MAJA-RUTH "NAKAKALOKA ang History, paano pa kaya sa English? Bakit, kasi may pa long quiz---long quiz pang nalalaman 'tong mga guro na ito. Nakakapagod na mag-aral. Haist!" Napapailing nalang kami kay Kiray dahil puri siya reklamo tungkol sa quiz. "Wala ka namang magagawa, Kiray bayotipol, kahit magsisigaw ka d'yan tuloy ang long quiz." Pang-aasar naman ni Jef sa kanya. "Shatap! Isa ka pa! Naiinis na talaga ako sa'yo, Jepoy ka!" "May red tide ka siguro 'no? Hahahahaha. Naku! Makaiwas na nga at baka masira lang ang araq ko sa'yo." Sabi pa ni Jef at nag marsha pabalik sa kanyang kinauupuan. Hindi na rin kumibo si Kiray at nagbuklat nalang ito ng libro at saka nagbasa. Samantala ako, at si Dart Babe naman ay magkatabi lang ang kinauupaan namin. "Babe?" mamya ay tawag nito sa akin at

