Ipinaalam sa'kin ni Jordan ang resulta ng DNA test nila ni Justin at kahit 'di sila mag-ama ay magkadugo pa rin naman. Ayoko sanang pumayag sa ideya ng aking asawa na puntahan ang tunay na ina ni Justin, ngunit ikinuwento niya ang masaklap na pangyayari sa buhay niyon kaya napapayag ako. Nagulat ako nang maratnan namin si Kuya Aldrin sa may labas ng hospital na tila ba hinihintay kami. "Bakit nandito si Kuya Aldrin?" may pagtataka kong tanong. Weird! Kung dati'y bagot na bagot ang mukha ng kuya ni Jordan sa tuwing nakikita kami, ngayo'y nagniningning ang kislap ng kaniyang mga mata. "Sasamahan niya tayo," tugon ni Jordan na umuntag sa'king pag-iisip. "Pumasok na tayo sa loob at kanina pa niya hinihintay si Justin," wika ni Kuya Aldrin. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko nang marinig

