MAJA-RUTH MAAGA akong gumising kinabukasan dahil sa ako ang inatasan ng guro namin sa Physical Education o P.E na gumawa ng checking of attendance para sa araw na ito, at laking pasasalamat ko na rin kahapon dahil hindi itutuloy ang reporting sa History subject namin kay Sir Sawada. At isa pang rason kung bakit maaga rin akong gumising dahil susunduin na naman ako ni Dart babe dito sa bahay. Pagkalabas ko nang kwarto agad naman ako naglakad ng hagdan pababa patungo sa hapag. Subalit, nagulat nalang ako kung sino ang nasa hapag kainan ngayon. "G-good morning, Dad." Nabulol pa tuloy ako. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. "Kakarating mo lang?" Inosente ko pang tanong. "Good morning, hija, sit down and eat your breakfast may pag-uusapan tayo mamaya." Bigla naman ako kinabahan sa

