"Hindi ako makakasama ngayon, Adelaide. Nagkaroon ng emergency meeting sa company." Iyan ang bungad sakin ni River pagkalabas ko ng silid. Tila inaabangan na ako nito sa labas upang makapagpaalam. Ngumiti ako sakanya. "Ayos lang iyon at naiintindihan ko. Pwede namang bukas o ako na lang." "Hindi pwedeng ikaw ang magdala ng limang milyon," putol nito sakin. Napanguso ako sa sinabi nito. "Bakit naman? Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan sa iyong salapi?" Ngumiti ito sakin at ginulo ang aking buhok. "Maraming pwede mangyari sayo pag may dala kang pera. Isa pa, baka samantalahin ka ng mga taong 'yon. I will look at the painting first before consider it buying," aniya. "Baka mamaya ay niloloko ka lang nila." Nginitian ko ito. "Galingan mo sa trabaho, River." "Tutuloy ka pa ba?" Tanong ni

