Ilang beses na akong nakapunta sa mga pagpupulong at piging. Ang dami ng tao ay kahit kailan hindi ko ikinatakot. Ang pakikipag-usap sakanila ay isa sa mga bagay na ikinatutuwa ko dahil naririnig ko ang iba't-ibang balita sa kaharian at hinaing nila. Nakikita ko ang mga problema na sinasabi ko sa aking ama.
May kalayaan sa piging.
Nakasakay kaming pareho ni River sa kotse. Hinigpitan ko ang hawak sa suot na kulay lila na bestida.
Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko sa piging na ito. Bukod sa iba lang ang mga tao sa nakagawian ko– wala namang bago. Piging pa rin ang pupuntahan ko.
Ngunit iyon ang punto, Adelaide! Lahat ng tao dito ay iba sa nakasanayan mo! Iba ka! Paano kung magkamali ako?
Lalo lang akong kinabahan sa sariling naisip.
Ipinatong ni River ang kamay niya sakin dahilan upang makuha nito ang atensyon ko. Tinignan ko siya.
"Kinakabahan ka," punto nito.
Tumango ako dito. "Paano kung magkamali ako doon? Iba ang tao sa ngayon, River." Nguso ko sakanya.
"Pero inaral naman natin lahat, Adelaide. Kaya mo 'to. Isa pa, hindi kita iiwan. I will stay by your side, okay?" Paninigurado nito sakin.
Hindi na ako nagsalita pero nanatili ang titig ko sa kamay naming dalawa. Hindi niya tinanggap ang hawak doon.
Ngayon tuloy ay nakakalito. Kumakabog ba ang dibdib ko dahil sa kaba, o dahil hawak niya ang kamay ko?
Napalunok ako noong huminto ang sasakyan sa tapat ng isang red carpet. Iyon daw ang tawag doon sabi ni River. Ang camera naman ay tawag sa mga bagay na biglang umiilaw.
Naunang lumabas si River. Natural na umingay ang paligid at pinagkakaguluhan siya.
Inabot niya ang kamay sakin mula sa labas.
"It's okay. Kaya mo 'to," alo pa ng lalaki sakin.
Huminga ako ng malalim. Kailangan ko lang umakto na tila parang prinsesa at okay na iyon. Iyon lang ang gagawin ko.
Sa pagsasalita lang ako mahuhuli– pero sabi ni River, ako ay may natural na etiquette na sobra pa nga sa mundo nila.
Pagkalabas ko ng sasakyan ay lalong umingay ang paligid at tinatawag ang pangalan ko.
Paano nila nalaman?
"Tinatawag nila ang pangalan mo for pictures. Natural na kilala ka ng kamihan dahil girlfriend kita."
Ah, tama. Ganon pala lahat ngayon. Dati ang pagkatao ko ay tago kahit isa akong prinsesa para sa seguridad.
"Miss Adelaide! Look here!"
"Dito naman!"
"Dito, Adelaide!"
Inabot ko ang gilid ni River upang bumulong. "Bakit sila sumisigaw?"
Nagiging agresibo na kasi sila. Hindi ko alam kung pangit ba ang suot ko o kung ano.
"Para makunan ka nila ng litrato," aniya. "Huwag mo na lang pansinin and ngumiti ka na lang kahit saan."
"Hindi ba dahil pangit ako tignan?"
Napahinto ito sa paglalakad. Ang haba na nga ng tatahakin namin upang mapunta sa dulo ng red carpet tapos huminto pa siya!
"Hindi ko ba nasabi sayo na ang ganda mo ngayong gabi?"
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko sa sinabi niya. Hala, ang lalaking ito! Alam talaga ang sasabihin!
"Good evening, Mr. River Serrano! I am so glad nandito ka ngayon at kasama pa ang girlfriend mo!"
Kinakabahan ako. Hindi pa rin talaga matanggal lalo na pag nakikipag-usap kami sa ibang tao!
Tuwing matatapos ang isang grupo ay may panibago na namang pupunta upang batiin si River. Hindi ko na nga mabilang sa kamay kung pang-ilan na itong kausap namin!
"Siya ang girlfriend mo? I heard she is from Korea that's why she cannot understand english well?"
Tumawa si River at tumango. "Yes, yes. Nahihirapan siya makaintindi ng english due to her culture but she can speak tagalog very well because her mother is a filipino."
Tinignan ako ng lalaki at napatango-tango pa. "That explains her soft features and lovely skin! Magandang gabi, hija! Ako si Mr. Valencia."
Mabilis kong inabot ang kamay nito bilang pagbati pabalik. "Magandang gabi din po. Adelaide Cosavelli po."
"So how is your business Mr. Valencia?" Singit ni River.
Hindi talaga ako nito pinagsasalita masyado at mabuti na lang ay talagang magaling siya kumuha ng atensyon!
"You have a lovely girlfriend here, Serrano! Even she is just standing beside you, she omit something graceful within her!"
Inabutan na naman ako ni River ng inumin kaya napainom na naman ako. Hindi naman ito alak pero matamis!
"Thank you for that Mrs. Hernando."
Ilang oras na ata ang lumipas at nauubos na ako sa pakikipagkilala sa iba't-ibang tao but River was still energetic!
Hindi na nga ako nagkamali– tinatawag na ako ng kalikasan sa dami ng pinainom sakin ni River kanina.
Kinalabit ko ang lalaki. Saglit niya akong nilingon dahil nga may kausap ito.
"Kailangan ko magtungo sa palikuran," bulong ko sakanya.
Napahinto ito. Mukhang kumplikado sakanya na umalis ngayon– kuha ko siya.
"Ako na lang—"
"Waiter, can you assist my girlfriend to the comfort room at ihatid rin pabalik sakin? Hindi niya kasi alam ang daan dito kaya..."
"Sure, sir."
"Ay si Mr. Serrano ay naging lover boy talaga oh! Magbabanyo lang ay talagang pinabantayan!"
"Sinabi mo pa! Tignan mo, nagtatagalog siya para magkaintindihan sila! I mean, River knows how to speak tagalog, but he use english as always!"
Mukhang inaasar si River ng matatandang babae—ngunit as usual, hindi na naman ako makasunod sa sinasabi nila.
Napangiti si River at tinignan ako.
"Pwede kang sumama sakanya. Don't worry, ligtas ka sakanya."
Tumango ako at sinunod ang sinabi ni River. Ngumiti ako sakanya at sa mga kausap nito bago ako tuluyang umalis.
"Maraming salamat po sa paghatid sir," pagpapasalamat ko bago tuluyang pumasok na sa palikuran.
Saglit lang iyon at lumabas din ako sa banyo at tinignan ang repleksyon ko.
Iba talaga ang pag-ayos sakin dito. Ang buhok ko ay nakataas kaya kitang-kita ang leeg ko na mayroong kwintas na makinang. Sabi ni River ay isa itong diamond. Hindi ko naman alam kung ano iyon.
May mga palamuti din sa buhok ko na perlas. Hindi ko alam kung paano nila napanatili ito sa buhok ko ngunit ang ganda!
"You're liking the atensyon huh?"
Napahinto ako sa pagtitig sa sarili noong marinig ang boses ni Klare.
"Klare..." Nakaramdam ako bigla ng takot kahit alam ko naman na hindi dapat.
Tinignan ako nito ng masama, nakatiim ang bagang niya sakin.
"Hindi ba sabi ko ay iwan mo na siya?!" Bulong nito ngunit may diin ang bawat salita.
Kitang-kita ko sa mata nito ang pagtangis at galit niya sakin.
"H-Hindi ko siya maiwan dahil nagpaliwanag din sakin si River. Matagal ng walang kayo–"
"Hindi iyon ang mahalaga! What is important is minsan kaming nagmahalan at kayo? You two are just fake! Gusto mo ba ipagkalat ko na nagpapanggap kayo para masira si River?!" Singhal nito sakin.
Nanlaki ang mata ko sa banta niya– hindi alam ang isasagot.
Pag nalaman ng tao na nagpapanggap kami... Masama iyon. Kilala si River.
"Ano? Hindi mo pa ba siya hihiwalayan?! Ipagkakalat ko talaga you fake!" Banta pa niya.
Natigalgal ako sa sinabi nito. "K-Klare, huwag naman ganon!"
Ngumisi ito sakin. "Kung ayaw mo ng ganon– umalis ka na. Hindi mo ba naalala ang buhay mo sa Korea? Pamilya mo? Bumalik ka sa pinanggalingan mo dahil obvious naman na hindi ka bagay dito! Hindi ka bagay kay River. Para kang aso na nakasunod lang sakanya. Tsk." Aniya at binangga ang balikat ko bago umalis.
"Are you okay?" Sinilip ni River ang mukha ko.
Nakaupo na kami ngayong dalawa at kumakain.
"Ayos lang naman ako," sagot ko na lang ulit.
Tumango-tango si River at muling bumalik sa pagkain. Habang ako naman ay inisip ang pinagsasabi ni Klare kanina.
Oo nga. Siguro dahil sa kakaibang mundo at bagong bagay– saglit kong nakalimutan ang totoong buhay na meron ako.
Ang mahal na hari at kaharian– ang buhay ko... Lahat ng iyon ay nakalimutan ko.
Ni hindi ko nga inisip kung paano ako babalik.
Ang ama ko... Panigurado ay nag-aalala siya sakin.
"May nangyari ba?" Si River na naman.
"Wala naman."
"Ang tahimik mo, hindi mo ba gusto iyong pagkain?" Tanong nito sakin.
Ngumuso ako at tinignan ang pagkain ko na ubos na. Nilingon ko siya.
"Ubos na nga. Bakit hindi ko magugustuhan?" Takang tanong ko dito.
Humagikgik ang lalaki. "Sorry. Tahimik ka masyado. Kung pagod ka na, gusto mo bang umuwi?"
"Hala, hindi na! Bakit naman uuwi?" Ngumiti ako sakanya. Alam kong marami pa siyang kakausapin at isa siya sa mga taong kailangan dito. "Ayos lang ako. Busog lang kaya hindi ako makapagsalita."
Tumango si River at muling itinuon ang tingin sa entablado kung saan may kumakanta.
Ilang saglit lang ay natapos na ang kalmadong parte ng piging at balik na naman sa pakikipag-usap sa iba't-ibang tao.
Ngunit ako, hindi na ako sumama kay River. Nanatili na lang ako upuan namin. Ayaw pa nga ako iwan ng lalaki ngunit kailangan!
Hindi ako tigadito. Oo nga, Adelaide. Kailangan mo umisip ng paraan upang makabalik sa buhay mo. Bakit hindi mo iniisip iyon?
Siguro dahil sa kakaibang kalayaan na hatid ng mundong ito.
Ngunit tama din si Klare... Hindi ako bagay dito.
Pakiramdam ko na ayos lang ako dito dahil nasa tabi ko si River. Ngunit paano kung mawala ang lalaki sa tabi ko?
Tinignan ko si River mula sa kalayuan. Iba ang mundo nating dalawa.
Isa pa ay pinagbabantaan din ako ni Klare na sisirain niya ang buhay ni River.
Siguro ang paglayo ko ay isa sa magandang hakbang upang mapanatili ang kapayapaan dito?
Tumayo ako noong mapansin na wala na akong maiinom. Dadalhan ko rin si River para pagbalik niya sa aming upuan ay meron siyang iinumin.
Kita ko naman kung saan ang kuhaan ng inumin. Mabilis ko lang nakuha ang dalawang baso pero nagulat ako paghakbang ko paharap ay nandoon si Klare!
Tumilapon sa'min ang inumin!
"Ano ba!? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!?" Sigaw nito sakin.
"P-Pasensya na! Hindi ko sinasadya ang nangyari!"
Hindi ko alam ang gagawin dahil hawak ko ang magkaparehong baso sa kamay. Masama ang titig sakin ni Klare.
"Ano? Hindi mo ba ako pupunasan? Sinasadya mo ba ito porket EX ako? Lagi mo na lang ako pinagbabantaan! Tapos na nga kami ni River!"
Nagulat ako sa pang-aakusa nito. Hindi ko alam kung saan niya nakuha lahat iyon!
Narinig ko pa ang pagsinghap ng ibang tao– na sa'min ang atensyon ng lahat!
"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo," mahinang sabi ko na lang.
Magsasalita pa sana si Klare ngunit mabilis na dumating si River at hinila ang braso ng babae.
"Klare!" Mahinang aniya. "Stop making a scene here. This is not a cheap party like what you do!"
"Cheap party?" Bulong nito. "Maybe I should tell that to you more. Saan mo ba nadampot ang babaeng 'to?" Bulong ni Klare ngunit rinig ko pa rin sakanya ang galit.
"Stop. Babayaran namin ang dress mo. Don't bother us."
"Bother? Akala mo ba hindi ko alam na nagpapanggap kayong dalawa?"
Tinitignan ko ang dalawa at bigla na lang ako naramdam ng lungkot. Ni hindi nga ako makasunod sa talakayan nila.
Nakakalungkot.
Hinila ako ni River at hindi ko alam kung paano natapos ang usapan nila.
"Hindi ko napansin na nandoon si Klare," paliwanang niya. "Pasensya na rin sa nangyari sayo..."
Ngumuso ako. Sa hindi malamang dahilan ay naiiyak ako.
"Umuwi na lang tayo," malamya na sabi ko sakanya sabay ngiti.
Agad siyang tumango sabay sunod sa sinabi ko. Tahimik ang naging buong biyahe pero paminsan ay kinakausap niya ako pero wala ako sa huwisyo.
Tahimik akong umakyat sa silid at doon tinignan ang sarili sa salamin.
"Adelaide, magpalit ka ha?" Aniya mula sa labas ng aking silid. "Tawagin mo ako kung may kailangan ka. Tsaka pag-usapan natin iyong nangyari kanina."
"Masusunod," sabi ko na lang ngunit wala talaga akong balak sundin siya.
Paano ako makakabalik sa tunay kong mundo? Hindi ko alam kung paano ito sisimulan. Kailangan ko ba hanapin ang mangkukulam na iyon?
Ngunit saan? Simula noong makarating ako dito ay hindi ko siya nakita!
Natatakot talaga dahil sa banta ni Klare patungkol kay River. Ayokong mangyari iyon.
At... hindi ako bagay dito.