Noong nasiguro ko ng nakaalis ang ama ni River ay mabilis akong bumaba. Nakaupo si River at tila malalim ang iniisip hanggang sa mapansin niya ako. "Saan ka pupunta?" Tanong nito. "Uhm..." Hindi ko rin alam. "Gusto ko sanang simulan na ang paghahanap ng paraan kung paano ako makakabalik." Tumayo si River. "Sasamahan kita." Bago pa siya makalapit sakin ay tumunog ang telepono nito. Tinignan niya ako at muling bumaba ang tingin sakanyang telepono. "Hindi mo kailangan sumama sa'kin kung ikaw ay maraming pinakakaabalahan." "I am not that busy. Hindi lang ako makakasama ngayon because I have meeting. Pwede after lunch..." Mahabang aniya. "Pwede bang i-atras mo? Mamaya na lang. Pwede naman kita samahan." Nagagalit ang ama nito dahil laging sumasama sakin si River. Siya ay isang abala

