CLARISSE POV Dumiretso ako sa corridor, hindi na iniiwasan ang mga tingin ng mga tao. Ang sakit sa dibdib hindi ko pa yata nararamdaman ‘yung ganitong bigat. Lahat ng ginawa ko, sobrang kasalanan ko, pero bakit ganon? Ni hindi ko naman sinasadya. Ang sakit na makita si Leon na ganoon. At ang pinaka masakit, naisip ko na baka hindi na niya ako kayang patawarin. Hindi ko pa nga nararamdaman na mahal ko siya puno pa rin ng galit ang puso ko, pero bakit ang sakit pa rin? Mabilis akong nagbihis at umalis ng opisina. Kailangan ko lang umalis, lumayo. Hindi ko kayang makita si Leon ngayon, lalo na't alam ko na pati ang sarili ko, hindi ko na kayang i-control. Pagdating ko sa kanto, napansin ko ang jeep na malapit na. Wala na akong ibang option, kaya tinangkang sumakay. Umiiyak na nga ako, hind

