MAJA-RUTH "DART? Sandali, ano bang problema mo." Kinalas ko ang kamay nito sa aking pulsuhan dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Napahinto kami sa paglalakad. "Ano bang nangyari sa'yo at bigla-bigla mo nalang ako kinaladkad palabas ng classroom, alam mo bang scape na ang tawag dito?" Humarap siya sa akin. "Ano?" Wika ko pa. "Hindi mo ba nakita?" Biglang tumaas ang boses nito. "Andyan si Aki, dumating siya at ka-klase natin, hindi ka ba magagalit nyan?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sandali nga! Bakit naman ako magagalit? Ha? E---ano naman ngayon kung nandyan siya?" Bumuntong hininga siya. "Babe---looked, Aki is here and baka aawayan ka niya." Bakit niya naman ako aawayin? Dahil ba sa boyfriend ko na ngayon ang lalaking sinaktan niya? Tsk!! Kalokohan! "Aawayin? Big

