Pauwi na sana sina Jackie at Farhana sa kanilang bahay nang muling may malakas na hangin ang dumampi sa balat ni Jackie. At nang tiningnan niya kong saan galing ang presensya ng hangin ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil galing iyon sa Bundok ng Death Forest.
“Bakit ka natigilan, Jack? May problem ba?” pagtatakang tanong sa kanya ng kaibigan.
“Bes, hindi mo ba naramdaman ‘yon?” nahihintakutan na turan niya.
“Ang alin, Bes?” pagtatakang usal rin nito.
‘Y-yong hangin na malakas na tumama sa ‘tin!” nauutal nitong aniya.
“Anong hangin ang pinagsasabi mo, wala naman akong naramdaman. Tingnan mo, tahimik naman ang kalikasan ‘di ba?” inikot nito ang paningin para ipakita kay Jackie na walang hangin na dumampi sa kanila dahil hindi nga gumagalaw sa paligid ang mga mayayabong na punong kahoy.
Kaya naisip nito na baka guni-guni niya lamang iyon.
“Tara na nga, Bes! Baka guni-guni ko lang iyon.” Kaya nagsimula na silang humakbang na dalawa. Pero hindi niya pa rin napigil na sulyapan ang naturang Bundok.
Nang makabalik na sila sa kanilang bahay ay naabutan nila na naghahanda na naman ng pagkain ang Ina ni Farhana para sa kanilang hapunan. At nang makita ni Jackie ang hinandang putahe ng Ina ni Farhana ay bigla itong nagutom at kaagad na umupo.
Natawa naman sina Farhana at ang Ina nito dahil sa inasta ni Jackie.
“Ay grabe! Siguradong mabubusog na naman ako nito,” masayang sabi nito habang umiikot ang kanyang mga mata sa mga pagkain na nakahain sa lamesa.
Naupo na rin si Farhana sa tabi ni Jackie. At naupo na rin ang Ina ni Farhana habang nakangiti sa kanila.
“Ay grabe! Nabusog talaga ako sa mga pagkain na inihanda ng Nanay mo, Bes.” Wika nito habang hinihimas ang kanyang tiyan.
Napangangiti naman si Farhana habang naglalagay ng punda sa kanilang unan.
“Salamat naman kung gano’n, Bes,” sagot rin nito.
“Baka hindi na ako niyan makilala kapag bumalik na tayo sa manila kasi tumaba na ako,” nakangiting usal ni Jackie at napahagikhik pa ito ng tawa.
“Hindi mangyayari ‘yon, Bes, kasi kahit anong kain mo hindi ka naman tumataba!” nakatawang usal rin ni Farhana.
Kaya nagtawanan silang dalawa. Hanggang sa hindi na namamalayan ni Jackie na bumibigat na pala ang talukap sa kanyang mga mata at hindi na nito namalayan na nakatulog na pala siya. At habang natutulog ito ay bigla itong nanaginip.
“Teka, nasaan ako?” pagtataka nitong usal dahil naroon siya sa isang tila paraiso lugar. Maraming naggagandahang mga bulaklak at tila may isang Mala-ginto na kuweba.
At nang ikutin niya pa ang kanyang paningin ay iba’t ibang kulay ng paru-paro ang umiikot sa kanya. At nang tingnan niya muli ang kapaligiran ay makikita mo kagandahan ng lugar na tila isang paraiso.
“Anong ginagawa ko rito? Nananaginip ba ako?” bulong nito sa kanyang sarili. “Tama panaginip lang ito,” muling usal niya. Sinubukan niyang tapik-tapikin ang kanyang mukha habang nakapikit. Pero nang imulat niya ang kanyang mga mata ay naroon pa rin siya.
“Alam ko panaginip lang ito.” Kinurot niya ang kanyang mukha subalit hindi pa rin siya makaalis sa lugar.
Hanggang sa may dumapo sa kanyang balikat na kulay pulang paruparo. Tiningnan niya ito at napapangiti dahil ganda nito. Nang ito ay kanyang hahawakan ay bigla na lang itong lumipad. Sa kagustuhan niyang mahawakan ang paruparo ay sinundan niya ito. Hanggang sa pumasok ang paruparo sa loob ng gintong kuweba. Susubukan niya na sanang pumasok rito subalit isang matandang lalaki na mahaba ang buhok sa ulo at baba nito ang pumigil sa kanya.
‘Wag mo ng tangkain na pumasok sa buhay niya. Kamatayan lang ang naghihintay sa inyo!” madiing banta nito.
Kaya nahintakutan siya sa matanda. “A-ano pong sinasabi n’yo, LoLo?” kinakabahang tanong nito.
“Ang nakatakda ay nakatakda na. Pero kong hindi ka papasok sa buhay niya ay baka sakaling mapigilan pa!” muling usal nito habang bakas sa kanyang mukha ang lungkot.
Napaisip naman ng malalim si Jackie sa sinasabi ng matanda tungkol sa kanya. At nang muli niya itong tingnan ay bigla na lang itong nawala. Subalit isang tinig pa na ubod ng lakas at halos mabingi siya ang kanyang narinig.
“Binalaan na kita! Sundin mo na lang para maiwasan ang nakatakda!” madiing babala nito.
Kaya naalimpungatan si Jackie habang hinahabol ang kanyang hininga.
“Bes! Anong nangyari?” gulat na tanong ni Farhana dahil nagulat ito nang biglang bumangon si Jackie.
“Masamang panaginip, Bes!” wika nito habang nanlalaki pa ang mata dahil sa kaba.
Kaya biglang tumayo si Farhana at mabilis na kumuha ng tubig.
“Uminom ka muna. Ano ba kasi ang napanaginipan mo at tila takot na takot ka?” nag-aalalang usal ni Farhana.
“Hindi ko alam, Bes! Tila nawala sa aking alaala ang lahat na napanaginipan ko!” pagtatakang usal nito. Hindi na kasi nito naalala ang lahat na kanyang nakita sa panaginip.
Subalit natigilan ito ng may biglang pumasok sa kanyang isipan.
“Sundin ko na lang para maiwasan ang nakatakda? Anong ibig sabihin noon?” bulong nito sa sarili habang nahihiwagaan pa rin sa kanyang panaginip na hindi niya maalala. Subalit ang katagang iniwan ng matandang nakita niya sa panaginip ay nakaukit na sa kanyang isipan.
“Panaginip lang ‘yon, Bes! Kaya matulog kana ulit tayo at bukas mamasyal tayo, ha.” Hinimas ni Farhana ang likod ni Jackie para pakalmahin ito.
Subalit malalim pa rin ang kanyang iniisip dahil wala siyang matandaan sa kanyang panaginip.
Samantala napabuntong hininga naman si Thanus habang nakaupo at nakapikit ang kanyang mga mata.
“Pakiusap, sana makinig sa aking babala. ‘Yon lang ang paraan para maiwasan niyo ang malagim na kamatayan.
Ginamit kasi ni Thanus ang kanyang mahika upang pasukin ang panaginip ni Jackie para balaan. Subalit hindi pa rin mawala ang kanyang pangamba ng sulyapan niya ang libro na nagpakita ng babala sa kanya.
Kaya lumuhod ito at nagdasal kay Bathala. Humingi ito ng basbas para sa kaligtasan ng kanyang nilalang na napili. Pagkatapos ay kinuha nito ang maliit na kutsilyo at saka sinugatan ang kanyang kamay para pumatak ang kanyang dugo sa isang gintong kopita na maliit.
Pagkatapos ay kinuha niya ang kopita na may lamang dugo nito at saka niya ito ibinuhos sa siga na kanyang ginawa. Subalit ang sigang maliit ang apoy ay bigla na lang tumaas ang apoy at nagmistulang kulay asul.
Kaya bahagya itong nagulat at napaatras. At isang tinig na malakas ang dumagundong galing sa asul na apoy ang nagsalita.
“Hindi na mapipigil ang nakatakda!” usal nang isang boses ng lalaki na bumalot sa kanyang buong sistema.
Kaya biglang lumuhod si Thanus sa harapan ng asul na apoy at humingi ng kapatawaran. Subalit bigla na lang naglaho ang asul na apoy at bigla itong bumalik sa pagiging pulang apoy na maliit ang liyab.