Masakit ang likod at balakang ni Yasmien habang naglalakad patungo sa kusina. Lumaghok siya ng malamig na tubig saka hinihingal na napahiyaw sa kaginhawaan. Kanina sa garden ay nakita niya ang nagseselos na mukha ni Lucas lalo na't inagaw nito sa kanya ang dalawang bata para lamang papasukin na sa loob. Pagkatapos no'n ay tinapunan pa siya ng matalim na tingin ng lalaki bago tinalikuran kasama ang dalawang bata. Noong una’y ayaw pang sumama ni Lance, pero dahil nakita nito ang ibang awra ng ama—awra ng selos---ay natatakot na lamang itong sumunod at naluluhang nagpaalam sa kanya. “Tsk!” napamaywang si Yasmien habang inaalala iyon. “Kasalanan ko bang walang amor sa kanya ang anak niya?” Naglakad siya muli palabas ng kusina at aksidenteng nakasalubong ang yaya ni Rence. Naalala niya ang

