“Jack, gising.” Kalabit nito kay Jackie na tulog na tulog dahil sa puyat sa kanilang magdamag na biyahe. “Jack, gising na nandito na tayo!” muling asik ni Farhana sa kanyang kaibigan.
Kaya marahan na iminulat ni Jackie ang kanyang mga mata. Napahikab pa ito dahil hindi pa rin maibsan ang antok na nararamdaman.
“Dito na ba ang sa inyo?” tanong niyo habang inaayos ang kanyang mga gamit na dala.
“Oo, kaya bilisan mo at baba na tayo,” sagot rin ng kaibigan.
Pagkababa pa lang ng bus nina Jackie at Farhana ay may malamig at malakas na hangin ang dumampi sa buong katawan ni Jackie. Nagulat pa ito subalit hindi niya na lang ito pinansin.
Tumawag ng tricycle si Farhana para ihatid sila sa kanilang bahay. At nang makasakay na sila ay bumungad sa kanilang dinadaanan ang mga matataas at magagandang bundok na kanilang nadadaanan. Lalo na ng mapako ang tingin niya sa napakalaking bundok at tila kakaiba sa lahat ng bundok na nadaanan nila. At napansin ‘yon sa kanya ni Farhana.
‘Wag kang mamangha sa kanila. ‘Di ba ang sabi ko sayo kinakatakutan ang mga bundok rito. Lalo na ‘yang tinitingnan mo!” madiing sabi nito kay Jackie.
Kaya lalong nadala ng excitement si Jackie sa mga sinabi ni Farhana. Gusto niya nang tuklasin kung anong klaseng bundok ang bundok na tinatawag na Death Forest.
“Hindi ba talaga puwedeng pasukin ang bundok?” pag-uusyusong tanong nito.
“Hindi! Kaya ‘wag na ‘wag mong tatangkain ng pasukin ‘yan kung gusto mo pang mabuhay, ha!” madiing wika ni Farhana kat Jackie.
Ngunit ng tingnan niya ulit ang bundok ay tila inaakit siya nito. At muling dumampi sa kanyang balat ang hangin na naramdaman niya kanina nang bumaba sila ng bus ni Farhana. Subalit hindi man lang ito nakaramdam ng kaba. Bagkos ay lalo pang lumakas ang kanyang kalooban sa hindi niya malamang dahilan.
Samantala, habang naglilinis si Thanus ng kanyang mga libro dahil sa alikabok na kumapit dito ay biglang lumakas ang hangin at biglang nilipad ang ibang libro na kalagay sa kanyang aparador.
Kaya nanlaki ang kanyang mga mata ni Thanus at biglang itong nakaramdam ng takot at kaba. At nang tiningnan niya ang mga libro na nilipad ng hangin ay may isang libro ang biglang nagliwanag habang nakabukas ang isang pahina nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Kaya marahan siyang lumapit rito at binasa ang nakasulat sa aklat.
“Kailanman ay hindi matatakasan ang nakatakdang mangyari.” Sabi sa nakasulat kaya natakot si Thanus at napaatras ito dahil sa gulat at napahawak sa kanyang dibdib.
“Hindi maari!” asik nito habang puno ng pagkagulat ang kanyang mga mata. “Kung gano’n, narito na siya!” gulat pa rin na usal niya.
“Kailangan ay hindi sila magkita!” muling asik nito habang natataranta.
Matagal na kasing alam ni Thanus na sasapitin rin ni Zyros ang malagim na sinapit ng mga naunang sugo ni Bathala na magbantay sa kagubatan na ‘yon. Kaya ginagawa niya ang lahat upang maiwasan ni Zyros ang mga mortal dahil alam na nito na mangyayari rin ito sa kanya.
Subalit ang nakatakda ay nakatakda na. Hindi na mababago pa iyon.
Habang naglilibot sa kagubatan si Zyros para maglakad-lakad ay isang napakalakas na hangin ang biglang dumampi sa kanyang kabuuan. Kaya napatakip ito ng kanyang braso sa kanyang mga mata.
“Ano kaya ‘yon?” pagtataka nito. Subalit naisip niya na baka wala lang iyon. Kaya pinagpatuloy lang nito ang paglilibot sa kagubatan at naghanap na lamang ng makakain dahil nagugutom na naman siya.
Tuwang-tuwa naman ang Nanay ni Farhana dahil sumama ang kaibigan nito sa kanilang lugar.
“Kumain ka lang hija, ha!” nakangiting usal nito kay Jackie habang kumakain ng mga sariwang seafood tulad ng alimango, malalaking hipon at saka inihaw na pusit na binilad sa araw.
“Grabe po, ang sasarap ng mga pagkain niyo dito, Tita!” nakangiting usal rin nito habang panay subo ng ulam nilang alimango.
“Maraming salamat at nagustuhan mo,” dagdag pa nitong wika.
“Namis ko talaga ang mga ganitong pagkain, Mama. Wala kasi nito roon sa Manila, eh,” usal rin ni Farhana na walang patid sa kanyang kinakain.
“Dahan-dahan lang mga, Anak. Baka naman mabulunan kayo niyan, para kayong nagutuman,” tumatawang wika pa rin ng Ina ni Farhana na si Aling Nora.
Hanggang sa naubo na nga si Farhana dahil nabulunan na ito kaya nataranta ang kanyang Ina at kaagad siyang binigyan ng tubig.
“Sabi kasing dahan-dahan lang, eh.” Wika ng kanyang Ina habang hinihimas ang likod ng anak.
“Ang sarap naman po kasi, Tita! Kung araw-araw po ganito ang ulam natin ay baka hindi na po ako umuwi sa ‘min,” anas pa ni Jackie at nagtawanan silang tatlo.
Pagkatapos nilang kumain ay naglakad-lakad sina Farhana at Jackie sa dalampasigan upang magpababa ng kanilang kinain.
“Ang ganda pala talaga dito sa inyo, Bes!” at inamoy nito ang napakasariwang hangin na dumadampi sa kanyang mukha galing sa dagat. “At ang bango pa ng hangin, walang-wala sa hangin sa maynila,” dagdag pa nito.
Napangiti naman ang kanyang kaibigan habang pinagmamasdan nito si Jackie na nakapikit pa at dinadama ang buong kapaligiran.
“Gusto mo bang maligo tayo sa dagat? Total naman ay sakto lang ang oras na ito dahil hindi na mainit,” anyaya ni Farhana kay Jackie.
“Puwede ba, Bes?” excited na tanong nito.
“Aba’y bakit hindi!”masayang wika naman ni Farhana sa kaibigan. “Ano, tara na.” Sinimulan na nitong magtampisaw sa malikot na alon ng dagat. “Halika ka na, Bes!”
Kaya lalong nasiyahan si Jackie at kaagad siyang sumunod sa kaibigan at nagbasaan silang dalawa ng tubig. Masayang silang nagtatawanan habang nilalaro nila ang dagat.
Nang magsawa na ang dalawa at naupo sila sa buhangin at pinanood nila ang paglubog ni Haring Araw.
“Napakaswerte mo, Bes, dahil napapanood mong maglubog si Haring Araw noon,” sambit nito sa kaibigan habang nakapako ang paningin kay Haring Araw.
Ngumiti lang ang kanyang kaibigan biglang tugon.
“Siguro, masayang mamuhay rito sa inyo, ano?” baling nito sa kaibigan.
“Oo naman, tahimik at masaya rito sa lugar namin,” sagot rin ni Farhana. Pero biglang binaling nito ang paningin sa isang napakataas na Bundok at biglang gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata.
Kaya napansin iyon ni Jackie at kaagad na nagtaka.
“Bakit, Bes? Anong problema?” pagtatakang tanong nito sa kaibigan.
Huminga nang nakapakalalim si Farhana at mararamdaman mo sa kanyang presensya ang bigat na nadarama. Kaya bigla rin nalungkot si Farhana dahil sa naging reaksyon ng kaibigan.
“I was 13 years old when my father’s died!” wika nito habang nangugulap ang mga mata na nakatingin sa Bundok na tinatawag na Death Forest.
“What do you mean? I mean, what happen?” pagtatakang tanong nito habang gumuguhit na rin sa kanyang mga mata ang kalungkutan.
Itinuro nito gamit ang kanyang hintuturo ang Bundok na nasa di kalayuan sa kanila.
“Simula ng may kumalat na marami raw ginto sa Bundok na ‘yan, isa ang Papa sa nagtangkang pumasok diyan.” Tumulo na ang luha nito sa mata habang madadama mo ang sakit ng kanyang kalooban.
Tumungin ito kay Jackie na bakas ang lungkot sa kanyang mga mata habang tuloy ang pagbuhos ng masaganang luha nito.
“Hindi na siya nakabalik, Jackie!” madamdaming wika niya sa kaibigan at tuluyan na itong napahagulgol sa iyak.
Napayakap na lang si Jackie sa kaibigan para patahanin ito at damayan sa kalungkutan na nadarama. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng ngiti at mga malalakas nitong tawa ay may nakatagong isang mapait na pangyayari sa kanya.