Habang nakasalampak sina Jackie at Zyros sa lupa na may maninipis na d**o ay hindi mawala ang tingin ni Zyros kay Jackie. Halos matunaw na ang asawa sa malagkit niyang pagkakatitig habang sinusubuan ng prutas ang maliliit pang mga leon. Sanay kasi ang mga alaga ni Zyros sa mga bungang kahoy na nakapaligid sa gubat nila. Hindi niya alam kung hanggang kailan na lang sila magsasama ni Jackie. Kaya't hangga't maaari ay gusto niyang mag-iwan ng magandang alaala sa asawa. Maaaring nalinlang niya ngayon ang mga tauhan ni Congressman upang hindi mahanap ang kuweba nila. Subalit hanggang kailan? Hanggang kailan niya mapoprotektahan ang lugar niya? Paano niya kung pati si Jackie ay hindi niya mailigtas? Mula sa mga iniisip niyang iyon ay binasag iyon ni Jackie. "Mahal, halika dito, dali!" Agad

