Lumitaw si Zyros sa 'di kalayuan ng kanyang kuweba. Kailangan niya munang makita sitwasyon bago siya kumilos. Hindi nagtagal ay nakita na ng dalawang mata kung ano ang pakay niya. "Mga hayop kayo, hindi niyo na ginalang ang kuweba ko!" Naikuyom nito ang kanyang kamao sa galit na nararamdaman. Nanlilisik na rin ang kanyang kulay berdeng mga mata. Kitang-kita niya kasi kung paano pilit sinisira at tinitibag ng mga armadong kalalakihan ang kanyang kuweba. Pero hindi siya pwedeng magpadalos-dalos ng galawa. Tinatablan na siya ng bala kaya dapat maging maingat siya sa mga hakbang na gagawin niya. Kaya't inikot niya ang paningin sa paligid at kinalkula ang mga tao na nagbabantay sa mga minero. Ilang saglit pa ay lumipat siya ng direksyon sa taas ng isang malaki at mayabong na puno malapit di

