Mainit ang ulo ko nang pumasok sa trabaho. Halos wala akong ginalaw sa mga folder na nakatambak sa ibabaw ng lamesa ko.
Nagmumukmok lang ako habang iniisip pa rin ang mga pinag-usapan namin nila daddy.
Pakiramdam ko talaga ay aping-api ako sa gusto nilang maging kapalit nang pagpasok ko sa sarili nilang kumpanya.
“Aah!” Sa sobrang inis ko ay inihagis ko ang wood stand sa may pinto.
Bigla naman iyong bumukas at iniluwa si Jordan. Ang lalaking kinaiinisan ko!
“Ano na namang ginagawa mo rito?!” singhal ko sa kaniya.
“Sayang naman iyang ganda mo kung palagi ka na lamang sisimangot sa tuwing makikita ako,” turan niya.
Nanliliit ang mga matang tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka malalaki ang mga hakbang kong nilapitan siya.
“I hate you!” Pinaghahampas ko siya sa kaniyang dibdib.
Hindi ko alam kung taong bato ba siya na walang pakiramdam. Hindi niya man lang alintana ang sakit nang paghampas ko.
“Wala sa usapan natin na sasamahan mo ako sa kumpanya!” galit na galit kong saad habang tuloy lang sa paghampas.
“Sa palagay mo ba papayag ang daddy mo kung hindi ko gagawin ‘yon?” kalmado niyang tanong.
“I hate you! I hate you!” Paulit-ulit ko pa rin siyang pinaghahampas kahit pa nga hindi naman siya naapektuhan sa aking ginagawa.
Ang paghampas kong ‘yon ay parang balewala lamang dahil hindi man lang siya natinag. ‘Di man lamang siya napaatras.
Malakas na singhap ang kumawala sa bibig ko nang hapitin ng kaniyang braso ang aking baywang.
“Jordan!” natitilihan kong bulalas.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang dumampi ang kaniyang hininga sa aking pisngi. Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi sabay lapit ng mukha niya sa aking mukha.
“Lumayo ka nga sa’kin!” singhal ko para pagtakpan ang ingay na nililikha nang malakas na pagkabog ng puso ko.
“I can't do that kahit sumigaw ka pa!” Hinawi ng daliri niya ang ilang hibla ng buhok ko na nagkalat sa aking pisngi.
“Let go!” mariin kong sabi sabay tulak sa kaniyang dibdib.
“I won't.” Nagtagpo ang mga labi namin nang siilin niya ako ng halik sa aking labi.
Namalayan ko na lamang ang pag-ungol ko sa loob ng kaniyang bibig dahil sa matinding pagnanais ng malalim na paggalugad ng labi niya sa aking labi.
Kapwa kami naglalabas ng matinding init mula sa aming mga katawan at sa biglang paggalaw niya ay tinutugon ko na siya ayon sa sariling kagustuhan.
Bihag ako ng aming halikan at tunay na nakakawala ng ulirat. Ang mga mata namin ay nag-uugnay sa pagtitig sa isa’t isa at kapwa nag-uusap na tumatagos din sa aking kaluluwa.
Nagkarambulan ang mga emosyong nagbigay kaguluhan sa’king kalooban. Isang unos na nagdulot ng pangamba. Nadarama ko ang kaniyang pagnanais na may mamagitan sa aming dalawa.
Iyon ay dahil sa ipinahahayag ng kaniyang katawang panay ang hampas sa aking katawan.
“You said you'll do anything I want.” Mapang-akit ang kaniyang tinig nang sabihin iyon.
“Jordan...” Dumaragdag sa matinding intensidad ng aking katawan ang init ng kaniyang hininga.
Siniil niya ng halik ang labi ko at saka mapusok na iginalaw ang kaniyang ibabang bahagi ng katawan upang ihampas sa aking katawan.
“I want you.” Malambing ang kaniyang tinig na nagpapadarang sa’king pakiramdam.
Gumapang ang kaniyang labi sa aking pisngi na nagbigay kiliti sa buo kong katawan.
Lunod na lunod na ako sa sensasyong ipinaparamdam niya sa akin kaya hindi ko na naalala pang nasa loob kami ng opisina.
Abalang-abala pa ako sa pagtugon sa kaniyang ginagawa nang pumasok sa nakabukas na pintuan ang kaniyang ama’t ina.
“Jordan! Anong ibig sabihin nito?!”
Daig ko pa ang natuklaw ng ahas at hindi na malaman kung paano kikilos dahil sa itsura namin ni Jordan.
“Mommy anong ginagawa niyo rito ni Daddy? Hindi po ba bukas pa ang uwi ninyo mula Singapore?” Tinakpan ako ni Jordan ng kaniyang katawan.
Natauhan ako sa ginawi niyang iyon kaya mabilis kong inayos ang aking sariling kasuotan.
“Gusto kasing bisitahin ng mommy mo si Jela dahil ibibigay niya ang mga biniling pasalubong para rito,” nakangiting tugon ni Tito CJ.
Pakiramdam ko’y may pang-aasar sa ngiting iyon ng ama ni Jordan kung kaya nahihiyang iniyuko ko ang aking ulo.
“Jela, are you okay?” ‘Di ko magawang salubungin ang mga titig ni Tita Jona sa akin.
‘Di ko alam kung paano siya mabilis na nakalapit sa’kin. Ang tanging nais ko lang gawin sa ngayon ay bigla na lamang akong mawala sa kanilang harapan.
“Hina-harass ka ba ng anak ko?” Muli pang tanong sa’kin ni Tita Jona.
“Mommy!” saway ni Jordan sa kaniyang ina.
Dahil sa tanong na ‘yon ni Tita Jona ay napilitan akong mag-angat ng tingin para pabulaanan ang kaniyang salita.
“N-nagkakamali po kayo tita,” kandautal kong wika.
“May relasyon ba kayong dalawa?” Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
“Ha? Hindi. Ano po kasi...” Hindi ko malaman kung paano pabubulaanan ang kaniyang mga sinabi gayong naabutan nila kami ni Jordan na naghahalikan.
“Baby masyado mong binubuking ang mga bata. Hindi ba pwedeng hintayin mo na lamang silang magsabi ng kusa sa atin?” Natuon ang paningin ko kay Tito CJ.
Sa sandaling ito ay hinihiling ko nang bumuka ang sahig at bigla akong kainin niyon. Namumula na ang magkabilaang pisngi ko at ramdam ko iyon dahil sa pag-iinit niyon.
Nakikita ko sa klase ng ngiti ni Tito CJ ang pambubuska at siguradong aabot kay daddy ang kanilang nasaksihan.
“I’m happy!” Napapitlag ako nang hawakan ni Tita Jona ang mga kamay ko. “Noon pa man ay gustong-gusto na kita para kay Jordan.”
Hindi ko naiwasang mapaawang ang aking labi. Hindi ako ganoon ka-close kay Jordan para kaniya iyong sabihin.
Ang tanging kasundo ko lamang sa mga anak niya ay ang kambal na sina Joross, Jonas at si Kuya Aldrin.
Mas malapit ako sa huli dahil madalas ito pumunta sa foundation. Crush ko kaya siya!
“Mommy pwede po bang umuwi na kayo ni Daddy? Sa bahay mo na lang ako interview-hin.” Tinig ni Jordan ang nagpabalik sa nalilipad kong diwa.
“Pinapaalis mo na kami?” Napangiwi ako sa mataray na tinig ni Tita Jona.
“Please?” Pakiusap pa ni Jordan.
“Baby iwanan na natin ang mga bata at kinakailangan nila ng privacy. Let's just pretend na lang na wala tayong nakita sa kanilang dalawa.”
“Kailangan mong magpaliwanag sa akin mamaya!” Pinandilatan ni Tita Jona ng kaniyang mga mata si Jordan.
“I love you, Mommy!” sagot naman ng huli.
Hindi ko siya kinakitaan ng takot sa pagsagot sa kaniyang ina, bagkus ay naroon pa rin ang lambing niya.
Nangingiti namang tinapik ni Tito CJ si Jordan sa balikat at saka lumapit sa kaniyang asawa upang alalayan ito.
Katulad ni daddy ay nababanaag ko rin sa mga mata ni Tito CJ ang kaniyang labis na pagmamahal para kay Tita Jona.
Pagmamahal na hinahangad ko rin matagpuan sa lalaking itinadhanang makasama ko habangbuhay.