naramdaman mo ngayon.”sabi ko sakanya habang hinahagod likod niya.
“I-iniisp ko lang naman kaligtasaj niya eh. A-alam ko. Alam kong kaya nyang protektahan sarili niya. P-pero hindi pa din ako mapalagay doon eh. A-ayoko lang naman maulit ang nangayri sakin ng dalawang taon nang nakakalipas. A-ayoko na pati sya mawala sakin. Na m-mamatay ng dahil sakin. H-hindi ko kakayanin yun.”sabi niya sakin para naman akong sinaksak ng libo-libong kutsilyo sa puso.
“Wag mong isipin yun Ash. Alam mo ba kaya nila ginagawa yun kase mahalaga ka sakanila. Mas gusto nilang protektahan ko. Sila ang may gusto non, wag mong isipin na kasalanan mo kung bakit sila namatay ng dahil sayo. Ang isipin mo kabayaran nila yun dahil sa magandang asal na pinapakita mo sakanila. We always here for you, we protect you to all cost. I’m here always for you. I’m your will always shoulder.”sabi ko sakanya. Kumalas naman kami sa yakap, pinunasan ko luha niya at kiniss sya sa noo, medyo nabigla sya ulit don.
“T-Thank you. Thank you A..”hindi na niya naituloy sasabihin niya. Kaya napatawa ako dito.
“Aubrie. I’m Aurbie”natatawang sabi ko sakanya. Nag pout naman siya kaya napatawa ako at pinisil pisnge niya.
“Thankyo Aubrie. Nakakalito kayo, bakit ba kase halos magkakamuka kayo kahit saang anggulo gigil nyoko.”sabi niya kaya napatawa ako ulit dito at kinurot pisnge niya.
“Marunong ka naman palang tumawa akala ko kase habang buhay kanang magiging taong yelo kagaya ng mga kapatid mo.” Sabi niya kaya lalo akong napatawa dito.
“Cold kami sa ibang tao at hindi namin close, pero sayo hindi na kami cold. Kase sabi mo samin uncomfortable ka sa presensya namin eh. Kaya gumawa kami ng paraan para hindi kana mailang pa samin and besides gusto ka namin maging close like Bellie”sabi ko sakanya ng nakangiti. Napatango naman sya sa sinabi ko.
“I want it to.”nakangiti niyang sabi sakin kaya napangiti ako ng malawak dahil sa sinabi niya
Nagkwentuhan pa kaming dalawa dito njg kung ano-ano. Halos hindi na nga kami nakahinga ng mabuti dahil sapag tatawanan naming dalawa dito eh hanep nayan.
Hindi na din namin namalayan na tanghali na pala. Nag enjoy kase kaming dalawa sapag dadaldalan dito kaya hindi na namin pa namalayan ang oras. Inabot na pala kami ng tanghali sapag kwekwentuhan dito king ina yan, pero wort it naman kase enjoy.