“Oh my gosh!!” nawiwindang napatili si Yasmien. Napayuko at napaluhod siya sa harapan ni Rence. Una muna ay pinunasan niya ang mga luha nito. Gamit ang dulo ng kanyang damit ay pinunasan niya rin ang madungis nitong labi, saka niya pinasinga ang sipon sa ilong ng bata. Matapos niyon ay hindi makapaniwala niyang hinagod-hagod niya ang likod nito. “Rence? Do you say Mommy? Hindi ba ako nabibingi? Tinawag mo akong mommy! Hindi lang sa sign language kundi tinawag mo akong mommy gamit ang boses mo!” Ang boses na narinig ni Yasmien ay walang pinagkaiba kina Lance at Leo. Magkakapareho na ng mukha, magkakapareho pa ng boses! Gustong mapasigaw ni Yasmien sa tuwa na animo nanalo sa loto, subalit inipit niya ang boses upang hindi matakot o mabigla si Rence, lalo na't kasalukuyan pari itong umiiy
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


