MAJA-RUTH THIS IS IT! The final game is about to start, medyo kinabahan na rin ako dahil mas dumami raw ang audience kesa kahapon. Hays. "Saan naba si Dart babe?" Muli kong tanong sa aking sarili. "Looking for me, babe?" Napako ako sa aking kinatatayuan ng marining kong nagsalita siya mula sa likuran ko. Nandito pa pala siya sa kwarto? Akala ko kasi nauna na siyang lumabas. Humarap siya sa akin at naka-ngiti ito. "Hi? Tama ba 'yong narinig ko? Hinahanap mo ako, babe? Dart babe? How cute and nice endearsment, I love it." Sahig lamunin mo na ako, parang awa mo na...please.... Matapos niyang sabihin sa'kin kagabi na gusto niya ako ay nagbago ang lahat, para gusto ko ng umuwi ng maynila. Juskolord...umabot hanggang sa labas ng hotel ang buhok ko kagabi. Sobrang ganda ko mga teh. "

