THIRD PERSON POV Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin bumabangon si Clarisse mula sa kanyang kama. Para siyang naging halaman na walang dilig laylay, wala sa sarili, at patuloy lang ang pagpatak ng luha kahit wala namang bago. May yakap-yakap siyang maliit na unan habang nakaharap sa kisame. Wala siyang ibang iniisip kundi ang mukha ni Leon habang galit na galit itong sumigaw sa kanya. "OUT! AND NEVER COME BACK!" Paulit-ulit iyon sa isip niya. Kahit gusto na niyang burahin, hindi niya kaya. Hindi niya rin alam kung paano siya babangon ulit. Sa kabilang banda naman, sa mismong opisina ng D Arguelles Empire, halos umuusok na ang ilong ni Leon habang nakatayo sa gitna ng hallway. "Damn it! I told you to clean the floors, not polish them with oil! Bakit parang skating rink dito?!"

