Kabanata 8

1212 Words
Matapos libutin nina Lance at Yasmien ang kabuuan ng mansyon ay inabot sila ng matinding gutom. Sa laki ng lugar ay halos mahilo-hilo pa si Yasmien, subalit nang makita niya ang halos sampung putahe sa hapagkainan ay nawala ang hilo niya. Sa mahabang lamesa na isang dosena ang upuan nakahain sa kanyang harapan ang masasarap at mababangong pakain! First time niyang makakita ng ganito sa tanang buhay niya! “Oh my gosh!” hindi niya maiwasang mapabulalas. Tuwang-tuwa niyang binalingan si Lance sa kanyang tabing upuan. “Isa ka bang anghel, Lance? Sinagip mo ang buhay ko!” Pinamulahan ng mukha ang batang lalaki sa komento sa kanya ng ina. “Gagawin ko ang lahat para sa'yo, Mommy!” Napatawa si Yasmien at ginulo-gulo ang buhok ni Lance. “Maraming salamat, Lance. Gagawin ko rin ang lahat para sa'yo magmula ngayon, ayos ba ‘yon?” Masayang tumango-tango si Lance. “Ayos na ayos, Mommy! We'll protect each other from now on! Just the two of us!” “Okay~ Kain na tayo! Excited ako matikman ang mga pagkain dahil never pa akong nakakita ng ganito!” “No way! Sure akong nakatikim na si Mommy ng mga ‘to but you have amnesia that's why you forgot…” Habang nag-uusap ang dalawa sa loob ng dining room ay may nalulungkot na mga matang nakasilip doon si Leo at napatanong sa sarili. “What do you mean by ‘just the two of us’? How about me, Rence, and father?” Hindi maintindihan ni Leo kung bakit biglang nagbago si Lance ng pakikitungo sa kanila para lang ipagpalit sa isang estrangherong babae, at pilit nitong pinapaniwala ang sarili na ito ang kanilang ina! Naiinis din si Leo sa sarili dahil wala siyang kakayahan na gumawa ng paraan para mapalayas kaagad ang impostorang ito, lalo na't nagsabi na ang kanilang ama na hahayaan muna itong manatili sa kanilang mansyon. “Hm?” naramdaman ni Yasmien na mayroong matang nakatingin sa gawi niya. Ngumunguya siyang naglinga-linga ng paningin at nakita ang isang bata na mayroong salamin. Alam na niya kaagad kung sino iyon. “Oh, Leo, nandiyaan ka pala.” ngiting pagpansin niya. “Hali ka, nagugutom ka ba? Maraming pagkain, kain tayo.” Napaigtad si Leo at mabilis na nagalit. “I hate you! Go away! You don't belong in our home! Arghh!” “Ay hala!” napatalon sa kinauupuan si Yasmien dala ng gulat dahil sa naging tugon nito. Animo nagtunog tiyanak si Leo para sa kanya. “How rude!” sigaw din ni Lance. “Mommy’s asking you nicely! Kung ayaw mong kumain, umalis ka dito sa dining room!” “Whatever! I hate you too! Magsama kayo!” tinotopak na nagwalk-out ang batang si Leo. Hindi nakita ni Yasmien ang punto kung bakit nakasilip si Leo sa loob kanina at nakatingin sa kanila. Bigla-bigla na lamang itong nagagalit. Hindi rin eksperto si Yasmien pagdating sa mga bata. Sa pagkakaalam niya nga'y hindi naman siya mahilig sa mga bata. Dahil bukod sa makukulit at pasaway ang mga ito, sadyang mahirap intindihan ang mga bagay na tumatakbo sa mga isipan nila. “Don’t mind them, Mommy, ha?” nag-aalalang sabi sa kanya ni Lance. “Oo naman, wala lang ‘yon. Siguro’y wala lang sa mood ang kapatid mo. Huwag na nating pinag-iintindi at kumain na lang tayo ng payapa!” pagpapalakas ng loob pa niya sa bata. “Yes!” masagana itong kumain muli. Habang siya ay kinalimutan na ang naging istorbo at masaya ring kumain ng mga pagkaing ngayon niya lamang natitikman. Tama lang ang naging desisyon niya na sumama sa batang si Lance! Dahil nailalarawan na niya ngayon sa kanyang isipan, na mangungutang na naman siya sa tindahan ng kapit-bahay para lang sa kapirasong tinapay bilang tanghalian bukas! Alam ni Yasmien na sobrang kapal ng mukha niya ngayon, at naiintindihan niya ang galit ng ama ng mga bata pati na ang galit ni Leo sa kanya, pero ang ginawa niyang ito ay para sa ikaliligtas ng kanyang buhay, kung kaya't malaki parin ang parte sa kanya na hindi ito pinagsisisihan. Mabubuhay na siya ngayon! Kahit pa siguro ilang masasakit na salita ang ibato sa kanya ng pamilya ay masaya niya paring tatanggapin! Sana lang ay hindi magbago ang pakikitungo sa kanya ni Lance. Hindi niya ito lolokohin o paniniwalain na siya ang kanilang ina, pero susubukan niyang umakto bilang mabuting ‘guardian’ nito. Matapos kumain ay isang babae ang lumapit sa gawi nila. “Madam, ako ang headmaid sa mansyong ito, gusto ko lang ipaalam na nakahanda na ang kwartong tutuluyan niyo magmula ngayon.” blangkong ekspresyong sabi ng matandang babae habang titig na titig sa kanyang mukha. “Maaaring sumama ka sa akin, Madam.” “Ah, sige po, Ginang!” napatayo siya. “Sama ako!” nagpakarga si Lance sa kanya. Sumunod si Yasmien karga si Lance sa matandang babae patungo sa nasabing kwarto. Hindi kalauna'y sa paglalakad sa mga pasilyo ng mansyon sa unang palapag ay narating nila ang isang dulong silid. Hindi sa uanahang bahagi ng mansyon na nagkikinangan sa kintab at liwanag, sa bahaging ito ng mansyon ay madilim at walang kabuhay-buhay ang pintura sa dingding. Binuksan ng headmaid ang nakasaradong pintuan saka sila pumasok. Humanga si Yasmien sa laki ng kwarto. Iyon ay kasing-laki ng kabuuan ng bahay-kubo niya! Nagustuhan niya ang kasimplehan ng silid at gusto niyang mapasigaw sa tuwa nang makita ang malaking kama na mayroongn foam! Mayroon ding electric fan! At mayroon pang maliit na TV! Ang inakala niyang hanggang pangarap lang, ngayon ay nasa mga kamay na niya! “How dare Daddy treat Mommy like this?!” sa kabilang banda ay hindi natuwa si Lance. “Why is Mommy's room so awful! Bakit wala ang kwarto niya sa second floor tabi namin? Seriously! Electric fan? Mahirap ba magpakabit ng aircon sa araw din na ‘to, Misis Tessa?” “Paumanhin, young master, pero ito lang ang ibinilin ni Maestro sa amin.” tugon ng headmaid. Napaawang naman ang bibig ni Yasmien at tinapik-tapik ang likod ni Lance sa kanyang bisi. “Naku, Lance! Bakit ka nagagalit? Para sa akin ay napakaganda ng silid na ito at perpektong-perpekto na!” “Pero Mommy, pang maid's room nga lang ang ganitong kwarto! Kakausapin ko si Daddy para mapalitan ka kaagad—” “Hindi, hindi, hindi!” taranta niyang pinatigil ang bata. “Huwag na huwag mong gagawin iyon, Lance! Gusto mo bang masabihan ako ng ambisyosa ng daddy mo dahil sa kalabisan ko? Paano kung mag-init pa lalo ang ulo niya sa akin at pwersahan niya akong ilayo sa iyo? Gusto mo ba ‘yon?” “Of course not! But, but this room is—” “Maganda. Malinis. Maayos.” pagtutuloy niya. Bahagya at mahina niyang kinurot ang malambot ang nakalobong pisngi ni Lance. “Ayos na ayos sa akin ang kwartong ito, kaya ‘wag ka nang magalit pa, okay?” “Psh!” napanguso si Lance at walang nagawa. “Gusto mo bang matulog kasama ko ngayong gabi? Manood tayo ng palabas sa TV!” nananabik niyang alok. Muling nagliwanag ang mukha ni Lance. “Pwede akong matulog kasama mo, Mommy? Plase, let me!” Napatawa si Yasmien at napatango. “Oo naman!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD