Nakatitig ako sa pinto at nagdadalawang isip na pumasok doon. Para kasing may ‘di tamang mangyayari oras na pumasok ako sa loob ng bahay.
Iyon bang pakiramdam ko’y para akong nahuli sa akto sa aking mga nagawang kasalanan kung kaya sisentensiyahan ako.
“What’s wrong?” tanong ni Jordan.
Napulunok laway ako nang marinig ang kaniyang malalim na boses. Para bang nang-aakit ang tono niyon.
Ang totoong dahilan nang pagkatulala ko ay nag-aalangan akong pumasok sa loob ng bahay na kasama siya.
Ito kasi ang unang beses na makikita kaming dalawa ng magulang ko na magkasama at tiyak na malaking isyu iyon.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko kasunod ng lihim na paninisi sa aking sarili. “Kung bakit kasi pumayag pa akong ihatid niya rito sa bahay.”
Mabilis akong luminga sa paligid para tingnan kung may ibang taong naroon at ng matiyak ko naman wala ay matapang akong bumaling sa kaniya.
“Sa palagay ko ay saka mo na lamang kausapin si Daddy,” aniko.
“Why?” Nag-isahang linya ang mga guhit sa kaniyang noo.
“K-kinakabahan kasi ako,” matapat kong tugon.
Tumawa siya.
Iyong tawang kaming dalawa lamang ang nakakarinig pero ramdam ko ang malakas na tama sa’kin.
Ngumuso ako dahil sa pakiramdam ko ay pinagtitripan niya ako.
Ngumiti siya at kapagkuwa’y taimtim na tumitig sa’kin. Titig na kulang na lamang ay malaglag ang suot kong panty lalo’t ang sarap ng ngiti sa kaniyang labi.
Para bang walang kapantay ang ngiti niyang iyon dahil kumikislap pati ang kaniyang mga matang nakatitig sa’kin.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maintindihan.
Tumitib0k ng mabilis ang puso ko at bigla akong hindi naging komportable na kasama siya.
Gosh! Ba’t ko ba nararamdaman ‘to?!
Masyado na yata akong OA dahil kahit iwasan kong madako ang tingin ko sa kaniya ay nakikita ko pa rin siyang nakangiti.
“You're trembling, Honey!” Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang kaniyang salita.
Ramdam ba niyang hindi ako okay?
Nakakunot-noo ko siyang binalingan at muli kong nakita ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.
Shocks! Pa-fall si Jordan. Feeling yata niya ay mahuhulog ako sa kaniyang ngiti.
“Ano kayang nakakatawa?” bulong ko sa sarili saka sinimangutan ko siya at inirapan.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. Kung akala niya ay uubra sa’kin ang kaniyang kagwapuhan... pwes, nagkakamali siya ng akala!
Hindi niya ako mabubudol!
“Sinungaling! Ibinigay mo nga sa kaniya ang virginity mo!” asik ng maliit na tinig sa aking isipan.
Natigilan ako at saka dahan-dahang ibinaling sa may pintuan ang aking tingin.
Kahit gwapo si Jordan ay hindi pa rin ako dapat mahulog sa kaniya dahil wala siyang ikinaiba kay Ryan na tanging sèx lamang ang habol sa mga babae.
“Tara nang pumasok sa loob bago pa tayo makita ng mommy at daddy mo sa CCTV,” seryoso na ang tono ng boses ni Jordan nang magsalita.
Napahinga ako ng malalim at muling kinabahan dahil sa naisip na marami nga palang CCTV na nakapalibot sa aming bahay.
Humugot pa muna ako ng malalim na buntonghininga at saka humarap sa kaniya.
“Pakiusap, huwag mo sanang sabihin sa kanila ang anumang ugnayan nating dalawa.”
“And why?” Kung kanina ay nagagawa niyang ngumiti, ngayon naman ay tila kakainin ako ng kaniyang seryosong anyo.
Muli akong huminga ng malalim saka hinawakan ang mga kamay niyang tinabig ko kanina.
“Please, Jordan!” Pagsusumamo ko sa kaniya.
“What if, hindi ko sundin ang gusto mo?” seryoso niyang tanong sa akin.
“I’ll do whatever you want.”
“You’ll do whatever I want?” Pag-uulit niya sa aking sinabi.
“Yes!” ‘Di ko na inisip pa ang magiging consequences ng sagot kong iyon.
“Okay!” Matapos bigkasin ang salitang iyon ay kaniya nang pinihit pabukas ang seradura ng pintuan.
Malakas na kumabog ang dibdib ko nang makita sina mommy at daddy na kapwa nakaupo sa mahabang sofa. Tila alam na alam nilang kami ni Jordan ang papasok sa may pintuan.
“Hi, Dad!” nakangiting bati ko sa ama at saka agad na lumapit sa kinauupuan nito upang magmano.
“Hello, Mom!” Humalik naman ako sa aking ina matapos ko siyang batiin.
“Nagkape na ba kayo?” tanong sa’kin ni daddy pero ang kaniyang mga mata ay nakatutok naman kay Jordan.
“Yes, Tito!” Nagmano si Jordan kay daddy at gayundin kay mommy.
Pakiramdam ko ay ako lang ang medyo tensiyonado sa sitwasyon o baka naman praning lang talaga ako.
“Salamat Jordan at sinamahan mo si Jela na umuwi. Pasensiya ka na kung inaabala ka pa niya.” Paumanhin ni mommy sa katabi ko.
“Wala pong anuman, Tita. Sakto lang sa trabaho ko,” tugon naman ni Jordan.
Sumenyas si daddy na umupo kami sa kaharap na upuan kung kaya sinunod ko iyon. Umupo rin si Jordan sa aking tabi dahilan para lalong maragdagan ang kaba sa aking dibdib.
“Kumusta na ang trabaho mo, Jela?” tanong sa akin ni daddy.
“M-mabuti po,” utal kong tugon.
“Ang sabi ng daddy mo ay gusto mo raw pumasok sa kumpanya nila ng Tito Benjie mo. Ayaw mo na ba sa iyong trabaho?” tanong sa’kin ni mommy.
“Hindi po sa ganoon Mom, sa simula pa lamang ay mahal ko na ang trabahong meron ako.” Matiim akong tumingin kina mommy at daddy. “Gusto ko lang sanang magtrabaho sa kumpanya ni daddy dahil gusto ko rin pamunuan iyon.”
“Pero alam mo namang ‘di iyan maaari dahil isa kang babae. Alam mo rin kung gaano kadelikado ang pag-handle sa kumpanyang iyon,” salaysay ni mommy.
“Dahil po ba sa isa akong babae kaya wala akong karapatang maging bahagi ng kumpanya?” malungkot kong tanong sa aking ina.
“Hindi.” Nabaling ang tingin ko kay daddy na siyang nagsalita. “Hindi dahil sa isa kang babae kaya ayaw kong pahintulutan kang pamahalaan ang kumpanya.”
Malungkot kong ibinaba ang tingin ko sa may sahig. Gusto ko man ipilit ang aking nais, alam ko namang hindi maaari.
“Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa iyo noong sinabi mong gustong-gusto mong hawakan ang kumpanya?” Tumango ako bilang pagtugon sa katanungan ng aking ama.
“Iyon pa rin ang nais kong gawin mo, Jela. Kapag nabigyan mo na kami ng apo ng mommy mo ay hahayaan din kita sa kumpanya. Bahala ka kung anuman ang nais mong gawin doon!” matigas na sabi ni daddy.
“Pero Dad, sino naman ang aasawahin ko? Ni boyfriend nga po wala ako,” tugon ko.
“Wala nga ba, Jela?” Napalunok laway ako nang matiim na tumitig sa’kin si daddy.
Wala naman sa hangarin kong maging ina, pero iyon pa talaga ang gustong mangyari sa akin ng ama ko.
Dahil sa kawalan nang maisasagot ay ibinaling ko ang tingin ko kay Jordan. Humingi ako sa kaniya ng saklolo at gaya ng aming napagkasunduan, dapat lang na saklolohan niya ako.
“Tito kung inyo pong mamarapatin ay hayaan mo po sanang personal kong samahan si Jela na pamahalaan ang kumpanya ninyo.” Napaawang ang labi ko sa winikang iyon ni Jordan.
Wala sa usapan naming dalawa ang samahan niya ako sa kumpanya. Ang tanging kasunduan lang namin ay gagawa siya ng paraan na makapasok ako sa kumpanya ng aking ama.
“Matagal ko nang kakilala ang iyong mga magulang at malaki rin ang tiwala ko sa iyo. Pero huwag naman sana tayong umabot sa puntong ang tiwala kong iyon ay masisira lamang ng dahil sa relasyon ninyong dalawa ng aking anak,” seryosong wika ni daddy.
“Dad!” tawag ko sa ama na tumingin lamang sa’kin.
“Hindi ko po boyfriend si Jordan!” mariin kong dagdag sa aking sinabi.
“Hindi ko hahayaang masira ang tiwala ninyo sa'kin. Tanging pakiusap ko lang ay pagbigyan ninyo ang hiling ni Jela at nang maipakita niya rin sa inyo ang kaniyang nais patunayan.” Nilingon ko si Jordan na seryosong nakatingin sa aking ama.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni daddy na kapwa wala ng iba pang sinasabing anumang salita dahil parang ang mga mata na lamang nila ang tanging nag-uusap.
“Imbes na apo ang hingiin mo sa ating anak, hayaan mo na lamang samahan siya ni Jordan sa kumpanya.” Natuon kay mommy ang aking paningin.
“No, Mom! No!” puno ng panggigilalas kong sambit.
“Make a choice, Jela. You give us a grandchild or you choose Jordan as colleague?” nakangiting tanong sa’kin ni mommy.
Ba’t gano’n? Bakit pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako?