Matapos magpakawala ng tatlong sunod-sunod na alulong ay tumingala siya na animo'y inaamoy ang buong kapaligiran. Paraan niya iyon para mahanap kung saan lumipat sina Congressman sa kagubatan. Dalawang minuto din ang itinagal niya sa ganoong posisyon, at matapos ang dalawang minuto ay tila alam na niya kung nasaan ang mga ito. Bilog ang buwan kaya't malakas din ang pang-amoy niya. Ilang sandali pa ay biglang umilaw ang kanyang mga mata. Nagmistulang mabangis na nilalang na rin ang itsura niya na anumang oras ay pwede ng manakmal ng tao. "Kung hindi kayo aalis sa lugar ko, ako ang gagawa ng paraan para mapaalis kayo!" madiing pagkakasabi niya habang nanlilisik na ang mga mata sa galit. Ilang saglit pa ay tumalon siya pababa at tumakbo ng kasing bilis ng kidlat. At habang tumatakbo siya

