"Kung ganon, kahit anong kasuotan ng kababaehan sa lugar na ito ay hindi sila nababastos ng lalaki?" Tumango sa'kin si River. "May batas tungkol doon. Kahit kailan, hindi naging kasalanan ng babae iyon. Iyong suot nila ay hindi isang imbitasayon upang sila ay bastusin. Ang iba ay sinusuot iyon para sa sarili— pero hindi nila naging dahilan ang mabastos." Nasa dalampasigan pa rin kami ni River pero talagang ako'y nagugulat pa rin sa kasuotan ng mga taong nakapaligid sakin. Kahit pagabi na ay hindi pa rin sila natatakot para sa sarili nila. Napangiti ako. "Kung sa panahon namin iyan ay malamang, may nangyari ng masama sa isang babae. O titignan ka na parang kakaibang nilalang." "Ganon din naman dati," aniya sakin. "Sa pagdaan ng mga taon, nagkakaroon talaga ng pagbabago dahil sa teknolo

