"No. That is not true at all. I don't know why she said those words to her but my girlfriend didn't do Klare wrong. Keep taking down those articles," si River sa hindi ko na naman maintindihan dahil ingles ang sinasabi nito.
Nakailang beses ng tumayo ang lalaki habang nag-uumagahan kami. Tinignan niya ako na parang humihingi ng tawad bago umupo.
"Tungkol ba ito sa nangyari kagabi?"
Ngumiti siya sakin sabay iling. "Iyong iba ay tinatanong ako tungkol doon, pero tungkol lang iyon sa trabaho ko. Hindi mo kailangan mag-alala."
Tinignan ko ng matagal ang lalaki. Hindi ko alam kung nagsisinungaling siya... Pero kasi, ilang beses ko na narinig ang pangalan ni Klare.
Mukhang hinahabol siya ng nangyari sa'min ni Klare kagabi.
"Patawad," sabi ko sakanya. "Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Klare iyon sakin kagabi—"
Hinawakan nito ang kamay ko kaya naman ay napahinto ako. "Hindi mo kailangan magpaliwanag. I know you didn't do anything wrong. Sigurado akong siya iyon."
Ngumuso ako. "Kung ganon ang tumatawag sayo ay hindi trabaho. Mga taong umuusisa ang tumawag sayo patungkol sa nangyari kagabi."
Kahit wikang ingles pa ang gamitin niya, nagkaroon ako ng hinala na ang nangyari kagabi ang problema dahil sa pagbanggit niya kay Klare sa bawat tawag.
Tumango si River. "Pero wala na iyon. Na-klaro ko na sakanila."
"Pasensya na sa gulong hatid nito sayo, River."
Umiling ito, inaalo ako. Akmang magsasalita pa ito pero nagulat ako noong bumukas ang matayog na pintuan ng kainan.
Inuluwa ng pintuan ang maraming lalaki na nakasuot ng itim. Na-alerto lahat ng tao sa paligid.
"River," tawag ni Mr. Serrano sakanyang anak.
"Hello po, Mr. Serrano!" Bati ko sa ama nito.
Hindi kagaya ng dati ang ngiti na ibinigay sakin ni Mr. Serrano kaya naman alinlangin kong tinignan si River na seryoso din ang titig sa sariling ama.
"What is this mess, River?" Iyon agad ang bungad sakanya ni Mr. Serrano. "I told you to not date cheap random girls because they will result to this!"
"Dad, don't be rude about Klare. I know what she did is wrong. I am taking actions for it already."
"You should take an action! Now people are wondering if you cheated!"
"You know that we broke up months ago," si River naman. "And you know I won't do that to Adelaide. She is innocent and pure for that sh!t."
Wala talaga akong maintindihan sa sinasabi nila– pero tinignan ako ni Mr. Serrano saglit sabay iling.
"Even she is not, you shouldn't do anything that will stir an issue. Tracy is enough as my headache." Si Mr. Serrano at umiiling pa.
Habang ako dito ay kinakabahan para kay River. Dahil ba ito sa nangyari kagabi.
"Kumusta ka, Adelaide?"
"Ako po ay ayos lang." Ngumiti ako pabalik. "Kayo po ba, sir?"
"Hindi maganda. May nangyari kay River at hindi maganda iyon sa imahe namin."
"Dad," banta ni River. "I am fixing it already."
Dahil sa nangyari ay natahimik ako at nakaramdam muli ng konsensya. Hindi naman mangyayari ang gulong ito kung wala ako dito.
"Tungkol ito sa nangyari kagabi, tama po?"
Tinignan ako ni Mr. Serrano at tumango sakin. "Oo, hija. Hindi talaga maganda ang kinalalabasan ng bagay-bagay lalo na kung masasali kayo sa gulo. Kaya iwasan niyo, ha?"
"Dad, this is not her fault."
"I am not accusing her. This is all your fault anyway. Fix it. This will be an annoying question to the senate meeting later."
Pagkatapos noon ay umalis na ang presidente ng Pilipinas sa harapan namin.
Tinignan ko si River. "Pasensya na sa nangyari. May pwede ba akong gawin?"
Nginitian lang ako ni River. "Wala. Kaya ko 'to."
Hindi niya kaya.
Noong dumating ang gabi, wala itong oras pagpasok pa lang ng bahay. Siya ay abala sakanyang telepono at mukhang may pinakikiusapan. Tunay akong nakokonsensya sa pangyayari.
Kung madali lang ito ayusin, bakit hanggang ngayon ay marami pa siyang kausap?
"Adelaide!" Tawag sakin ni Manang. "Hindi ka ba nagbukas ng TV ngayon?"
"Hindi po. Bakit? Anong mayroon?" Takang tanong ko. "Ano po bang nangyari?"
"Nako, hija! Iyong Klare ay sinisiraan ka sa telebisyon ngayon lang! Kaya pala hanggang ngayon ay busy ang boyfriend mo! Kontrabida na naman!"
Nanlaki ang mata ko sa balita at agad sinugod ang silid ni River. May kausap pa nga ito pagkabukas ko pero agad din niyang binaba noong makita ako.
"Hey, good evening. Hindi na kita nabati–"
"Uuwi na lang ako sa'min," iyon ang agad kong sinabi sakanya.
Natigilan ito– mukhang nalito at naghalo ang emosyon sa mukha niya.
"Anong sa'min? Saan?"
"Sa mundo kung saan ako nagmula," sabi ko sakanya.
Kumunot ang noo nito sa'kin. "Babalik ka na sa kaharian mo or whatever?"
"Oo, babalik na ako doon." Kahit hindi ko alam kung paano bumalik. Ayoko lang na magkaroon pa ng gulo...
Para hindi na ako makadagdag sa iisipin niya.
Kumunot ang noo nito. "Aalis ka na?"
"Oo—"
"Bakit ngayon mo lang sinabi na kaya mo naman palang umalis? Why did you act so lost?" Nagtiim ang bagang nito at sinamaan ako ng tingin. "Pinaglalaruan mo ba ako?"
Bigla akong nagtaka sa sinabi nito. "B-Bakit naman kita paglalaruan, River? Hindi!" Tanggi ko pa.
"Kung ganon, bakit hindi ka pa bumalik? Kailangan mo pa ako pahirapan pero all this time, alam mo naman pala kung paano bumalik?" Galit na tanong nito sakin.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito dahil masyado akong nasaktan. Para kasing sinasabi niya na... napilitan lang siya asikasuhin at alagaan ako.
"Pasensya na sa pag-abala... Hindi ko alam na... ganito ang mangyayari. Uuwi ako at hindi ka na guguluhin pa."
Padabog itong tumayo sa kinauupuan niya at galit na lumapit sakin. Hinila nito ang braso ko at galit na tinitigan.
"Alam mo pala kung paano umuwi, bakit hindi mo sinabi kaagad, Adelaide? Bakit pinatagal mo pa? To get attention? Power? O nagpapanggap ka talaga–"
Bahagya ko siyang tinulak palayo dahil masakit ang pagkakahawak nito.
"River, hindi ako nagpapanggap–"
"Eh ngayon nga, aalis ka na! Ginagago mo ba ako?!"
Napaatras ako sa pagiging agresibo nito. Anong nangyayari sakanya?