Chapter 4

1153 Words
"Pakiusap, Bathala, bumalik kayo!" sigaw ni Thanus habang nakaluhod pa rin at nagmamakaawa sa harapan maliit na apoy. "Pakiusap, bumalik kayo mahal na Bathala. Bawiin niyo ang nakatakda!" muling pakiusap nito at paulit-ulit na humalik sa lupa. Lumuluha na rin ang kanyang mga mata dahil sa takot at pangamba para sa kanyang kaibigan na si Zyros. Subalit kahit anong sigaw at pagmamakaawa niya ay hindi na talaga nagpakita pa si Bathala. At isa na lang ang nakikita niyang paraan para mapigilan ang nakatakda. Ang hindi pagtagpuin ang dalawang tao. Maaga pa lang ay nag-impake na sina Jackie at Farhana dahil mamamasyal sila. Kasama rin nila ang Ina ni Farhana na kasalukuyang nagluluto ng mga dadalhin nila. Hindi na rin mapigil ni Jackie ang excitement niya sa lugar na pupuntahan nila. Kaya nang matapos na nilang ihanda ang mga dadalhin at kakailanganin nila ay kaagad na silang lumarga. At makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang lugar na pupuntahan nila. Malapit lang naman kasi iyon sa lugar nila. Kaya pagbungad pa lang nila sa b****a ng lugar ay napatakbo na si Jackie papasok sa loob. At nang masilayan na niya ang hinahanap ng kanyang mga mata ay bigla itong namilog dahil pagkamangha sa tila paraisong lugar. "Wow, Bes. Ito na ba ang sinasabi nilang Palogtoc Falls?" namamanghang tanong nito habang nanlalaki ang mga mata dahil sa napakalinaw nitong tubig na tila isang diamanteng kumikinang. Napangiti naman si Farhana pati ang kanyang Ina habang pinagmamasdan si Jackie. "Nagustuhan mo ba, Bes?" tanong ni Farahana kay Jackie. Dahil sa pagkamangha ni Jackie sa nakikita ay hindi na nito sinagot ang tanong ni Farhana. Mabilis niyang inilapag sa baba ang kanyang mga bitbit na gamit at nagmadaling lumapit sa tubig. Naupo kaagad siya sa gilid at kaagad na tinampisaw ang kanyang dalawang paa. Kakaiba rin ang saya na nararamdaman niya dahil ngayon lang siya nakakita ng ganitong lugar. Napakamot na lang si Farhana sa kanyang batok habang nakangiti dahil tila naging bata si Jackie sa pagkamangha sa lugar. Kaya naghanap na lamang sila ng kanyang Ina na mapaglalagyan ng kanilang mga dalang gamit at pagkain. At pagkatapos ay kaagad na rin silang sumunod kay Jackie. Pagbungad pa lang ni Farhana ay pinaulanan na ito ng tubig ni Jackie. "Ah, ganyan pala ang gusto mo, ha? Mabilis na tumalon si Farhana sa tubig at nagsabuyan sila na tila mga batang naglalaro. Enjoy na enjoy talaga sa Jackie at walang mapaglagyan ang kasiyahan na nararamdaman habang nilalasap ang ganda nito. Sandali niya ring nakalimutan ang masamang panaginip niya ng mga oras na iyon. Subalit habang kumakain na sila ng tanghalian ay muli na namang nakaramdam si Jackie ng kakaibang presensya. At tila hinahatak ang kanyang mga mata na pasadahan ng tingin ang bundok ng Death Forest. Kaya bigla siyang natigilan at sa hindi niya malamang dahilan ay unti-unti na siyang napapalingon sa bundok. Sa laki kasi ng bundok na iyon ay tanaw na tanaw iyon sa kabuuhan ng Sorsogon. Nang mapako na ang kanyang mga mata sa bundok na iyon ay isang malakas na hangin na naman ang sumalubong sa kanyang mukha. Kaya napapikit siya at halos lumipad ang kaunting hibla ng kanyang buhok kahit na basa ito. At pakiramdam niya ay tinatawag siya ng bundok. Bahagya ring nawala ang kanyang ulirat ng mga sandaling iyon. Napukaw na lamang ito ng kalabitin siya ni Farhana. "Ayos ka lang ba, Bes?" pagtatakang tanong ni Farhana dahil sa biglang pananahimik ni Jackie. "O-okay lang ako, Bes. M-may naramdaman lang ako," usal niya na may bahagyang panginginig ang boses. At pakiramdam niya ay nagsisitayuan ang kanyang mga balahibo sa katawan. Kaya bahagya nitong hinimas ang kanyang bisig na tila nahintakutan. Napansin naman iyon ni Farhana kaya tinanong niya ulit si Jackie. "Ano ba kasi ang naramdaman mo at tila bigla kang namutla?" Bahagya ulit siyang napalingon sa Bundok ng Death Forest. Pagkatapos ay muling binaling ang paningin kay Farhana at pilit na ngumiti. "Wala, Bes. Baka guni-guni ko lang ulit 'yon. Tara na, kumain ulit tayo," pagsisinungaling na lamang niya para hindi na mag-alala pa ang kanyang kaibigan. Subalit ang saya na nararamdaman niya ng dumating sila ay biglang nagbago dahil sa nangyari. Pakiramdam niya rin ay palaging nakatingin sa kanya ang bundok. At para hindi mahalata ni Farhana na may kakaiba siyang nararamdaman ay bahagya muna siyang dumestansya sa kaibigan. Naupo siya sa di kalayuan at pinanood na lang muna sina Farhana at ang Ina nito habang masayang naliligo. Hindi muna siya bumalik sa ilog at nag-isip-isip muna sa isang tabi. Ngunit kahit gayunpaman ay pinipilit niya pa ring pinapalakas ang kanyang kalooban. Iniisip na lamang niya na baka nga talaga guni-guni niya lamang ang mga nararamdaman niya sa lugar na iyon. Subalit habang iniisip niya ang mga gano'ng bagay ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. "Ano ba naman 'to?" asik niya habang sapo ang kanyang tiyan. Pakiramdam niya kasi ay bigla na lamang kumulo ang kanyang tiyan at nais ng lumabas ng kanyang masamang kinain. Kaya nagmadali siyang pumunta sa banyo at doon niya inubos ang lakas niya sa pag-ere. "Ang takaw mo kasi, eh," untag niya sa kanyang sarili. Napatakip pa siya sa kanyang ilong ng magkabilang tissue dahil sa kakaibang amoy ng kanyang dumi. Nang matapos ay kaagad niyang binuksan ang pinto dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hangin dahil sa sama ng Amoy. Napangiti na lamang siya sa kanyang sarili habang naglalakad na pabalik sa kanyang mga kasama. Subalit habang naglalakad siya ay bigla na naman siyang natigilan. Nakarinig kasi siya ng isang napakalakas na tinig at pakiwari niya ay sa Death Forest na naman ito nagmula. At bigla na namang lumakas ang ihip ng hangin sa buong kapaligiran kaya muli na namang nanlaki ang kanyang mga mata at tila bigla siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan. Sa takot niya ay muli niyang inihakbang ang kanyang mga paa. Ngunit lalo lamang siyang natakot dahil hindi na niya maigalaw ang kanyang mga paa. Pakiramdam niya ay napako na siya sa kanyang kinatatayuan. "A-anong nangyayari? B-bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko?" pagtatakang tanong niya sa kanyang sarili. Hanggang sa nararamdaman na niya tila palakas na nang palakas ang hangin sa buong kapaligiran. At may kung anu-ano na siyang bagay na tila naririnig na hindi niya maipaliwanag. Nagsisimula na rin magsibagsakan ang luha mula sa kanyang mga mata dahil sa takot. Hanggang sa may marinig na naman siyang tinig mula sa Bundok. At sa pagkakataon n iyon ay malinaw na niyang narinig na tinatawag nga ang kanyang pangalan. Napapikit na lamang siya habang tuloy pa rin ang takot na nararamdaman. Sunod-sunod na rin ang mga luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata. Hanggang sa hindi na niya namamalayan na unti-unti na siyang napapaharap sa bundok at kusa na itong humahakbang para tahakin ng daan papalit sa bundok ng Death Forest. Tuluyan na nga siyang nilamon at mapasailalim sa malakas na kapangyarihan ng bundok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD