MAJA-RUTH ONE MONTH LATER Isang buwan? Isang buwan na walang update? Este, ligawan pala ang ginawa ni Dart babe sa akin. Abot edsa na ata ang haba ng buhok ko nito. After one month na panliligaw, finally sasagutin na ako ni Dart babe, este sasagutin ko na pala si Dart babe. Habang nag aayos ako ng aking sarili sa harapan ng malaking salamin, ay hindi ko mapigilang ngumiti, iyong ngiti na kahit iyong gilagid ko ay makikita mo na. Ganun. "Ruth, anak? Nandiyan na si Dart, naghihintay na sa'yo." Rinig kong salita ni mommy sa labas ng aking kwarto. Napa-ngiti ako ng sobrang tamis, kasing tamis ng asukal na puti. "Andyan na po." Pasigaw kong sagot. Hindi ko naman pwdeng ibulong na pwet ko lang ang makakarinig. "Ang ganda-ganda mo na, Ruth." Pagpupuri ko sa aking sarili. Kinuha ko ang ak

