DART "CONGRATULATIONS STUDENTS." "Thank you, Chairman." "Thank you, Chairman." Sabay kaming nagpasalamat sa daddy nito ng binati kaming pariho, kahit nasa 2nd placer lang ako, at siya naman ang champion. Tsk! Tsk! Pinabilib niya ako sa kanyang taglay na talino. Hindi ko akalain na ganun siya katalas. "Mr. Aguilos? Not bad ang nakuha mong 2nd placer sa quiz bee. Sana sa susunod na taon, champion na." Salita sa akin ni Teacher Reyes. "Maraning salamat sir, hayaan niyo po gagalingan ko pa sa susunod na taon, kung ako pa rin ang kukunin." "Oo naman, at sana ganun rin si Ms. Sto Domingo, kung okay lang ulit sa kanya." Napatingin kaming lahat kay Ruth na nakikipag-usap sa kanyang ama. Halata sa mga kilos ni Ruth na hindi siya masyadong malapit sa kanyang ama, mas malapit pa ito sa ka

