MAJA-RUTH NABILIS lumipas ang mga araw at linggo. Isang linggo nalang at pupunta na kami ni Sir Porras sa Dabaw para sa math wizard nationalwide. Habang papalipit, mas lalo akong kinakabahan----paano naman kasi---ang hirap ng reviewing ko, parang mabibiak at matutuyuan ang ulo at utak ko nito. Napa-lalim pa tuloy ang paghinga ko dahil dun. Problem solving. "Awaaaat!! Sakit gid sa ulo pero kaya ni... kaya." sabi ko pa gamit ang ilonggong dialect. "Focus, Ruth." Isang salita ko pa sa sarili at sinubukan sagutin ang isang solving problem na binigay ni Sir sa akin. "Harsh naman ni Sir. Wala pa bang mas mahirap dito? Iyong tipong mabubuang na ako? Isinubsob ko nalang ang aking mukha sa itaas ng study table at tiningnan ang pre-exam sa akin. Maya-maya pa ay umangat ang aking ulo at saka s

