Kabanata 7

985 Words
Sa loob ng mansyon ni Lucas Del Ville, nakahilera ang lahat ng mga katulong nang ipatawag sila ng headmaid sa pag-uutos mismo ng kanilang amo. “Simula sa araw na ‘to, ayaw kong makarinig ng anumang pag-uusap tungkol sa babaeng titira na mismo sa loob ng mansyon ko.” napakalamig ngunit may banta sa tonong saad ni Lucas. “Ayaw kong pag-usapan ninyo ang babaeng iyon at magkalat ng mga tsismis patungkol sa kanya. Ayaw ko na kinakausap niyo siya, kinikibo, o pinagtutuunan ng pansin. Sinumang mahuhuli kong gagawa niyon ay mapaparusaan at agad na mapapalayas sa mansyon ko nang hindi nababayaran!” Napaigtad ang lahat ng katulong, babae o lalaki man, matanda o mga binata’t dalaga. Iisa lang ang katanungang nabubuo sa isipan nila. Sinong babae ang tinutukoy ng kanilang amo? “Nagkakaintindihan ba tayo?” masungit na tanong pa ni Lucas. “Opo, Maestro!” Kahit naguguluhan ay iyon ang tugon ng lahat sa takot na baka mapatalsik pa sila bigla sa mansyon. Inutusan ni Lucas ang mga katulong na ihanda ang isang bakanteng kwarto, bumili ng mga kagamitang pambabae, at iba pang mahahalagang bagay na kinakailangang masagawa rin ngayong araw. “Dismissed.” Nang makuntento naman si Lucas ay muli siyang naglakad palabas ng mansyon kung saan naiwan ang triplets niya, pati na ang babae. Naabutan niyang karga-karga ng babaeng iyon ang isa niyang anak na si Lance at mukha itong masaya dahil sa naniningkit nitong mga mata at malaking pagkakangiti sa labi. Natigilan si Lucas dahil diyon at may kung anong karayom ang tumusok sa puso niya. Si Von Lancashire ang pinakabibo sa tatlong magkakapatid. Ngunit iyon lamang tuwing kaharap ang mga kapatid nito, subalit pagdating sa kanya na ama ay malayo ang loob ng bata. Batid niyang may pagkakasala siya at pagkukulang sa mga anak niya lalo pa nang mawala sa kanya ang babaeng minamahal. Ngunit ilang beses niya ring hinuli ang damdamin nito, subalit nagkaroon na ng sariling pag-iisip si Lance, at patuloy nitong hinahanap ang mommy nito. Dahil sa takot na masaktan si Lance, ilang pagsisinungaling ang sinabi niya, dahilan kung bakit nauwi sa ganito ang lahat! Natatakot siya na baka hindi na isang ama ang tingin ni Lance sa kanya sa murang edad nito. At talaga namang nayanig siya nang pagbantaan siya nito na hindi na sasama sa kanya pauwi. “Daddy!” ang pinakamalapit kay Lucas ay ang anak niya na si Leo, samantalang sunod lagi ang may kapansanan na si Rence na mayroon ding sariling mundo kung minsan. “Daddy, is that lady really going to stay here?” ngunot-noong tanong ni Leo sa kanya. Lihim siyang napalunok at may sinseridad na niyuko ang anak. “Leonardo, anak, hayaan mo muna si Lancashire sa gusto niyang mangyari, okay? You know how stubborn your brother is, and I can't tame him just yet. Hinintayin mo na matutunan niyang makinig sa akin, bago tayo kumilos, ayos ba ‘yon?” “What?!” nalukot ang pagkaguwapong mukha ni Leo. “But dad! How can you… you know Lance, hate ka niya! Paano na lang kung mag-seventh birthday na kami, tapos nandito parin ang babae, hindi ka ba natatakot, dad na baka may gawing masama ‘yun?!” Dumilim ang mukha ni Lucas ngunit tinago ang nakakatakot niyang awra sa anak. “Don't worry about it, son. Hinding-hindi makakalaban ang ligaw na kuneho sa lungga ng lobo.” “O-Okay, Dad…” kahit malaki ang pagtutol at gusto pang magsuhestiyon ni Leo ay hindi na nito piniliping magsalita pa. ‘So that lady is really going to stay.’ may bigat sa damdamin ni Leo ang hindi niya magawang ipaliwanag. Pakiramdam niya ay tuluyang maaagaw si Lance mula sa kanilang pamilya! Samantalang seryoso nang nilapitan ni Lucas ang kinaroroonan ni Lance karga ni Yasmien. Naputol ang usapan ng dalawa, at agad na bumusangot si Leo sa kanya. “Don't try to hurt Mommy again, Daddy!” ‘She's not your mother.’ Nasabi ni Lucas sa kanyang isipan lamang. Dahil ayaw niyang bigyan pa ng sama ng loob si Lance ay hahayaan na muna niya ito sa ganoong isipin. “I'm not going to hurt her since I promised you, alright?” marahang aniya. “Hindi ko binabali ang pangako ko, ‘nak, so trust me a little bit,” saka niya binalingan si Yasmien. “Ikaw, pinapahanda ko na ang kwartong tutuluyan mo. Hintayin mo na lang na ituro sa iyon ni Manang Linda, ang headmaid.” Nagliwanag ang mukha ni Yasmien. “Salamat, Sir! Malaking tulong po ito sa akin. Matanong ko lang kung anong pangalaan niyo, Sir?” Lihim na nagtiim-bagang si Lucas. Wala siya ngayong ideya sa kung anong nasa isipan ng babaeng ‘to, ngunit sinisimulan na ang imbestigasyon ni Dwayne. Malalaman niya rin ang pakay nito at sisiguraduhin niyang pagsisihan ni Yasmien na nagpahuli at kusa pa itong sumama sa kanya. “Daddy's name is Lucas.” si Lance ang may ngiting tumugon kay Yasmien. “Vaughn Lucas Del Ville. My name is Von Lancashire Del Ville; the one with eyeglasses is my brother, Von Leonardo Del Ville; and the mute one is Von Lawrence Del Ville.” humaplos ang maliit na palad ni Lance sa pisngi ni Yasmien. “And Mommy, what's your name?” Labis na natigilan si Lucas sa nasaksihan. Muli na naman niyang naramdaman na parang nilamutak ang puso niya. Ni minsan ay hindi niya pa pinakilala ang pangalan ng kanilang ina sa mga anak niya. “Yasmien.” may naaawang pagtingin na tugon ni Yasmien sa bata. Inosente namang lumaki ang pagkakangiti sa labi ni Lance. “Then Mommy's name must be Yasmien Del Ville!” ‘No, it's not.’ mariing pinikit ni Lucas ang mga mata. Nanginginig sa pagkakakuyom ang mga kamao na tinago niya sa kanyang likod. Nasaksihan naman iyon ni Leo, at napakawala ng malakas na hininga. ‘Father is still suffering from their mother.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD