One week din kaming nag-stay rito sa Mindoro ni Jordan para sa aming honeymoon. Ang pagpunta ng Europe ay saka na lamang namin gagawin kapag may oras pa kaming lumabas ng bansa. Sa ilang araw ko siyang nakasama ay naging masaya kami lalo na sa tuwing nagkukulong kami sa loob ng silid na aming inookupa. Sinulit namin ang aming honeymoon, kaya naman panigurado akong buo na ang parte ng katawan ng aming anak sa loob ng sinapupunan ko. Si Jordan, isang putok isang buong sanggol ang katumbas. Ehe! Bawat pinupuntahan naming lugar ay parati rin kaming may binibiling mga bagay na pwedeng maipasalubong sa aming pamilya. Game na game siya sa mga nais kong bilhin at hindi siya nagrereklamo sa dami ng mga pinamimili ko. Barya lang kasi sa kaniya ang halaga ng mga iyon! “Masyado ng marami

