Chapter 48

1106 Words

Malalim na ang gabi ngunit nasa labas pa rin si Jackie. Kasing dilim ng gabi ang lalim ng kanyang mga iniisip. Hindi niya alintana ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang mukha dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Bahagya pa ring tumutulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata kapag naaalala niya ang mga nangyari kanina. Tila may bumabagabag sa kanyang isipan na hindi niya maipaliwanag. "Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito?" Napabuntonghininga mula sa kanyang sinabi at hinihimas niya ang magkabila niyang braso nang maramdaman ang malamig na hangin. Gustuhin niya mang tabihan ang asawa na hanggang ngayon ay wala pa ring malay, ay hindi niya magawa. Tila naninikip na kasi ang dibdib niya kapag nakikita niya ang kalagayan ng kanyang asawa. Sobra-sobra na ang pagkadurog ng kanyang puso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD