MAJA-RUTH SHE'S MY GIRL... SHE'S MY GIRL... SHE'S MY GIRL... SHE'S MY GIRL... Paulit-ulit na ume-echo sa aking tenga ang huling mga sinabi ni Dart babe kay Aki. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako, o kikiligin ulit? Ano ba sa dalawa ang pipiliin ko? Kikiligin ba ako? O, kikiligin ulit? Hays... Ang hirap pumili, nakaka-sakit talaga ng apdo, konektado sa atay ko. Naka-panumbabang tinitingnan ko sa malayo sina Dart babe at Aki, habang nag-uusap. Ako na rin kasi mismo nagsabi kay Dart babe na dumito nalang muna sa bench. Napansin kong gumawi ang tingin sa'kin ni Dart babe. Seryoso, at kunot ang noo. "Hwag na hwag mo lang landiin yang Dart babe ko, Aki, tatablahin talaga kita. Iniwan mong luhaan, pinabayan ng walang dahilan, nagmamakaawa siya sa iyo noon pero anong ginagawa mo ngayo

