PAGKATAPOS naming kumain ni Mia ay nagpasya na rin kaming bumalik na sa aming mga mesa. Dumiretso na ako sa office nang magtaka ako dahil may ilang mga lalaki na nagbuhat ng aking mesa, inilabas ng mga ito ang gamit ko as secretary ni Ninong sa office nito?
"Sandali lang, bakit inilabas ang secretary table?"
"Utos po ni sir ma'am na simula ngayon ay sa labas na po ng office ng CEO ang opisina niyo."
May munting kirot akong naramdaman sa narinig mula sa lalaking kaharap ko. As usual, hindi maitatanggi sa mukha ng lalaki ang paghanga base na rin sa reaksyon nito ng makita ako.
"Okay," sagot ko at inayos ang ilang gamit ko sa mesa. Naupo na lamang ako sa aking swivel chair at hinarap na ulit ang aking trabaho.
Alam kong nilalabanan lang ni Ninong ang nararamdaman para sa akin. Sino ba siya para balewalain ang isang diyosang katulad ko? Pasalamat siya at siya lang ang tanging lalaking nakakuha ng aking atensyon.
Mayamaya ay naramdaman ko ang presensiya ni Ninong Royce at nakiramdam lang ako. Gamit ang aking peripheral vision ay napansin kong nakatitig ito sa aking gawi. Lihim akong nakaramdam ng kilig kahit pa nga sabihing nasasaktan ako deep inside dahil sa biglang ginawa nitong nilipat ang aking mesa sa labas ng opisina nito.
"Nilipat ka?" Nag-angat ako ng tingin nang makita si Tita Kristine. Napasimangot agad ako. Lumapit si Tita sa akin at hinaplos ang aking buhok. "Sorry, Lorna. Royce is mine and you can't take him away from me. Hawak ko ang puso niya, darling."
"Hindi kayo bagay, ako ang para sa kanya," simpleng sagot ko.
"Well, tingnan lang natin," nakangiting bulong pa sa akin ng aking Tita Kristine. Naiwan akong nagngingitngit sa sobrang inis at gigil.
Makapangyarihang tao ang kanyang Tita Kristine at hindi ito basta-bastang kalaban. She can manipulate everyone. Ngunit ni sa hinagap ay hindi siya takot dito. Ipaglalaban niya si Royce, kaya lang naman ito dumikit sa mahal niyang si Royce ay upang kamkamin ang lahat ng meron ang lalaking kanyang minamahal. Kilala niya ang kanyang Tita Kristine. Gagamitin nito ang karisma at alindog makuha lang ang nais nito.
"Hindi ka kailanman magtatagumpay, Tita Kristine. Sana hindi naging bulag si Royce sa taglay mong pagpapanggap na bait-baitan para lamang makuha ang puso ng lalaking mahal mo. Gagawin ko ang lahat hindi ka lamang magtagumpay sa mga plano mong walang-kwenta." Bulong ko kasabay ng pagkuyom ng aking mga kamao.
I need to focus my work today. Hindi pa naman ako nangalahati. Ilang buwan lang naman ako rito. Kaya lulubusin ko na rin ang pang-aakit ko kay Ninong Royce.
Ilang oras na lang ay uwian na. Pagpatak ng alas onse ng gabi ay papasok ako sa isang sikat na bar bilang isang Star pole dancer na nakasuot ng pulang maskara habang nakasuot ng pulang-bikini. Bibigyan ko ng aliw ang ilang DOM sa lugar na iyon kung saan isa rin sa paboritong puntahan ng aking Ninong Royce. Nagtatago ako sa pangalan bilang si Medusa.
Pumasok lang naman ako sa bar na iyon dahil kay Ninong Royce. Yes, gano'n ako kabaliw kay Ninong Royce. Kung talagang mahal nito ang aking Tita Kristine hindi nito papasukin ang lugar ng aliw para lang panoorin si Medusa. Ilang beses din nitong tangkain na gustong ma i-kama si Medusa pero out of limit ako. Kailangan kong gawin iyon para gampanan ng maigi ang matinding pagpapanggap ko kahit na sabihing gustung-gusto kong ibigay ang sarili rito dahil iyon ang pangarap ko noon pa man.
"Ms. Monsanto, brewed coffee." Narinig ko ang baritonong boses ni Ninong gamit ang intercom. "Yes, sir. In a minute, please?"
Nagmamadaling tumayo ako mula sa aking swivel chair at tinungo ang kitchenette kung saan naroon pwede akong magtimpla ng coffee para kay Ninong Royce.
Siyempre, excited akong sundin ang utos nito dahil masisilayan ko na naman ang gwapo nitong mukha sa kabila ng ginawa nitong pagpapalabas sa mesa ko mula sa loob ng opisina nito. Wala naman akong magagawa since siya ang boss ko. Sino ba ako para tumutol, hindi ba?
Pagkatapos kong magtimpla ng brewed coffee ay nagmamadaling naglakad ako patungo sa pinto ng opisina ni Ninong Royce. Kumatok muna ako bago binuksan ang naturang pinto.
"Come in."
Nakagat ko ang pangibabang-labi nang marinig ang baritonong tinig nito. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. "Here's your coffee, sir."
"Ilapag mo nalang dito sa office table ko." Pansin kong nakatutok ang atensyon ni Ninong sa ilang mga papeles na nasa harapan nito.
"Gusto ko lang pong i-remind na may meeting po kayo today with Mr. Lee at exactly 3PM, sir."
Simpleng tango lang ang siyang sagot ni Ninong Royce sa akin saka ko inilapag ang isang tasa ng kape sa office table nito. Napakaseryoso nito habang pinipirmahan ang ilang mga papel na nasa harapan nito.
"Pwede ka ng umalis, cancel mo ang meeting ko kay Mr. Lee dahil may date kami ng fiancee ko."
Tila parang tinusok ng ilang libong karayom ang aking puso sa narinig mula kay Ninong Royce. Pero bakit hindi ko maramdaman na talagang mahal talaga nito ang aking Tita Kristine. Iba ang sinasabi ng isip ko, naggagamitan ang dalawa para lamang sa kapangyarihan.
Hindi man lang ba naisip ng mga ito ang salitang pag-ibig? Mas masarap parin kapag sentro ang pag-ibig sa dalawang taong tunay na nagmamahalan.
"Yes, sir." Tumalikod na ako saka lumabas ng opisina ni Ninong. Damang-dama ko ang bigat sa aking dibdib.
Matuling lumipas ang ilang oras ay uwian na. Nagmamadaling inayos ko ang aking mga gamit dahil kailangan ko pang puntahan ang aking maliit na flowershop. Kahit paano ay kumikita ito at masaya na ako sa konting kita mula roon.
Nagmamadaling naglakad na ako patungo sa kung nasaan ang aking kotse saka mabilis na pumasok sa loob nang sa wakas ay matagpuan ito. Pinaharurot ko kaagad ng takbo patungo sa aming bahay. As usual, hindi ko na naman naabutan ang aking mga magulang dahil nasa business trip daw ang mga ito.
Marami akong naririnig mula sa aming mga kasambahay na ampon lang daw ako ng mag-asawa lalo na at hindi Guerero ang gamit kong apelyido kundi Monsanto.