Kabanata 20

1054 Words
“Dito lang si Mommy, Lance,” wika ni Yasmien sa bata kinabukasan ng hapon. “Panonoorin ko lang kayong maglaro ni Rence mula rito.” naupo siya sa bench. “Okay, Mommy! Watch us habang nagpapalipad ng unmanned aircraft!” tuwang-tuwang sabi ni Lance. Tumakbo ito patungo kay Rence sa malawak na field ng garden. Ang nilalaro ng dalawa ay isang lumilipad na eroplano na kayang kontrolin gamit ang remote control na kanilang hawak. Naihalintulad iyon ni Yasmien sa mga saranggola, na parati ding nilalaro ng mga maliliit na bata sa probinsya. Talaga nga namang moderno na pati mga laruan ng mga mayayaman at napag-iiwanan ang mga mahihirap. Pero para sa kanya, mas masaya parin ang pagpapalipad ng saranggola kaysa sa de kontrol na eroplano. “Hahaha! Look up, Rence! Isn’t this amazing? I think we could fly higher than that tree!” Napapatalon naman si Rence sa pananabik. Hindi kalauna'y gusto na nitong agawin sa kamay ni Lance ang remote control. “No! Wait for your turn!” hindi naman agad nagparaya si Lance, sa halip ay lumipat pa ng pwesto. “Ahh!” napareklamo si Rence at agad ding sumunod upang tangkain muling agawin ang remote control. “I said no! Mamaya ka na once we got to the top of the tree!” Hindi naman maiwan ni Yasmien ang mapatawa. Kahit pa gaano sila ka-brainy, ang mga bata ay mananatiling bata. Nag-agawan pa ang dalawa sa remote control, dahil ayaw pang magpaubaya ni Lance, nagdadamot itong tumakbo papalayo kay Rence. Samantalang si Rence ay nagrereklamo at nagmamaktol na humabol sa kanyang kapatid. “Juice at cookies, madam.” nilapag ng isang katulong ang inumin at pagkain sa kanyang lamesa. Bahagya pang natigilan si Yasmien nang mapagtantong kinausap siya ng katulong na ito. Ngunit wari'y hindi niya iyon napansin at ngumiti siya ng natural. “Maraming salamat.” Tumango ito. “Kung may kailangan ho kayo, magsabi lang ho.” Wow. Napahanga siya. Kinakausap nga siya! Simula nang dumating siya rito ay wala man lang kumakausap sa kanya kundi ang mga bata at si Lucas. “Sige! Anong pangalan mo?” malaking pagkakangiti niyang tanong. Subalit sa halip na tumugon ay umalis na ito at tumayo sa isang tabi na kinalaki ng butas ng kanyang ilong. Mukhang may limit na salita lang ang allowed kung kakausap sa kanya ah. Pinag-utos din kaya iyon ni Lucas? Hindi na lamang niya inindtindi at sinimulan na lamang galawin ang cookies. Muli niyang tinanaw sa malayo ang dalawang bata na nagpagulong-gulong na sa damuhan dahil sa pag-aagawan sa remote control. Habang ang eroplano ay naroon na naka-stuck sa sanga ng puno. Imbes na sawayin ang dalawa ay napatawa pa siya. Hinayaan niyang mag-wrestling ang mga ito, ganoon din ang tatlong maid na nagbabantay sa dalawang bata, halos walang pakialam sa away ng dalawa. Nang makuha ni Rence ang remote control ay mabilis itong tumakbo papalayo kay Lance saka iyon ginamit.. Subalit dahil naka-stuck na sa sanga ang laruang eroplano, hindi niyon magawang makalipad. “Youuu! Give it back to me! Baka masira mo, Rence!” Umiling-iling si Rence at muling tumakbo. Ngunit hindi pa man ito nakakalayo, bigla na itong natalisod, bumagsak at sumalampak ang mukha sa damuhan! “Ay jusmeyo!” Sa sandaling iyon ay nadura ni Yasmien ang cookies at napatayo sa pagkabigla. “Oh, no! Rence!” Nagmamadali niyang tinungo ang landas ni Rence. Nang buhatin niya ito patayo ay tahimik na itong umiiyak habang sapo-sapo ang kanyang ilong. “Patingin ako,” yumuko si Yasmien para suriin ang mukha ng bata. Nang makitang walang tinamong sugat ay napahinga siya ng maluwag. “Ang kulit-kulit kasi, hindi na lang maghintay na matapos si Lance.” saka niya binalingan si Lance. “At hindi mo na lang ibigay kay Rence gayong gustong-gusto na niyang makuha. Ayan tuloy.” Ngumuso ito. “Sorry po,” Pinunasan ni Yasmien ang mga luha ni Rence saka hinagod ang likod nito. “Ay naku! Tingnan mo itong damit mo, puno na ng pawis!” kinapa niya rin ang likod ni Lance at basang-basa na rin ang likod nito. “Baka matuyuan kayo ng pawis nito! Hali kayo, doon tayo sa bench!” Kinarga niya si Rence habang kapit-kapit ang kamay ni Lance. Inutusan niya ang kaninang maid na kumuha ng tuwalya at sando para sa dalawang bata. “Hubad ng damit, Lance.” pag-uutos niya na agad nitong sinunod. Dahil si Rence ay umiiyak parin ay pinainom muna niya ito ng juice upang kumalma. Saka niya tinanggal ang pawisan nitong damit. “Oh, tingnan mo, pawis na pawis!” napapailing na aniya. “Teka, ano ‘to? Libag?” Nangunot ang noo niya nang makita ang mga linya sa tagiliran ni Rence. Tinangka niya iyong tanggalin, subalit napareklamo si Rence, at napagtanto niyang ang mga iyon ay hindi libag kundi mga natuyong sugat. “???” nagsalubong ang mga kilay niya saka tumingin sa bata. “Rence? Napaano ‘to? I mean… um, why, why do you have sugat?” “Mommy? You mean scars?” pagtatama ni Lance. “Ah yes! Rence, why do you have scars to your side?” tinuro niya ang tagiliran ng bata. Rumehistro ang takot sa mukha ng bata, kinakabahang napatingin sa kanya saka nanginginig ang mga kamay na sumenyas. Hindi niya iyon naintindihan. “Mommy, sabi niya makati raw kaya kinamot niya hanggang sa magsugat.” paliwanag naman ni Lance. “Oh?” nawala ang kunot sa noo niya. “Ganoon ba? O sige, sasabihan ko ang yaya niya mamaya na bilhan siya ng ointment sa kati.” Nang dumating ang tuwalya ay agad niyang tinuyo ang pawis ng dalawa, saka sila binihisan sa mas presko na sando. “Mag-merienda muna kayo bago ituloy ang paglalaro.” aniya sa dalawa. “Mommy, sumabit ang unmanned aircraft namin sa puno!” “Sige, ipapakuha natin sa hardenero mamaya.” “Okayyy!” “Rence, kain ka na dali.” hikayat niya rito nang mapansing kanina pa ito nakayuko. “Oh bakit? Masakit pa ba ang ilong mo? Teka, sandali, kukuha lang ako ng yelo!” Bago pa siya makatayo ay hinatak na nito ang dulo ng damit niya saka umiling-iling. Ngumiti ito ng matamis sa kanya saka sinimulang galawin ang cookies. Nakampante naman siya at sinalinan ng juice ang baso nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD