Chapter 20

1216 Words
Naging successful ang pamamanhikan ng pamilya ni Jordan sa’king pamilya. Palibasa magkakakilala na ang aming mga magulang kaya wala ng masyado pang problema. Matapos ang pag-uusap nila tungkol sa aming kasal, nauwi ang kanilang usapan para sa bagong proyekto na isinasagawa ni daddy. Nakatutuwang isipin na iisa lang ang layunin ng mga magulang namin ni Jordan basta tungkol sa mga batang kinukupkop ng foundation. “Nandito ka lang pala anak kanina ka pa namin hinahanap.” Nilingon ko si mommy na siyang nagsalita. Nasa veranda ako ng aming bahay at dito ako madalas gumawi sa tuwing gusto kong umiwas sa mga tao. Sa dami ng mga nangyari ay parang bigla akong nakadama ng hilo at pagod. “May problema ba, Jela?” tanong ni mommy. “Mommy...” Yumakap ako sa kaniya. “Madali po bang maging asawa ni daddy?” Para akong batang paslit na naglalambing sa’king ina. Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa saka ginulo niya ang aking buhok. “Bakit mo naman naitanong iyan?” “Sa palagay mo ba magiging mabuting asawa rin ako kay Jordan?” muli kong tanong sa’king ina. Kumalas si mommy mula sa aking pagyakap saka marahan akong hinila patungo sa upuang naroon. “Alam mo anak may ikukwento ako sa iyo. Bago ko makilala ang iyong ama ay ikinasal ako sa ibang lalaki. Akala ko kasi noon ay siya na ang lalaking para sa’kin. Ginawa ko ang lahat ng pwede kong gawin bilang mabuting asawa ngunit sadyang hindi kami ang para sa isa’t isa.” Napuno ng lumbay ang mga mata ni mommy. “Marahil kung naging mabuting asawa siya sa akin ay hindi rin kami magtatagpo ng daddy mo.” Dahan-dahang tumaas ang isang sulok ng labi ni mommy at saka masayang tumanaw sa kalangitan. “Ang daddy mo ang siyang lumunas at bumuo sa nasira kong pagkatao. Siya rin ang nagbigay ng iyong pangalan kahit pa nga ang alam niya’y hindi ka niya anak.” Napaawang ang mga labi ko sa narinig. “H-hindi po ba ako tunay na anak ni daddy?” May nginig sa’king tinig nang itanong iyon. “Anak kita!” Lumingon ako sa gawi ni daddy na siyang nagsalita. “Daddy...” Akmang tatayo ako nang pigilin niya. “Kahit magpa-DNA test ka ay lalabas pa rin sa resulta na tunay kitang anak. Mabuti na lang at gàgo si Zoren kung kaya bumalik kayo ng mommy mo sa akin,” mayabang na turan ni daddy. “Halika na Jela, hinahanap ka na ng magiging asawa mo.” Tumayo na si mommy mula sa pagkakaupo. “Teka, kadarating ko lang!” maktol ni daddy. “Baka liparin tayo ng hangin kapag nanatili pa tayo rito,” pabirong wika naman ni mommy. “A gano'n!” Napakamot na lamang ako sa aking ulo ng sa harapan ko maglambingan sila mommy at daddy. Dahan-dahan na akong umalis upang bigyan silang dalawa ng privacy. Habang naglalakad ay ‘di ko naiwasan na isipin ang mga maaaring mangyari sa’kin sa hinaharap. Kapag nakasal ako kay Jordan ay tiyak na mananatili ako sa bahay. Mayroon akong palagay na hindi siya papayag magtrabaho ako. Sigurado ‘yon lalo na kapag nagkaanak kami. Siyempre ang anak ang priority dapat lagi sa buhay may-asawa. Nahagip ng paningin ko si Kuya Aldrin na mukhang problemado sa taong kausap mula sa kabilang linya ng telepono. May pagka-chismosa ako kaya dahan-dahan akong lumakad palapit sa kaniyang kinatatayuan. “Hindi ko sinasadya ang nangyaring iyon kaya huwag mong isisi sa’kin!” Malakas ang tinig ng taong kausap ni Kuya Aldrin mula sa kabilang linya at para na ngang naka-loud speaker ang kaniyang telepono kaya naririnig ko ang sinasabi niyon. “Nabuntis mo siya kaya dapat mong panagutan!” galit na galit ang tinig ng tao. “Huwag mong isisi sa’kin ang gabing puno ng kalokohan. Ikaw ang nobyo niya ‘di ba? Bakit mo ipinapaako sa akin ang sanggol na nasa kaniyang sinapupunan?!” Umusog pa ako konti para mas marinig ko ang palitan nila ng usapan. “P*tang-ina, Aldrin! Ikaw ang ka-one night stand niya ng gabing iyon kahit ako ang boyfriend! Hindi mo na sana siya ginalaw dahil alam mong nobya ko siya!” Nagkagulatan kaming dalawa ni Kuya Aldrin ng sa kaniyang paglingon ay nakita niya ako at huling-huli sa aktong pakikinig sa kanilang pag-uusap. “Enough this topic!” Pinatay ni Kuya Aldrin ang kaniyang telepono saka tumuwid ng tayo. “N-nagkakamali ka nang iniisip!” ‘Di magkandaugagang wika ko. “Alam ba ni Jordan na nandito ka?” malamig niyang tanong. “Actually, hinahanap ko nga siya.” Kunwari'y inilinga ko ang mga mata sa paligid. Lihim kong namura ang sarili dahil sa pagiging chismosa. Kung ba’t kasi mas pinili ko pang makinig sa usapan nila kaysa umalis. “Napakaswerte talaga ni Jordan.” “Maswerte ka rin naman ‘di ba dahil kapatid mo siya?” wala sa sarili kong saad. Sinalubong ko ang titig ni Kuya Aldrin at nakipagsukatan ako sa kaniya ng tingin. Siya ang unang sumuko nang iiwas niya ang kaniyang paningin sa akin. “Nanggaling kaming magkakapatid sa foundation ng ama mo. Adopted son lang ako nina Mommy Jona at Daddy CJ.” Tumalikod siya sa akin. “Mahal ng lahat si Jordan dahil sa pagiging bibo at matalino.” Lumapit siya sa pader kung saan nakasabit ang larawan ng aming pamilya. “Mahalin mo si Jordan at ‘wag saktan. Kahit may pagkasuplado siya ay hindi pa rin siya katulad ko na walang puso at iresponsable!” Matapos niya iyong sabihin ay tuluyan na siyang umalis. Napailing na lamang ako habang tinatanaw ang papalayong bulto ng katawan ni Kuya Aldrin. Bigla kong naisip ang kaniyang mga sinabi. Ano ba sa palagay niya ang gagawin kong pagpapakasal sa kaniyang kapatid, isang laro? Hindi ba’t parang ako naman yata ang higit na agrabyado sa aming dalawa ni Jordan kung sakaling magloko ito. “O Jela, ba’t nandito ka pa rin?” Tinig ni mommy ang umuntag sa aking pag-iisip. “Mommy, ano pong nangyari sa iyo?” Nanghahaba ang ngusong lumapit ako sa aking ina na dinaig pa ang hinabol ng rapist sa kaniyang anyo. “Ang tanda niyo na po ni daddy pero malandi pa rin kayo!” litanya ko pa. “Ang daddy mo kasi...” humahagikhik niyang tugon at kilig na kilig sa kung anumang ginawa nila ng aking ama. Napailing na lamang ako saka hinila ko siya sa kaniyang kamay para sabay na kaming bumaba. Habang naglalakad kami ay may mga sinasabi si mommy na ‘di ko binigyan pansin. Abala ang isipan ko sa naiisip na sorpresa para kay Jordan. Pagdating namin ni mommy sa may puno ng hagdan ay pinigilan niya akong bumaba. “Anak tungkol sa tanong mo kanin-.” “Magiging mabuti po akong asawa. ‘Di man kami nagsimula sa romantikong kwento ni Jordan ay sisikapin ko na lang magkaroon kami ng relasyong katulad sa inyong dalawa ni daddy,” madamdamin kong pahayag. Nginitian ako ni mommy saka niyakap ng mahigpit. “Magiging mabuting asawa ka sa kaniya dahil mabuting tao siya.” “Hindi na rin po ako lugi kay Jordan dahil bukod sa gwapo, matalino, mayaman ay yummy pa siya!” Pinong kurot ni mommy sa’king baywang ang dahilan ng malakas kong pagsigaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD