Tinignan pa ako ng maigi ni River na tila sinisigurado nito na hindi ako isang ilusyon. Inabot nito ang aking mukha— at doon kumabog ang aking dibdib. Hinaplos ni River ang aking pisngi. "Kung hindi ka totoo, talagang mawawala ako sa sarili," pag-amin niya. Natigilan ako sa sinabi nito at nakaramdam ng lungkot. Paano kung hindi ako bumalik sa mundong ito? Hindi ko magawang sabihin sakanya na hindi ko alam kung paano babalik. Sana ay may painting din sa kaharian o lagusan pabalik? Gusto ko pa siya masilayan. Gusto ko pang dugtungan kung anong meron kami. "Huwag mo ngang sabihin iyan..." Tanggi ko sa sinabi niya. "Hindi ako isang ilusyon. Ako ay totoo." Pilit ko pa. Alam kong mahirap paniwalaan ang mahika sa modernong panahon– tinawag niya ngang baliw ang sarili noong una at

