MAJA-RUTH "Pasok." Pinihit ko ang saradora ng pintuan ng opisina ni Kuya ng agad itong nagsalita. Agad ko naman sinara ang pinto ng makapasok ako. Imbes na isipin ko 'yung nangyari kani-kanila lang ay mas iniwaksi ko iyon sa aking isipan. Saka na kita po-problemahin kapag natapos ako dito. "Kuya---pinapatawag mo raw ako?" Bungad kong tanong at pormal na naupo sa isahang sofa. Pansin kong sinisipat ako ng tingin nang aking kuya. "Is there something wrong? Mukhang malungkot ka." Grabe!! Pansin niya 'yun? Sinikap kong ngumiti at h'wag ipahalata ang aking kalungkutan. "Anong ka dyan? Ang saya ko nga e. Hahahaha." Ngumiting aso ulit ako. "Kuya---ano 'yung sasabihin mo sa'kin?" Pag-iiba ko sa usapan. "I'll give you an special review at tutorial exam para sa parating na math compitati

