Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng dressing room. Pumasok pala si Manay Earl. "Kaloka ka talaga, Medusa. Alam mo bang bilyonaryo iyong si Mr. Sy? Naku, kung ako sa'yo i-grab ko na ang gusto niya. Teka, ano bang offer. niya sa'yo?" "Alam mong hindi ko ginagawa ang ilang mga offer na sinabi ko na sa'yo, Manay Earl." "Pero sayang din naman iyon, t'saka malaking pera ang papasok sa'yo kapag tinanggap mo ang alok niya." Palibhasay walang kaalam-alam si Manay Earl sa totoo kong pagkatao, pumasok ako sa bar na ito na walang ipinasa na mga dokumento basta na lamang akong tinanggap since nasa akin ang kagandahan at alindog na hinahanap nila. Dahil lang naman sa akin kaya dinumog ang bar na ito ng mga mayayamang DOM. Hindi naman nagtagal si Manay Earl at lumabas na rin ito ng aking dr

