Naririnig ko ang malakas na sigaw ng ilang mga kalalakihan nang lumabas ako mula sa dressing room patungo sa mini stage. Lumapit sa pole at nagsimulang nakipaglambitin sa naturang pole.
Every eye in the room is locked on me, my movements a seductive command, a testament to my control.
Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng naturang bar at hinahanap ng aking mga mata si Ninong Royce. Nakaramdam ako ng panlulumo ng hindi ko ito makita sa grupo ng mga kasamahan nito. Pero hindi iyon naging dahilan upang hindi ko gawin ng maayos ang aking trabaho.
"Yes, Medusa baby... ganyan nga gumiling ka lang ng nakakaakit at talagang binuhuhay mo ang natutulog naming mga diwa!" Sigaw ng isang matandang DOM.
Napasulyap ako sa orasan, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang aking puso. Alam kong pupunta ngayon si Ninong.
Nang sa muli kong pagsulyap sa naturang orasan ay eksaktong pumatak ito ng alas dose y medya ng madaling-araw. Alas diyes ng gabi ako dumating dito hanggang sa hinintay kung matapos ang unang mananayaw kanina ng pole dance hanggang sa ako na nga ang sumalang at sa oras na ito ay hindi ko inaasahan na biglang dumating ang taong inaasahan kong makita.
"Ninong Royce..." Tila bulong ko sa hangin at mas lalong ginalingan pa ang nakakaakit na paggiling ng aking seksing balakang. Hindi nga ako nagkamali at titig na titig na naman sa aking alindog ang lalaking tinatangi. Yes, gamit ang katauhan bilang si Medusa ay aakitin ko si Ninong hanggang sa mangyari ang nais ko.
Mula sa entablado ay naglakad ako at bumaba palapit kay Ninong. Awtomatikong nakasunod agad sa aking ang tatlong bouncer na akala mo'y mga wrestlers sa laki ng katawan ng mga ito. Sila ang nagsisilbing proteksyon ko para hindi lapitan ng mga lasing na DOM. Mostly kasi mga DOM ang aggressive.
Malaya kong napagmasdan ang gwapong mukha ng aking Ninong Royce. "You miss me, my lady?" Nakangiting tanong pa nito sa akin. Hindi ko siya sinagot at mas lalong pinalambot pa ang katawan at inakit ng matindi sa pamamagitan ng aking nakakaakit na sayaw.
"Woooh... Medusa, Medusa, Medusa!"
"Grabe, chikababes!"
"Ang sarap mo!"
Ang ilang mga sigaw na narinig ko mula sa ilang mga customers ng naturang bar.
"Bakit nga ba gustung-gusto kong pumunta rito ng dahil sa'yo, Medusa?"
"Hmmm... it's for you to discover, sir."
Walang-sabing pahapyaw kong hinaplos ang kabilang-pisngi ni Ninong Royce kasabay ng malakas na sigawan ng ilang mga kalalakihan. Dàmn, naramdaman ko kaagad ang kakaibang kuryente na nanulay sa aking mga ugat patungo sa nagliliyab kong pagnanasa. What the!
Akmang tatanggalin ko na sana ang aking kamay nang walang-gatol nitong maagap na hinawakan iyon hindi ko napigilan ang gulat kasabay ng aking pagsinghap. Hindi ko inaasahan na gagawin ni Ninong iyon.
"Ang lambot ng mga palad mo, Medusa. Bakit ba hindi mo pa pagbigyan ang hiling ko na ma-i-kama ka kahit isang gabi lang?"
"Sumasayaw lang ako rito, sir."
"Kaya kong bilhin ang pagkatao mo aliwin mo lamang ako ngayong gabi." Nakakatuliro ang boses ni Ninong Royce, huli ka balbon. Sinasabi ko na nga ba at hindi ito na satisfied ni Tita Khristine.
"Nakakaakit ang offer mo pero hindi ko ipinagbibili ang puri ko kundi ang gawin ang trabaho ko," sagot ko na sadyang iniba pa ang boses para hindi nito mahalata na ako at Medusa ay iisa.
Napalunok ako nang walang-gatol na hinapit ni Ninong ang aking maliit na bewang palapit sa matipuno nitong katawan kasabay ng pagsenyas ng ilang bouncers na ngayo'y handang gampanan ang trabaho ng mga ito.
"Pasensiya na sir pero hindi pwedeng i-table si Ms. Medusa."
"I'm so sorry, pero iyon ang totoo, Mr."
"Royce, call me that name, baby." Sumilay ang mapang-akit na ngiti sa mga labi ni Ninong. "Alam mo bang pamilyar sa akin ang mga mata mo? You remind me of someone."
Ako ba ang someone na tinutukoy niya? "Someone, who?"
"The one who annoyed me everytime I saw her face."
Pinipigilan ko ang sarili na huwag umirap dito dahil klarung-klaro namang ako ang tinutukoy nito.
Akmang tatanggalin na sana ng ilang bouncers ang kabilang-bisig ni Ninong nang sumenyas ako sa mga ito at nanatiling naghintay ng hudyat ko.
"So you like it, huh?" Nakakakiliti ang init ng hininga ni Ninong Royce na ngayo'y tumatama sa aking pisngi. Hindi parin tumitigil ang ilang hiyawan ng ilang mga kalalakihan sa naging interaksyon namin ni Ninong Royce. Hindi ko maipagkakaila ang init na kanina pa nitong binuhuhay.
Talaga namang sobrang høt ni Ninong sa suot nitong business suit. Gamit ang aking daliri ay pinaglalaruan ko ang suot nitong necktie. "Halatang galing ka yata sa opisina at sumaglit dito?"
"Yes, actually ka date ko ang aking fiancee kanina and we did the hót steamy scene pero hindi ako satisfied sa kanya, we did everything for business and I need her for my own benefits."
Hindi ko napigilan ang sarili at humigpit ang hawak ko sa necktie nito, sinasabi ko na nga ba at may nangyari nga sa dalawa, well, I'm happy dahil hindi satisfied si Ninong sa performance ng aking malanding Tita.
Hindi ko akalaing totoo nga ang sinasabi ng kaibigang kong si Susan na womanizer itong si Ninong Royce.
Ngayon ko lang napatunayan ang tunay nitong pakay sa akin bilang si Medusa kundi ang matikman din ako nito, dàmn it, nainsulto ako sa sinabi nito, so he likes me para gawing parausan sa gabing ito? No way! I will touch myself nalang sabi nga ng artistang si Maris Racal. Ugh!
"Hindi ko akalaing malapit ka na palang ikasal. Kung gano'n ay magbago ka na sa ugali mong may pagkababaero."
"I'm not, sa lahat ng babae ikaw lang ang bukod-tangi na umagaw sa atensyon ko, Medusa. Sana pagbigyan mo ako sa gabing ito at huwag ng magpakipot pa sa nais ko."
"Tsk, I have to go, sir," ani ko at walang-sabing marahas na inalis ang isang bisig ni Ninong Royce mula sa aking maliit na bewang at mabilis itong tinalikuran.
Bullsh-t! Malakas na mura ng aking isipan. Halos takbuhin ng aking mga paa ang dressing room.