Kung sa kama’y nakakapag-isip ako ng matino para pigilan si Jordan, dito sa harap ng magulang ko ay tameme na ako.
Kagaya ng aking inaasahan, mabilis niyang napapayag ang ama ko sa kasalang kaniyang ninanais.
“Bukas ay mamamanhikan na kami para po pormal na hingian ang kamay ni Jela,” imporma pa ni Jordan sa’king ama’t ina.
“Bukas agad?!” eksaherada kong bulalas.
“May problema ba?” tanong naman ni mommy.
“Mom. Dad. Pwede po bang mag-usap muna kami ni Jordan?” paalam ko sa aking mga magulang.
“Pwede naman anak. Gusto mo bang umalis muna kami ng daddy mo?” Si mommy ang tumugon.
“Hindi niyo na po need umalis dahil kami na lang ang aalis.”
Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka lumapit sa aking ama’t ina. Humalik ako sa kanila at saka nilapitan ko si Jordan upang hilahin sa kaniyang kamay.
“What’s wrong?” tanong niya habang naglalakad kami.
Hinarap ko siya paglabas na paglabas pa lang namin ng pintuan. “Magkape muna tayo!”
“Hindi ba’t katatapos lang natin uminom ng kape?” maang niyang tanong.
“Magkakape ulit tayo!” mataray kong tugon sabay lakad palapit sa kaniyang sasakyan.
Alam kong hindi niya ni-lock ang pintuan ng sasakyan dahil nakita ko kanina. Pabalagbag kong binuksan ang pintuan sabay bagsak pasara.
“Sakay na!” sigaw ko ng ‘di pa rin siya kumikilos mula sa pagkakatayo.
Lihim akong napangiti sa kaniyang anyo. Wala pa man ay nakikini-kinita ko na ang under de sayang asawa na si Jordan.
Pagsakay niya sa may driver seat ay agad kong pinindot ang button upang mag-lock ang mga pinto ng sasakyan.
Alam kong tinted ang mga salamin ng kaniyang sasakyan kaya lumipat ako sa ibabaw ng kaniyang kandungan.
“J-Jela!” Banaag ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha habang titig na titig sa akin ang kaniyang mga mata.
“Drive!” mariin kong utos habang ang mga kamay ko ay nagsisimulang alisin ang buhol ng suot niyang sinturon.
“H-huwag mong simulan Honey, dahil mahihirapan tayong huminto.”
“Magiging busy na tayo simula bukas kaya mag-enjoy na muna tayo!” Ubod tamis akong ngumiti sa kaniya at saka pilyang kinindatan ko siya.
Sunod-sunod na mura ang kaniyang pinakawalan nang dakmain ko ang naninigas niyang kaumbukan.
Umandar ang sasakyan habang ako naman ay patuloy lang sa pagdakma at paghagod.
“J-Jela...” namamaos niyang sambit.
Parang musika sa pandinig ko ang bawat pagsambit niya sa’king pangalan kung kaya lalo kong hinagod ng husto ang kaniyang naninigas na kasarian.
Ramdam ko ang sariling katawan na nag-iinit sa aking ginagawa. Binitiwan ko ang kaniyang pagkalàlakì at saka inupuan ko iyon.
“F*ck!”
“Sa daan ka mag-concentrate ng hindi tayo mabangga,” usal ko.
“I can’t.” Huminto sa pagtakbo ang sasakyan.
“I was distracted of what you’re doing.” Siniil niya ako ng halik sa labi.
Dahil kapwa kami darang na darang sa matinding init ng aming katawan, binigyan laya namin ang kagustuhan ng isa't isa.
‘Di naman ako ganito noon kay Ryan pero magmula ng maging kasintahan ko si Jordan ay parang lumabas din ang bahagi ng katauhan kong sabik na sabik parati sa kaniya.
“I love you!” hinihingal niyang sambit ng kapwa namin marating ang tuktok ng ligaya.
Ngumiti lamang ako bilang pagtugon sa kaniyang winika. ‘Di ako sigurado na love ko siya dahil ang tiyak lang sa akin ay handa akong maging asawa niya.
ANG plano kong pagkakape ay hindi natuloy dahil tumuloy kami sa bahay ng kaniyang mga magulang.
Ibang coffee shop man ang narating naming dalawa ni Jordan ay pareho naman kaming naging masaya.
Pareho lang din naman kasing mainit ‘yon. Ehe!
Kanina’y sa harapan nila mommy at daddy ako natatameme, ngayo’y sa harapan naman ng mga magulang ni Jordan.
“Totoo ba talaga iyang sinasabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Tita Jona na tumingin pa sa aking gawi.
“Opo!” tugon naman ni Jordan.
“Wala bang pilitang nangyayari sa pagitan ninyong dalawa?” Banaag ko ang pagdududa sa mukha ni Tita Jona.
“Mommy, anong palagay mo sa’kin?!” Hindi ko napigilang matawa sa itsura ni Jordan.
Lumapit ako sa kinauupuan ni Tita Jona at ginanap ko ang kaniyang mga kamay.
“Hindi po ko pinilit ni Jordan. Ako po mismo ang kusang loob na pumayag at galing na rin kami sa bahay para ipaalam kila momm,” nakangiti kong pahayag.
Habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Tita Jona ay ‘di ko maiwasang ikumpara siya kay mommy.
Pareho silang maganda, mabait at ‘di maitatangging mapagmahal sa mga anak kahit pa nga kung minsan ay may pagkamadrama rin.
“Botong-boto ako sa iyo pero ayokong pagsisihan mo ang mabilis ninyong pagpapakasal. Ayokong kapwa ninyo sasabihin sa amin na nagkamali lang kayo ng desisyon,” seryosong sabi ni Tita Jona.
“Mommy.” Nang lingunin ko si Jordan ay nakita ko ang takot sa kaniyang mukha. Takot na parang bigla na lang akong mawawala.
Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan at saka matiim na tumitig ako sa mga mata ni Tita Jona bago magsalita. “Hindi ko hahayaang masira ang pagkakaibigan ninyo nila mommy ng dahil lamang sa amin ni Jordan.”
“Pero hindi ang pagkakaibigan namin ang inaalala ko, kundi kayo mismong dalawa.” Sinenyasan niya si Jordan na lumapit sa amin.
Masuyong ginagap ni Tita Jona ang isa naming kamay ni Jordan habang tuloy siya sa kaniyang pananalita. “Kung mahal ninyo ang isa’t isa, ‘di ko kayo pipigilan magpakasal dahil mahalaga sa akin ang inyong kaligayahan.”
“Mommy mahal ko si Jela.” Tumingin ako kay Jordan.
Wala akong mabakas na biro mula sa kaniyang pananalita kaya kahit hindi sigurado ay sumagot na rin ako nang tumingin sa gawi ko silang mag-ina.
“Magiging mabuting asawa po ako ni Jordan!” Gusto ko sanang kutusan ang sariling ulo dahil sa itinugon kong iyon.
Ang layo-layo ng sagot ko sa tanong!
“Mommy, kala ko ba gusto mo maging mag-asawa sina Kuya Jordan at Ate Jela? Bakit parang kumokontrabida ka yata ngayon sa kanilang dalawa?” sabad ni Clara na biglang sumulpot sa tabi ni Tita Jona.
“Hindi a! Gusto ko nga, silang dalawa ang magkatuluyan e!” Depensa ni Tita Jona sa kaniyang sarili.
“So pumapayag ka nang mamanhikan tayo kila Jela bukas?” tanong ni Tito CJ sa kaniyang esposa.
“Oo naman! Kung gusto niyo ngayon na e!” Naramdaman ko ang masuyong pagpisil ng kamay ni Tita Jona sa’king kamay. Kinindatan pa niya ako saka nginitian ng ubod tamis.
“Si Kuya Jordan kinikilig!” nang-aasar na bulalas ni Catherine.
“Catherine!” Pinandilatan ni Jordan ng kaniyang mga mata ang dalagitang kapatid.
“Kuya nakatingin sa iyo si Ate Jela. Sa isip-isip niya, nagkamali yata siya ng lalaking pakakasalan,” pabirong sabi naman ni Clarisse.
Lalapitan sana ni Jordan ang dalagita ngunit pinigilan ko siya. Inabot ko sa kaniya ang mango shake na binigay rin sa’kin ni Janella.
“Bawal ang pikon!” Kinindatan ko pa siya.
Alam ko na kung bakit magkasundo ang pamilya namin ni Jordan. Meron kaming pagkakapareho sa mga ugali at gawi sa buhay.
Nawa'y hindi namin masira ni Jordan ang malalim na pagkakaibigang binuo ng aming mga magulang.
“Kiss! Kiss!” kantiyawan mula sa mga kapatid niya ang pumalibot sa buong paligid ng bahay kasunod ang ingay ng basong binabatingting ng kaniyang ama.
Hinapit ni Jordan ang aking baywang para ipalapit sa kaniyang katawan. Ang malalakas na hiyawan ang sunod kong namalayan nang siilin niya ako ng halik sa aking labi.